Chapter 4

3 0 0
                                    

"Zoe! May nagpapa-abot sa'yo neto oh. Happy Birthday daw!" Sabi ni Trixie sakin sabay abot sa akin ng isang boquet ng bulaklak, at isang paper bag na may lamang regalo.


"Kanino 'to galing Trix?" Tanong ko sa kanya sabay abot ng flowes at paper bag.


"Ewan ko. Pinaabot lang din daw e. 'Di ko din naman kilala 'yung nag-abot sa'kin hehe. By the way, Happy Birthday Zoe!" sabi nya at sakto namang dumating ang prof namin kaya nag-thank you muna ako kay Trixie at saka umupo sa aking upuan.


First time ko kasing makatanggap ng flowers and gift sa birthday ko from unknown person kaya nakakapagtaka kung sino talaga ang nagbigay nito.


----------

"Sa tingin mo Zoe kanino galing yan?" tanong sa'kin ni Tin.


Andito kami ngayon sa Jollibee kumakain ng lunch. At dahil birthday ko, syempre nagpalibre sila kaya eto napagastos tuloy haha. Kuripot po talaga ako e kaya Jollibee lang HAHAHAHA. Pero eto na nga at nang-uusisa pa din sila.


"Hindi ko nga din alam kung kanino galing yan." Sagot ko na lang sa kanila habang umiinom ng coke.


"Anong nasa paper bag? Natingnan mo na?" Umiling ako kay Yaz at kinuha n'ya naman ang paper bag at tiningnan ang laman. "Gandaaa Zoe o! Effort naman nagbigay nito!" Sabi ni Yaz sakin sabay pakita ng isang picture frame na may drawing ng portrait ko. Infairness, maganda nga ako dito haha. Magaling ang nag-drawing.


"Wait! 'Di kaya galing yan kay VP?" may pagpalakpak pang sabi ni Kate. 'Yan na naman po sila. Hays. Tinuloy ko na lang ang pag-nguya ng chicken ko.


"Engineering din 'yon ah? Magagaling mag-drawing mga engineering diba? Diba? Diba?" sabi pa ni Joy.


"Di naman lahat po! Bakit si Kuya???" sabi ko naman. 'Di naman ganung kagaling mag-drawing si Kuya e.


"Ay oo nga." Sabi ni Kate. See? Pati si Kate sang-ayon sa'kin. 'Di talaga lahat ng engineer magaling mag-drawing. WAIT. Ha? Alam n'ya ba na 'di marunong magdrawing si Kuya?


"Ahh basta! Malakas ang feeling ko na galing yan kay Clark! Ishi-ship ko na talaga kayo. Yieeeeeee!" Kinikilig pang sabi ni Yaz. Binaling ko na lang sa pagkain ang atensyon ko at 'di ko na lang sila inintindi.


"Zo-Cla! Zo-Cla! Zo-Cla!" sabi pa ni Tin. Isa pa naman 'to. Hays. Tawang tawa naman sila sa pinagsamang pangalan namin ni Clark. Bahala na sila.


----------

Pagkauwi ko sa bahay naaamoy ko na ang niluluto ni Mama, maghahanda kasi kami ng konti para sa birthday ko. Dadating din kasi sila Tita para bumisita sa'min.


Magpapalit na muna ako ng damit para makatulong kay Mama. Idinaan ko muna sa may altar ang flowers na binigay sakin, dun ko na lang nilagay. Pagdating sa kwarto, ibinaba ko muna ang mga gamit ko at tsaka nag palit ng damit. Nakapambahay lang naman ako, isang maong shorts at blue shirt. Inayos ko din ang buhok ko at nag-ponytail.


Habang nag-iipit ng buhok sa harap ng salamin, napansin ko sa salamin ang paper bag na may picture ko. Kaya kinuha ko ito para ipatong sa may side table ko. Titiklupin ko na sana ang paper bag ng mapansin ko ang isang pink na papel. Binuksan ko ito at nakita ang letter na may malinis at magandang handwritten. Love letter ba ito? Sinimulan kong basahin ang letter.


Hi Zoe!

Happy Birthday Zoe! Sana matanggap mo itong flowers pati gift ko sa'yo. Sorry kasi 'di ko maibigay ng personal sa'yo 'to. Nahihiya kasi ako e. Siguro soon! Zoe, gusto pa sana kitang mas makilala. Gusto ko lang din sabihin sa'yo na napapangiti ako sa t'wing nakikita kita at para sakin isa ka sa mga inspirasyon ko. Happy Birthday uli Zoe! Always wear that smile of yours! :>

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon