Chapter 6

0 0 0
                                    

"Sis, sakit ng ulo ko huhu." Naiiyak na sabi sa'kin ni Yaz habang habang hawak-hawak ang kanyang ulo na ngayon ay kakagising lamang. Animo'y nakipag-gyera ang itsura ni Yaz. Gulo-gulo ang buhok at gusot pa ang mga damit.

"Yan kase! Inom pa more!" Pasigaw kong sabi sa kanya ng inabot ko ang isang baso ng tubig at nilapag ang isang bowl ng lugaw sa sidetable. Inismiran lang ako ng babaeng 'to bago nilagok ang tubig n'ya.

"Bukas may nag-invite uli. Birthday party din. Punta uli tayo ha?" Nakangising sabi ko sa kanya na may halong pang-aasar.

"Really? Gora us! Hahaha" sabi n'ya pa kaya naman napukpok ko ang kanyang ulo.

"Aray naman! Pinapasakit mo pa lalo ulo ko e!" reklamo n'ya sa akin.

"Yan! Masakit na nga ulo mo ngayon, gaganan ganan ka pa! Buti nga sa'yo!" inis kong sabi sa kanya. Sinamaan naman n'ya ako ng tingin at ang gaga nag-make face pa sa'kin. "Kainin mo muna 'yang lugaw at mag-ayos ka na jan mamaya. Natawagan ko na jowa mo, susunduin ka na daw." Sabi ko sa kanya sabay talikod sa kanya at nagligpit ng kalat.

10 am na ngayon. Sunday. Nakausap ko na din si Kate at ayun nga may hang-over din. Ewan ko ba kay Kate kung ba't sobrang uminom 'yun kagabi. Hindi naman ganun kalakas 'yun mag-inom e. Parang broken hearted e. Pero pa'no magiging broken hearted kung wala namang jowa? HAHAHA at wala din naman s'yang nashe-share sa'min na may nanliligaw ba sa kanya or mga dumadamoves sa kanya. Actually, secretive talaga si Kate na 'yan. May mga bagay s'yang 'di nya nashe-share samin pero naiintindihan naman namin kasi it's her personal choice ang nirerespect naman namin 'yun as her friends.

Tinawagan ko din sina Risse and Joy and okay naman daw sila. Wala namang hang-over kasi 'di gaanong karami ang nainom nila. While si Tin, kagabi n'ya pa talaga kami kinakamusta thru gc namin at nagrespond naman ako sa kanya nung nabasa ko. Nanghihinayang din daw s'ya na hindi s'ya nakasama sa'min.

----------

"Yaz ano? Monday na ngayon ah? Bangag na bangag ka pa din sa Business Calculus kanina e. May hang-over pa din ba? Hahaha" natatawang sabi ni Tin kay Yaz na ikinatawa lang din namin. Pano ba naman? Naka-ilang tawag sa kanya kanina si Miss De Chavez tas itong si Yaz nakatulala lang at mukhang malayo ang tingin kaya naman pinagalitan s'ya at napagtawanan pa ng buong klase.

"Laughtrip talaga lagi sa'yo Yaz! Hahahaha" sabi pa ni Risse kay Yaz na nakasubsob sa table. By the way, andito nga pala kami ngayon sa Cafeteria and kumakain ng snacks. Vacant kasi namin ngayon at tinatamad naman kaming lumabas ng school kaya dito na lang muna kami tatambay.

"Wag kasing lipad lagi ang isip Ya-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng tumunghay si Yaz at biglang nagsalita.

"Wala kasi kayong alam!" Galit na sabi n'ya at kitang kita din sa mga mata n'ya na parang nagbabadya s'yang umiyak. Tumayo s'ya at sinakbit ang kanyang maliit na back pack at dali daling umalis palabas ng canteen. Nanatili lang kaming tahimik saglit at nagulat sa inasal ni Yaz.

"Anong nangyari dun Zoe?" tanong ni Joy habang nakaturo sa direksyon kung saan dumaan si Yaz.

"Hindi ko din alam. Wala akong alam." Umiiling na tugon ko na sobrang naguguluhan na sa inasal ni Yaz kani-kanina lamang.

"Wala bang nababanggit bestfriend mo sa'yo?" tanong naman ni Kate sakin na sinagot ko ng pag-iling. Okay naman kami kahapon bago s'ya sunduin ng boyfriend n'ya. At kagabi nakausap ko din s'ya pero wala naman s'yang nabanggit sa'kin kahit na ano.

Pumasok na kami sa sunod na class namin pero si Yaz ay hindi umattend. Akala ko sa next subject ay papasok na s'ya pero wala pa ding Yaz ang dumating. Hays. Siguro naman nakauwi na 'yon sa bahay nila.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon