“Zoeeeeee! Kain na tayoo! Feeling ko talaga na-drain ang utak ko gawa ng Income Taxation na yun. Hays. Gutom na gustom na ako Zoeee.” Nakangusong sabi ni Yaz sakin habang naglalagay ng liptint.“Oo nga Zoe, mamaya mo na tapusin ‘yang notes mo. May vacant pa naman mamaya e.” Dugtong ni Kate habang sakbit-sakbit na sa balikat ang bag at ready ng umalis.
“Ay! May na-drain ba talaga Yaz? Hahaha” natatawang sabi ko kay Yaz.
“Zoe naman e. Alam mo namang wala talaga e haha. Kaya nga lodi kita e! Parang ‘di ka man lang nga pinagpawisan sa buong klase ng Income Taxation. Sanaol talaga!” Sabi pa nya.
“Kita nga kita Yaz e. Nakatitig ka lang kanina kay Zoe habang nage-explain sya e. ‘Di ko alam kung talagang nakikinig ka sa kanya o nakatulala ka lang talaga sa hangin HAHAHAHAHA.” Singit naman ni Tin na ikinabusangot ng mukha ni Yaz habang kami naman ay tawang tawa.
“HAHAHAHAHAHAHHA! Sabi ko naman kasi sayo Yaz! Tama na muna laging bebe time ha? Advance reading din pag may time! Haha” natatawang bilin ko kay Yaz at nag make-face lang s’ya sakin. Hay naku! Ang bestfriend ko talagang ‘to. “O? Nasan na sina Joy at Risse? Nauna na agad?” Malamang sa malamang nagmamadali na naman lumabas si Joy para umihi, syempre kasama n'un si Risse.
“Nakalabas na kanina pa. Magc-cr muna daw sila e.” sabi ni Kate.
“O sya! Tara na! Daanan na lang natin ang dalwang yun sa Cr”. Sabi ko sa kanila habang sinisilid ko sa aking bag ang mga gamit ko.
----------
“Penge pa akong konting kanin Zoe ha? Hahaha” sabi ni Yaz na nasa tabi ko sabay sandok ng kanin sa plato ko. “Salamat mah’prend!” ngiting bitin pa sa kanin.
Andito kami ngayon sa karinderya ni Nanay Nene. Dito talaga kami madalas kumain ng barkada ko bukod kasi sa mura talaga dito, masarap pa mga lutong ulam ni Nanay Nene. Pero para sakin da’best talaga ang sisig ni Nanay Nene! Kaya nga t’wing tanghali halos mapuno ang maliit na karinderya n'yang ito, mabuti na nga lang at kakilala ni Joy ‘yung kaninang nasa table namin ngayon at ‘di na kami nahirapan pang mag-intay ng mauupuan.
“Samahan n’yo ko mamaya ha? Bibili lang akong brush pen sa NBS, may vacant pa naman tayo e.” sabi ni Tin habang kumakagat ng hotdog. Magaling kasing mag-calligraphy si Tin, at kina-career nya talaga ngayon. Tumatanggap na din s’ya ng mga gustong magpa-design and layout ng mga invitations and postcards. “Libre ko kayo milktea!” sabi pa nya kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya.
“Alam mo Tin, lagi kaming available para sa’yo kung kelangan mo ng makakasama. Ewan ko lang din sa iba jan. Haha” Si Yaz. Hay naku! Nangunguna na naman basta libre. Tsk. “Sasama tayo diba guys? Milk tea din ‘yun e.” tiningnan pa kami isa isa. Tumango na ako sa kanya. “Joy? Risse?” at nagtinginan ang dalwa.
“Sasama kami haha.” Sabi ni Risse.
Actually, sina Risse at Joy talaga ang close sa isa’t isa. Habang kami naman ni Yaz ang magbestfriend. Si Kate naman at Tin ay kaibigan ng lahat. Close sila sa aming lahat and parehas silang may boy bestfriend. Bestfriend ni Kate si Jo, 3rd year from Engineering Department same school sa’min, and si Kyle naman ang bestfriend ni Tin na nasa kabilang school. By the way, kami nga pala ay 2nd year student taking up Accountancy in St. Carlos University dito sa Batangas, and magka-klase kaming anim. Nabuo ang barkada namin since 1st year pero bestfriend ko na si Yaz since 2nd year high school. Classmate kami ni Yaz since then, kaya naman sawang sawa na ako sa kanya CHAR. Sina Joy at Risse naman ay magkapit-bahay lang kaya naman lagi silang magkasama. Si Tin naman ay na-meet namin ni Yaz nung Orientaion Day nung 1st year, and samin na s’ya sumasama mula noon (masyado kasing fc HAHAHAHA). Si Kate ay medyo loner naman nung una (pero hindi na ngayon haha) and si Yaz ang una n’yang naka-close kasi parehas silang mahilig sa sports. Si Risse at Joy naman ay naka-group mate ko and naka-close ko din naman sila. Dun na nag-start ang friendship naming anim.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
RomancePaano kung may dumating sa buhay mo na 'di mo ine-expect? Paano kung sa 'di inaasahan ay nakilala mo s'ya? Nakilala mo s'ya at sa 'di maipaliwanag na dahilan naramdaman mo sa kanya 'yung pakiramdam na 'di mo din ine-expect, at pakiramdam na sana 'di...