Chapter 11

1 0 0
                                    

3:15 am.

Kanina pa kaming andito sa tapat ng bahay nina Yaz at iniintay s’ya. Ang usapan namin ay 3:00 o’clock in the morning ay dapat ready na kaming lahat para dadaanan na lang sa kanya-kanyang mga bahay pero itong si Yaz ay kagigising lang pala nung tinawagan ko kani-kanina lang. ‘Yan tuloy baka maabutan kami ng traffic.

Magbibihis lang naman daw si Yaz kaya ‘di na kami bumaba pa sa sinasakyan naming van na pagma-may-ari nina Joy. Driver namin ngayon si Tito Jun, 'yung Papa ni Joy. Ihahatid lang naman kami ni Tito sa sakayan m papunta sa pupuntahan namin.

Bumukas na ang gate ng bahay nila Yaz at lumabas si Kuya Roel - boy nila sa bahay, dala-dala ang isang maletang gamit ni Yaz at dineretso naman n’ya ito sa likod ng sasakyan. Sumunod na din naman si Yaz na may bitbit pang unan.

“Oh ano? Tatayo ka na lang jan?” sabi ko kay Yaz na nakatayo lamang sa may pinto ng sasakyan.

“Sowee na pooo.” Sabi ni Yaz  sa'kin with puppy eyes pa. Saka pumasok ng sasakyan at tumabi na sa’kin. Ini-start na din ni Tito ang sasakyan at umalis na kami.

“Ba’t may dala dala ka pang unan Yaz?” tanong ni Risse.

“Matutulog muna ako sa byahe, Guys.” Sabi n’ya at saka sumubsob sa dala n’yang unan.

“Hay nakuuu!” sabi ko naman sa kanya at isinuot ang aking earphones.

“Sa sobrang excited ko kasi kagabi ay hindi agad ako nakatulog. Kaya ‘yun nalate naman ako ng gising.” kwento ni Yaz habang s’ya ay nakasubsob sa kanyang unan.

----------

“OH MY GOOOOD! HAAAANGANDAAAA!” manghang sabi ko ng makita ko ang napakagandang view.

“HUWAAAAAAW!” napangangang sabi pa ni Tin. Napatingin din ako kay Yaz at napatahimik naman s’ya sa kanyang nakita.

Nakita ko ding pati sina Risse at Joy ay humahanga sa nakikita namin magandang view sa harap namin. Parehas nilang hawak ang kanilang mga cellphone at kinukuhanan ng picture ang view namin dito. Naabutan kasi naman ang pagsikat ng araw pagdating namin rito. Manghang mangha kaming lahat sa sunrise na nasisilayan namin ngayon.

Kakarating lang namin dito sa nakuha naming town house dito sa Pocanil Beach Resort kung saan mag i-stay kami for 3 days. Isa lang ‘tong one-storey modern style house with 1 bedroom with 3 beds. Pinagtabi-tabi na lang namin ang mga kama para tabi-tabi na rin kami pag natulog. May maliit ding veranda sa kwarto  namin kaya tanaw na tanaw ang namumuting mga buhangin at ang kulay asul na dagat. Ilang steps lang din from the entrance door ay beach side na. Nasa dulong part din ng beach ang bahay namin kaya iilan lang ang mga nakikita naming pagala-galang mga turista sa part na ‘to, at mas okay naman ito kasi hindi gaanong crowded ang lugar at mas maso-solo naman ang place na ‘to.

Kumain muna kami ng almusal at nagdecide kaming matulog na muna. Sobrang pagod din kasi kami sa haba ng aming byinahe at ako’y hilong hilo sa naging byahe namin. Napag-usapan naming magpahinga na muna kami at mamaya na lang kami lalabas para mag-swimming and night out.

“Hoy! Marianna!” rinig kong sigaw sa’kin ni Yaz. “Alas tres na ng hapon! Aba’t bangon na diyan!” sabay hampas pa sa’kin ni Yaz ng unan para ako’y magising.

Bumangon ako sa aking kama kahit antok na antok pa ako. Nakita kong nagpapalit na ng two piece itong si Yaz at tiningnan ko lang naman s’ya.“Tinitingin-tingin mo pa d'yan ha? Tara na’t mag-swimming.” Sabi pa ni Yaz sa’kin.

Bumangon na ako at tinanaw ko ang aking mga kaibigan sa may veranda at kita ko namang enjoy na enjoy sila labas. Natanaw ko din sina Risse at Tin na naghahabulan pa sa may buhanginan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon