It’s already 6pm ng makauwi ako sa bahay, 5pm na kasi nag-dismiss ang last class namin. Medyo nakakapagod din ang araw na ito plus itong homework pa sa Accounting.
“Yes! Gotcha!” Natutuwang sabi ko ng ma-balance ko ang trial balance sa Accounting. Naririnig ko na din na tinatawag na ako ni Mama para kumain kaya niligpit ko na din agad ang mga gamit ko para bumaba at kumain na.
Pagdating ko sa may table, nakita ko ng nakaupo dun sina Papa, Mama at si Ate.“Si Kuya?” tanong ko.
“Nasa kwarto pa n’ya. Tawagin mo muna Nana.” Utos sakin ni Mama. Kaya pinuntahan ko si Kuya sa kwarto nya.
Kumatok ako saglit sa pinto at sumilip sa medyo nakabukas na pinto. Nakita kong nakaupo si Kuya sa kanyang kama at may kausap pa sa kanyang phone, may ka-video call pa ata.
“Kuya! Kakain na daw sabi nina Mama!” Medyo nagulat pa si Kuya sabay nagba-bye sa kausap n’ya at pinatay na ang kanyang phone. Weird.
“S-susunod na ako!” nauutal pang sabi ni Kuya.
“Ma! Si Kuya may ka-videocall!” sumbong ko kina Mama habang papunta sa hapag-kainan.
“Nakita ko Papa, si Kuy-" naputol ang sasabihin ko ng takluban ng aking Kuya ang bibig ko na nasa likuran ko na pala.
“Ang daldal daldal mo talaga Nana!” sabi pa sakin ni Kuya ng tinanggal n’ya ang pagkakatakip sa aking bibig sabay gulo ng buhok ko.
“Kuya nakakadiri ka! Ang baho ng kamay mo! Yaks!” pinalo ko s’ya sa braso pero bumelat lang s'ya sa'kin.
“Tama na ‘yan! Umupo na kayo.” sabi ni Mama samin kaya nag make face na lang ako sa kanya. Kita ko namang tawa lang ng tawa si Ate.
“Kumain na muna tayo.” Sabi ni Papa samin. Kaya sumandok na ako ng konting kanin, at nag-ulam ng paborito kong sinigang na luto ni Mama.
Tatlo kaming magkakapatid, ako na 20 years old, si Kuya Dex-22 years old at si Ate Zana-24 years old. 3 years na si Ate Zana na Architect. Si Kuya naman ay 3rd year college na, Engineering, nag-stop si Kuya ng isang taon kasi nagkasabay-sabay ang gastusin that time and graduating na din si Ate noon kaya malaki masyado ang gastusin. Ako naman ay Grade 11 that time kaya nagdecide si Kuya na mag-stop muna s’ya. Retired police si Papa at si Mama naman ay may maliit na pwesto ng panindahan sa palengke. Maagang nag-retired si Papa sa trabaho n’ya kasi na-stroke s’ya pero salamat kay God kasi ngayon naka-recover na s’ya. Nagdecide sina Mama at Papa na ‘wag na bumalik si Papa sa dati n’yang profession kaya ngayon magkatulong na lang silang dalawa ni Mama at Papa sa pagaasikaso ng maliit naming grocery store sa palengke.
“Dex sino ka-vc mo ha? Haha” sabi ni Ate kay Kuya na may halong pang-aasar.
“Naku Ate! Nakita ko talaga si Kuya nakangiti kanina ng ganto oh habang may kausap sa phone n’ya hahahaha” sabi ko din habang ginagaya ko ang ngiti ni Kuya na halos mapunit na ang labi na halos kita na ang lahat ng ngipin hahahaha
“Tumigil-tigil ka jan Zoe Marianna!” si Kuya na medyo naiinis na sa’kin. Halatang napipikon na dahil namumula na s’ya.
“Yieeeeee! Si Dex may girlfriend na!” pang-aasar pa ni Ate. Nakakunot na ang noo ni Kuya.
“Ma, Pa. Tingnan n’yo sila oh? Inaasar ako.” Parang batang pagsusumbong ni Kuya kina Mama at Papa.
“Nana, Zana. Tigilan n’yo na si Dex.” Tumawa na lang kami ni Ate.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
RomancePaano kung may dumating sa buhay mo na 'di mo ine-expect? Paano kung sa 'di inaasahan ay nakilala mo s'ya? Nakilala mo s'ya at sa 'di maipaliwanag na dahilan naramdaman mo sa kanya 'yung pakiramdam na 'di mo din ine-expect, at pakiramdam na sana 'di...