Chapter 7

1 0 0
                                    

Mula ng dumating ako sa bahay, iba na ang tingin ni Kuya sa’kin. Kapag tinatanong ko naman kung anong problema n’ya tinititigan lang n’ya ako at umiiling. Na-explain ko na din naman sa kanya kung ba’t suot ko ang hoody ni Clark. Pero ‘di ko pa din alam kung bakit ganun pa din s’ya makatingin sa akin. Alam naman ni Mama na si Clark ang naghatid sa’kin at kilala na rin pala n’ya si Clark. Minsan na din daw tumambay si Clark sa bahay namin kasama ni Kuya at iba pang mga team mates n’ya sa basketball. Nagkakataon lang siguro na hindi ko s’ya naaabutan kaya di ko s’ya nakikita kapag kasama s’yang pumupunta sa bahay.



Tinext din agad ako ni Yaz pagdating na pagdating ko sa bahay. Asking kung nakauwi na ba ako ng ligtas. And isa pa… inasar n’ya din ako. Bumaba at sumunod din pala s’ya sakin pag-alis ko sa kwarto n’ya at nakita n’ya yung kotse ni Clark. Masyadong madaming speculations ang nasabi ni Yaz kung bakit daw kami magkasama at bakit sa sasakyan n’ya ako nakasakay at kelangang intayin. Mahaba-haba din ang naging explanation ko sa kanya pero ni isa wala s’yang tinanggap hays. Pinupush n’ya baka it’s either nanliligaw si Clark sa’kin or baka daw kami na. Ay shet! Hays. Nakakainis si Yaz. Wala namang kami e at walang magiging kamiiiiiii! CHAR Hanggang crush lang siguro?? Hahahaha That’s enough haha.



And another thing nga pala. While fixing my things in my bag. May letter na naman akong nakita. The handwritten was the same as the handwritten from other letters that I have received before. And also the initials again, CF. Naaalala ko kasi na iniwan ko ang bag ko sa kotse ni Clark. So, si Clark ba talaga? Kay Clark ba talaga galing yun? Ahhhhhckkk. Naiisip ko pa lang na si Clark ang nagbibigay ng letters na ‘yun kinikilig na ako! Hahaha. Pero ba’t kaya hindi na lang n’ya ito inabot sa’kin directly? Sabagay, baka nahihiya din s’ya sa akin. Ganda kong ‘to?? HAHAHAHAHA Sorry mahangin! *peace sign.



That night din, I decided na magpapansin kay Clark-este magpasalamat. I pm-ed him, and said “Thank you!”. ‘Yon lang muna… sa ngayon hahaha saka na ang lsm CHAR! Nag-reply naman s’ya agad sa’kin saying “Welcome. Anytime!😉” with his wink emoji pa. Kakilig naman! Sinabi ko din sa kanya na isosoli ko ‘yung hoody n’ya and um-okay naman s’ya. Sinabi ko na lang na ime-message ko s’ya if ever may time ako or s’ya para maabot ko ang hoody n’ya sa kanya.



----------

3 days had passed since that night na inihatid ako ni Clark pero until now hindi ko pa din nasasauli ang hoody n’ya sa kanya. Everytime kasi na minemessage ko s’ya hindi s’ya available, either may klase s’ya or may meeting. Sinabi na lang n’ya sa akin na sa’kin na lang muna daw ang hoody n’ya and kapag may vacant time s’ya, si Clark na ang mismong kukuha sa’kin nito at pumayag naman ako.



About naman kay Yaz, hanggang ngayon hindi pa din daw nagpaparamdam sa kanya ni James. Pero kahit na ganun, napapansin kong pinipilit n’yang maging okay. Kinausap na din n’ya sina Kate, Tine, Risse and Joy at humingi s’ya ng sorry sa kanila. Hindi na n’ya nakwento ‘yung reasons n’ya kung bakit nagkaganun s’ya pero alam ko namang naintindihan na nila iyon.



Andito kami sa room namin sa 3rd floor while waiting our prof for the next subject. And suddenly, my phone beep.



1 text message

From: Unknown Number

Hi Zoe! It’s me Clark. I have my free time later 3:00 pm. Is it okay if I wait you at the cafeteria or puntahan na lang kita sa room mo?



1:25 pm pa lang  3:30 pa ang tapos ng last subject namin. So, I texted Clark.



To: Unknown Number

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon