7:30 am na at late na ako papuntang school. 8 o’clock kasi ang klase namin kaya heto ako’t nagmamadali habang nag-aabang ng masasakyang jeep sa harap ng bahay namin. Hindi kasi agad ako nakatulog kagabi kahit na antok na antok ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito kay Clark, sa pag-post n’ya ng picture ko o sadyang hindi lang ako makatulog.
Nang may tumigil ng jeep sa aking harapan, dali-dali na akong sumakay dito. Sa jeep ko na kinain ang egg sandwich na inabot sa’kin ni Mama bago ako lumabas ng bahay. Hindi na rin kasi ako nakapag-almusal pa dahil sa takot na mas ma-late.
After kong maubos ang sandwich ko, saka ko pa lang inayos ang aking buhok na hindi pa gaanong nasusuklay. Naka-ponytail lang kasi ito kanina. Nilabas ko din ang powder, liptint, at salamin ko. Tsaka ako nag-ayos ng aking mukha kahit pa mayroong mangilan-ngilang mga estudyante ang nanonood at nakatingin sa akin pero wapakels na. Hahaha.
Mabilis lang naman ang naging byahe at maaabutan ko pa ang first subject ko. Pagkababa na pagkababa ko pa lamang ng jeep ay dumiretso na agad ako sa gate ng aming school. Sinita pa ako ni Kuyang Guard dahil sa maluwag kong necktie. Inayos ko na lang ito habang paakyat sa 3rd floor.
Nasa 2nd floor na ako at nagmamadali pa din sa paglakad, nang napansin kong parang tinitingnan ako ng iba. HINDI! Ginala ko ang paningin ko at nakatingin silang LAHAT. What’s wrong with them? NO! What's wrong with me? Napatingin pa ako sa reflection ng sarili ko sa bintana sa may hallway, and wala namang something na kakaiba sa'kin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda at fresh katulad ko kahit na late na't nagmamadaling naglalakad sa hallway? ‘Di naman ako ganung ka-famous sa school para pagtinginan nila.Tumingin ako sa aking relo at 5 minutes na lang bago ang klase namin kaya dumiretso na uli ako sa aking paglalakad papuntang room at isinantabi ang mga estudyanteng may kakaibang tingin sa’kin.
Pagdating ko sa room sakto at wala pa ang prof namin. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit halos lamunin na ako ng tingin ng mga kaklase ko. Pati sina Yaz ay ganun din makatingin sa’kin. Katulad ng tingin ng mga estudyante kanina sa hallway.
“Zoe, ang cute n’yo!” salubong sa’kin ni Trixie, classmate ko, nung hindi pa ako nakakaupo at tinaasan ko na lang s'ya ng kilay. Akmang ipapakita na n'ya ang cellphone n’ya sa’kin ngunit saktong dumating si Mr. Castro kaya naglakad na din ako papunta sa upuan ko katabi si Yaz. Napansin ko pa ang kakaibang titig sa’kin ni Yaz at pasimple s'yang bumulong sa’kin
“Let’s talk later, Zoe.” Sabi ni Yaz sa’kin na parang may halong pagbabanta, at pinanliitin n’ya pa ako ng mga mata. Parang base sa paraan ng tingin at tono ng pananalita n'ya ay meron akong kelangang aminin at sabihin sa kanya. Kung ano ‘yon, iyon ang hindi ko alam."What???" Pabulong kong sabi sa kanya pero isinawalang bahala n'ya na lang ito at nagkunwaring nakikinig sa prof namin.
----------
“SO, NAG-DATE NGA KAYO KAHAPON!?” gulat na reaksyon ni Yaz na napatayo pa sa kanyang upuan. Dali-dali ko s’yang hinila paupo sa upuan n’ya at nakangiting tumingin sa mga ilang tao na naka-agaw sa atensyon n’ya dito sa milktea store para humingi ng pasensya. “ZOE! BA’T HINDI KO ALAM 'TO!” madiin n’yang sabi sakin na may halong pagtatampo ng narinig n'ya ang kwento ko about sa nangyari kahapon. Buti pa sina Kate, Tin, Risse at Joy tahimik lang na nakikinig sa amin.
“Okay Yaz? Kumalma ka muna okay?” sabi ko pa sa kanya sabay simsim ng milktea ko. Pano ba naman kasi? Kumalat lang naman sa department ang chismis na nagde-date kami ni Clark at itong classmate kong si Maica ang nagconfirm na nakita nga daw n’ya kaming dalawa ni Clark na magkasama sa Mcdo, which is totoo naman ngang magkasama kami pero it’s not a date. “Yaz. Hindi s’ya date okay? Hindi ko s’ya matatawag na date kasi in the first place wala namang namamagitan sa’min something.” paliwanag ko pa sa kanya/kanila.
“Pero kumain kayo diba? Together! You can call it a date!” sabi n’ya pa sa’kin. Shet. Pinapasakit ni Yaz ang ulo ko e.
“Fine! Call it whatever you want. Basta for me it’s not a date.” Laylay balikat ko pang sabi sa kanya at nagsisimula ng mairita.
“If there’s no something going on between you and Clark, how can you explain ‘yung paghatid, at pag-intay sayo ni Clark sa bahay namin? Hmm?” taas kilay n’ya pang sabi sa’kin sabay subo ng cheese cake na nasa platito n’ya.
“Ooohh?” napalingon naman ako kay Tin na nag-react sa narinig n’ya kay Yaz. Napatingin din ako kina Kate, Risse at Joy na nakatingin sa akin na parang nag-iintay din ng paliwanag ko.
“Diba Yaz na-explain ko na ‘to?” sabi ko kay Yaz pero tinaasan n’ya lang ako ng kilay at talagang inaantay na ako’y magsalita. Lumingon din ako kina Kate at mariin lang silang nakatingin sa akin habang sumisimsim sa milktea nila. Napakamot naman ako sa ulo ko at nagsimula na. “Diba papunta nga ako sa bahay n'yo that day? Antagal kong nag-iintay Yaz sa sakayan papunta sa inyo kaso punuan 'yung mga jeep na dumadaan kasi diba rush hour nung time na 'yun? And, dumaan nga dun si Clark which is sabi n'ya pauwi na daw s'ya. Tumigil s'ya sa harap ko at pinasakay n’ya nga ako. Nahihiya man pero ‘di na ako tumanggi kasi late na masyado, at 'di ko na ma-take ang pag-iintay doon. That’s it. Gets?” Sabay higop sa paubos ko ng milktea at tiningnan ang mga kaibigan ko.
“Inintay ka pa n’ya e. Or nagpaintay ka?” sabi pa ni Yaz.
“No! Di ako nagpaintay ‘no. Sinabi ko na pwede na s’yang umalis pero nagdecide pa din s’yang intayin ako kaya hinayaan ko na lang.” sagot ko naman.
“So, what’s his reason for that?” singit na tanong naman ni Joy.
“I don’t know whatever reason he has. And wala naman akong balak alamin pa kung sakaling meron .” Nakanguso kong sabi.
“Tapos hinatid ka pa n’ya uli sa bahay n’yo diba? See? Kahit opposite ‘yung way ng bahay nila sa bahay n’yo, ‘di pa din s’ya nag-alinlangang ihatid ka.” Sabi pa ni Yaz.
“Because it’s raining! That’s it.” Explain ko pa sa kanya/kanila.
“I have a conclusion for that!” nakagiting sabi ni Kate na parang nakaisip ng bright idea. Tumingin naman ako sa kanya ng nakakunot ang aking noo. “Clark likes you Zoe!” dugtong pa n’ya. Napalingon ako kina Yaz, Tin, Risse at Joy, at tumatango-tango sila sa’kin. Napasapo na lang ako sa noo ko.
Hays. Pinapasakit talaga nila ang ulo ko. Mga kaibigan ko ba sila? Huhu. Siguro kaylangan ko na ngang makausap si Clark about dito. Siguro alam na din naman n’ya ‘yung issue na ‘to.
Claaaaaark! Ikaw may kasalanan neto e! Alam kong napaka-cute mo pero ‘di mo ako madadaan sa mga dimples mo! (Konti lang siguro hehe)
Nakasapo lang ang mga palad ko sa aking mukha habang nag-iisip kung pa’no kami magkakausap ni Clark. Napaka-busy ng taong ‘yun at ‘di ko alam kung saan s’ya hahagilapin.
“Zoeeeeee!” tawag ni Yaz sa’kin kaya kunot noo na napalingon ako sa kanya na nasa tabi ko lamang ngunit napansin kong hindi s’ya nakatingin sa’kin. Sa harap s’ya nakatingin kaya naman sinundan ko ang tinitingnan n’ya at parang bigla akong nahiya sa aking sarili, na sana’y hindi na lang ako tumingin saa kanya. Nagkataon kasing pagtingin ko ay saktong napatingin din sa’kin si Clark. Oo! Si Clark! Si Clark na nasa may entrance at nakatingin sa’ming table ngayon at kasalukuyang naglalakad… papunta sa aming table?
----------
:>
BINABASA MO ANG
I'd Lie
RomancePaano kung may dumating sa buhay mo na 'di mo ine-expect? Paano kung sa 'di inaasahan ay nakilala mo s'ya? Nakilala mo s'ya at sa 'di maipaliwanag na dahilan naramdaman mo sa kanya 'yung pakiramdam na 'di mo din ine-expect, at pakiramdam na sana 'di...