63

490 36 25
                                    

A/N: Sa lahat ng nag-aabang, here it goes mga bibi. Enjoy reading❤️

SHAN'S POV

Nagising ako dahil naramdaman kong may kumakalabit sa akin.
Kinusot ko ang aking mga mata at nakitang si Kevin ang may gawa.

Inaantok pa kaya ako!

Kinusot ko ang aking mga mata at nag-inat muna bago magsalita.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya bago humikab.

Ewan ko ba kung bakit pa rin ako inaantok sa lagay na ito!

"Take a bath and go to school,"
aniya bago ako tinalikuran dahil nakahiga pa rin siya sa bongga niyang kama.

Kay aga ang sungit ng lider ng kulokoy, panis kayo ano? Kulokoy na ang bansag ko sa pito at siya ang lider ng mga ito.

"Paano ka?" tanging naiusal ko dahil nasa may gilid ko na ang isang uniform na nasisiguro kong para sa akin talaga.

Binilhan niya ako mga dzai? Hala
kinikilig ako ah! Pero malabo eh, may sakit siya diba?

"I can manage myself, just move." sabi niya habang nanatili na nakatalikod sa akin.

Ayaw niya na ba ako makita? Nakita niya bang tumutulo ang laway ko pagtulog?

Nako! Malaking KAKAHIYAN IYON!

"Sige," sabi ko nalang pero deep inside sa aking puso este sa aking isipan, sasamahan ko siya hanggang sa pagtanda. Ay mali!
I mean kapag magaling na siya.

Ang pasmado ng bibig ko ano? Ako ay napaghahalataan na marupok sa lider ng mga kulokoy!

Tumahimik lang ako at hindi nagbalak gumawa ng ingay habang nakatingin pa rin sa
likod niyang napakagandang pagmasdan dahil sa hubog nito.

Yay! Ako'y labis na nahuhumaling na! Paano kasi hugis ng bote ng coca cola ang kurba ng kanyang likod.

Nagulat ako nang bigla siyang gumalaw at lumingon sa gawi ko dahilan para magsalubong ang aming mga tingin.

Bakit kahit may sakit ka ang pogi mo pa rin sa aking paningin?

Na-gayuma ba ako ng kulokoy na ito?

Yay! Bawal ka, Shantelle. Aba! baka nakalimutan mong minsan ka na niyang sinaktan -sabi ng isip ko.

Nako! Grab and umamin-amin na rin, Shantelle. Anong malay mo baka ikaw ay kanya ring tipo diba? - sabi naman ng puso ko.

"I said go to school," seryoso niyang sabi dahilan para bumalik sa huwisyo ang utak ko.

Lutang ka na naman, Shantelle.

"Ayoko," Gusto ko pilitin mo ako, baby kulokoy ko. "Dito lang ako sa iyong tabi," sabi ko sabay kindat.

Hala? Tama ba ang ginawa ko?
Mukhang maharot ako roon ano?

"Go to your house, then." sabi niya sabay tayo sa kanyang kama kaya lumapit ako. "Don't move, I can manage," dagdag niya kaya
nakatayo lamang ako para tignan
ang gagawin niya.

Masunurin akong bata kung hindi mo natatanong, kulokoy!

Akmang lalakad na sana siya papunta sa banyo, nang bigla siyang napayukod marahil sa panghihina ng kanyang tuhod.  At dahilan para ako'y mapalapit sa gawi niya.

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon