“Zoe ba’t ba di ka mapakali jan ha? Kanina mo pa chine-check ‘yang cellphone mo. May klase pa oh?” pabulong na sabi ni Yaz sakin, bestfriend ko.“Magkikita kasi kami ni Clark mamayang 5pm, may sasabihin daw s’yang importante sakin. Excited na ako! Haha” bulong din na sabi ko kay Yaz.
“Hay naku! Kaya naman pala haha. Wag ka munang ma-excite jan, baka maihi ka pa jan e---”
“Ms. Benitez, Ms. Castro mind sharing your thoughts in class!? Hmm? Kanina pa kayong nagbubulungan d’yan ah!?” sh*t.
----------
“Bye sis! Una na ako ha?” paalam ko kay Yaz sa harap ng salamin habang sya’y nag-aayos pa.
“Ingat! Update mo ko ha? Byeee!” halos pasigaw na sabi nya habang nasa may tapat ako ng pintuan at ready ng umalis.
Halos patakbo na ang ginawa kong paglalakad, habang naka-heels pa ha. Late na kasi ako ng limang minuto sa napag-usapan naming oras ni Clark. Ewan ko ba kay Sir, ginagamit nya pa yung relo nya mukha namang sira na e, enjoy na enjoy nya pa ang pagtuturo sa boring nyang subject.Nakakahiya tuloy kay Clark, kanina pa nag-iintay si Clark sakin sa may 7/11 hays. Buti na lang at medyo malapit lang ‘yun sa school namin, at kaya namang lakarin.
Tumingin muna ako sa salamin ng cellphone ko noong medyo tanaw ko na ang 7/11 para naman ma-check ko ang itsura ko kung mukhang fresh pa ba haha. Nag-liptint at cheektint lang kasi ako kanina, at konting suklay dahil sa pagmamadali.
Konting ayos lang sa medyo nagulo kong buhok ang aking ginawa sa harap ng cellphone ko para manalamin, at nagtuloy na uli sa paglalakad.
Nagtext na sakin kanina si Clark at sinabing nasa loob na daw sya ng 7/11. Papasok pa lang ng pintuan natanaw ko na si Clark na suot ang kanyang grey hoody.
Hinawakan ko agad ang handle at medyo naguluhan “Push or Pull ba?" tanong ko sa sarili. Sorry, b*bo din minsan haha.
So, yun. Binuksan ko na nga ang pintuan at pinush ko yun, skl. Dumiretso ako sa table kung nas’an si Clark at umupo sa tapat nya. Nakangiti lang sakin si Clark at halatang excited sa sasabihin n’ya sakin, excited na din ako haha. Nakalagay pa ‘yung bag nya sa upuang inuupuan ko, halatang nilagay n’ya ‘to para ireserve ‘yung seats. "Hay naku Clark! P'wede naman na kahit tabi na lang tayo e. Hihi!" Sabi ko sa isip ko.
May mga snacks sa table and siguro kanina pa talaga sya rito kasi naubos nya na ang isang cup ng coffee blend. Kumuha lang ako sa bukas na Cheeserings at sinubo ito.
“Oh Clark, ano ba yung sasabihin mo? Dapat tinext mo na lang sakin or sa chat mo sinabi e para ‘di ka na nag-intay ng matagal sakin.” Kunyaring sabi ko pero ang totoo gustong gusto ko talaga syang makita. Hindi kasi kami gaanong nakakapag-usap nung mga nakaraang araw, siguro masyado lang talaga syang busy.
“Namiss kita Zoe! Haha” sabay apir sakin. Ako naman itong si todo kilig deep inside hahaha.
“Di kita namiss e. Pano ba yan? Hahaha” pabiro kong sabi.
“Weh?” nag-make face na lang ako sa kanya.
“So, ano na nga 'yung sasabihin mo sakin?” sabi ko. “Ano na? Aamin ka na ba sakin Clark?” Tanong ko sa isip ko habang kinikilig haha.
“Eto na nga.” Halatang excited na panimula n’ya. “Diba nakwento ko si Alexa sa’yo?” sabi nya at medyo na-dissapoint ako sa sinabi n’ya. Tungkol ba ‘to sa ex nya?
BINABASA MO ANG
I'd Lie
RomancePaano kung may dumating sa buhay mo na 'di mo ine-expect? Paano kung sa 'di inaasahan ay nakilala mo s'ya? Nakilala mo s'ya at sa 'di maipaliwanag na dahilan naramdaman mo sa kanya 'yung pakiramdam na 'di mo din ine-expect, at pakiramdam na sana 'di...