Hindi ko alam pero kahit na badtrip ako sa mga kaibigan ko ay hindi ko pa din maiwasang mapangiti kapag naaalala ko si Clark pati ‘yung message n’ya sa akin. Kinikilig pa din ata ako haha! Lalo pa tuloy akong inasar ng mga kaibigan ko kapag nagkakataong nahuhuli nila akong nakangiti. Kahit sa gc namin ay hindi nila tinigilan ang pang-aasar sa’kin pero hinayaan ko na lang sila. Parang mas lalo pa akong kinikilig kapag inaasar nila ako e Hahahahaha!
Hanggang ngayon, kahit na busy ako sa ginagawa kong powerpoint para sa report ko bukas sa Mathematics of Investment ay hindi ko pa din maiwasang mapangiti. Kahit na medyo nahihirapan at naguguluhan ako para sa report ko bukas, parang okay lang sa’kin. Siguro kung wala ako sa mood ngayon ay baka stress na stress na ako sa aking ginagawa. Actually, kahit kanina habang kumakain kami ng dinner, inasar din ako ni Kuya kasi napansin n’yang pangiti-ngiti ako at parang wala sa sarili. Pero imbes na mainis ako kay Kuya tinawanan ko na lang s’ya kahit pati sina Mama, Papa at Ate ay nakiasar na din. Ewan ko ba at ‘di ko nga din magets ang sarili ko Hahaha! Ganun ba kalakas effect ni Clark sa’kin? Sinabihan lang naman n’ya ako ng cute ah? Pero… Aaacccckhhhhhhh! Nakakakilig sadyaaa!
Hindi ko na din namalayan na tapos na pala ako sa powerpoint na ginagawa ko. Chineck ko kung anong oras na 10:25 pm na pala. Nagdecide na akong patayin ang aking laptop para makapagpahinga at makatulog na din. Inayos ko na din ang mga gamit ko at inilagay sa aking bag ang mga nakakalat na notebook at mga libro. Wala sa sarili kong pinapasok ang mga gamit ko ng napansin ko ang isang kulay asul na papel na nakaipit sa isa sa mga libro ko. Parang alam ko na 'to ah? Hinila ko naman ito at binuksan. At tama nga ang hinala ko. Another love letter with the same handwritten! Lalo naman akong kinilig nang simulang basahin ito.
Hey Zoe!
I just wanted to say how much I adore you. Sorry, wala lang akong lakas ng loob na ibigay ‘to ng personal sa’yo. Alam mo bang gustong gusto kitan titigin? Sorry, pero ‘di ko maiwasang mapatitig sa’yo e. Buti na lang din at hindi mo ‘ko nahuhuli Haha! You know what? I wish sana lagi na lang tayo magkatabi, sana lagi ka na lang nasa tabi ko, kasama ko. Kaso sa ngayon hindi ko pa magawang humarap sa’yo. Maybe soon? I’m just here staring at you from afar. You’re my inspiration Zoe. I’ll be with you, soon.
CF.
Nakahiga na ako sa aking kama ngayon at nawala ang antok ko mula kanina nung mabasa ko ang letter sa'kin ni Clark. Past 12 na at heto ako’t dilat na dilat pa rin ang aking mga mata. Nasobrahan na ata ako ng dosage ng kilig mula kay Clark sa araw na ‘to e. Magkasama lang naman kami ni Clark kanina e ba’t kelangan pa n’yang doblehin ang kilig ko. Haha! Patay ako neto bukas! ‘Wag naman sana akong malate uli. May report pa ako e! Lagot naaaaa.
---------
After that day, napapadalas na ang pagsama sa’min ni Clark- t’wing lunch, meryenda or minsan sa mga gala namin. Gustong gusto din naman ito ng mga kaibigan ko at lagi kaming may free ride pag-lumalabas. Anlakas din kasing manlibre nitong si Clark kaya minsan ay ako na ang nahihiya para sa mga kaibigan ko. Minsan din ay isinasama n’ya ang mga barkada n’ya- sina Kyle, Kit, Evans and Tom, at napaka-kulit din nila. So far, medyo nagkakausap na din kami ni Clark pero andun pa din yung ilang ko sa kanya. Sila lang naman nina Yaz at Kate ang mas ka-close n'ya e.
May natatanggap pa din kasi akong letter mula sa kanya at ang hindi ko ma-gets bakit hindi n’ya na lang ibigay ng personal? I mean, ‘di ko naman din gusto na ibigay n’ya ng personal pero nakakapagtaka lang din kung bakit hindi n’ya mabigay sa'kin ng personal diba? Or siguro humahanap pa din s'ya ng tyempo na ibigay sa’kin ng personal? Baka nahihiya din s'ya sa’kin, or sa magiging reaksyon ko. ‘Di ko naman sinasabi kina Yaz at sa iba ko pang mga kaibigan ang about dito kasi kilala ko na ang mga baliw na ‘yun. Alam ko na ako na naman ang pagti-tripan nila at aasarin kapag anjan si Clark kaya ‘di ko na lang kiniwento sa kanila. Ang hindi nila alam ay nakakatanggap pa din ako ng mga letters mula kay Clark.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
RomancePaano kung may dumating sa buhay mo na 'di mo ine-expect? Paano kung sa 'di inaasahan ay nakilala mo s'ya? Nakilala mo s'ya at sa 'di maipaliwanag na dahilan naramdaman mo sa kanya 'yung pakiramdam na 'di mo din ine-expect, at pakiramdam na sana 'di...