Normal lang naman na dumaan ang mga araw nitong nakaraan, wala naman masyadong ganap. School-bahay-school-bahay lang.Nasa school pa kami ngayon at kasalukuyang nakikinig sa report ng kaklase namin sa subject na Politics and Governance. Last subject na namin 'to at mag go-grocery kami ng mga kaibigan ko after ne'to. Bukas kasi ay birthday ko na and mag i-sleep over sila sa bahay namin mamaya para salubungin at i-celebrate ang birthday ko. Nakagawian na namin na sa t'wing may magbi-birthday sa'min, magkakasama naming sinasalubong ang kaarawan ng bawat isa. Actually, simula nung maging mag-bestfriend kami ni Yaz lagi kaming magkasama every birthday namin. And so far, wala pa kaming absent sa birthday ng isa't isa.
----------
After class, dumiretso na kami sa grocery store para mamili ng mga chips and chichirya at iba pang foods.
"Joy, Kate. Peanut Butter or Chocolate?" Tanong ko sa dal'wa kong kasama at pinapapili between chocolate or peanut butter spread. Naghiwa-hiwalay kasi kami at andito kaming tatlo sa Dairy Section.
"Chocolate!"
"Peanut Butter."
Halos sabay pa na sabi nilang dal'wa.
"Okay both." Sabi ko sabay lagay ng dal'wang garapon sa cart.
Nang makatapos na kaming bilhin ang mga nasa listahan. Hinanap na namin sina Yaz para makapagbayad na sa counter.
Papalapit sa counter, napansin naming may mga kausap sila Yaz. Nakatalikod yung tatlong lalaki sa'min kaya 'di ko sila mamukhaan pero halatang schoolmate namin sila dahil sa suot nilang uniform."Vice Pres!" napalingon naman samin sila Clark dahil sa pagtawag ni Kate. Sila Clark pala 'yon.
Ngumiti s'ya kay Kate at napatingin din s'ya sakin. Medyo nailang ako kasi diba 'di ko s'ya nareplyan nung nag-chat at dm s'ya. Mula kasi nung araw na iyon lagi ng nagre-react sa mga my day at shared post ko, and pati na sa mga story ko sa ig pero in-ingore ko na lang 'yun. Baka ganun lang talaga s'ya. Friendly. Ngumiti lang din s'ya sakin pati kay Joy kaya nginitian ko na lang din s'ya. #awkward
"Oh Yaz! Isama mo mga kaibigan mo ha?" sabi nung isang lalaki na kasama nila Clark, siguro orgmates din s'ya nila Yaz. "Guys! Punta kayo sa birthday party ko this Saturday ha? Invited kayo." Nakangiting sabi n'ya sa'min tatlo ni Kate at Joy.
"Sure! Punta kami Boss Kyle!" sabi ni Kate sa lalaking 'yon na Kyle pala ang pangalan.
"Asahan ko kayo ha?" sabi ni Kyle habang tumingin sa'ming anim. Ngumiti na lang ako sa kanya ng napatingin s'ya sa'kin.
Kami na ang sunod sa pila sa counter kaya tinulak ko na ang cart na dala ko at nagulat ako nung lumapit si Clark sakin para tulungan ako. "Ako na." sabi pa n'ya sa'kin na kinatingin ng mga kaibigan ko at kaibigan ni Clark na parang tinging may malisya. Nilakihan ko na lang sila ng mata. "Punta ka sa Saturday ha?" halos pabulong pa n'yang sabi na 'di naman narinig ng mga kaibigan namin. Napatango na lang ako sa kan'ya. "By the way, Advance Happy Birthday Zoe!" pabulong pa n'ya uling sabi sa'kin na ikinagulat ko kasi pa'no n'ya nalaman na birthday ko. Ah! Siguro sinabi nila Yaz kanina. Tama.
"Thank you!" nahihiya kong sabi kay Clark.
"Tara na Clark!" sigaw ng isa pang kasama nila na nasa kabilang counter na. Ngumiti s'ya sakin pati sa mga kaibigan ko bago umalis at kumaway sa'min.
"HOY! Ano yun Zoe ha???" sabay kurot pa sa tagiliran ko.
"Anong ano yun?" patay malisya kong sabi na kahit ako ay naguguluhan din naman.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
RomancePaano kung may dumating sa buhay mo na 'di mo ine-expect? Paano kung sa 'di inaasahan ay nakilala mo s'ya? Nakilala mo s'ya at sa 'di maipaliwanag na dahilan naramdaman mo sa kanya 'yung pakiramdam na 'di mo din ine-expect, at pakiramdam na sana 'di...