“Zoeeeeee!” tawag ni Yaz sa’kin kaya kunot noo akong napalingon sa kanya na nasa tabi ko lamang ngunit napansin kong hindi s’ya nakatingin sa’kin. Sa harap s’ya nakatingin kaya naman sinundan ko ang tinitingnan n’ya at parang bigla akong nahiya sa aking sarili, na sana’y hindi na lang ako tumingin sa kanya. Nagkataon kasing pagtingin ko ay saktong nakatingin din pala sa’kin si Clark. Oo! Si Clark! Si Clark na nasa may entrance at nakatingin dito sa table namin ngayon at kasalukuyang naglalakad… papunta sa aming table?
Ganun ba kabait ni Papa God sa’kin kaya s’ya na ang gumawa ng paraan para magkita kami ni Clark? Kanina lang ay iniisip ko kung paano kami magkakausap pero ngayon ay nandito na s’ya kung nasaan ako. Nakakangiti lang s'yang naglalakad palapit sa amin. Napaka-gwapo n'ya talaga ngayon kahit simpleng uniform lang naman ang suot-suot n'ya. Hindi ko na namalayang nakalapit na pala sa aming table si Clark dahil sa pag-iisip ko ng kung ano-ano tungkol sa kanya
“Hi Guys!” nakangiti n’yang bati sa amin. Gwapo talagaaaa! Shet! “Hi Zoe!” bati n’ya sa’kin. Wala sana akong balak magsalita ng naramdaman ko ang pagkurot ni Yaz sa aking tagiliran. Napatingin ako sa kanya at pinanlakihan n’ya ako ng mata.
“H-hi Clark!” lumingon na uli ako kay Clark at nahihiyang bumati. Wala pa ako sa sarili n’yan ha? Kinilig naman lalo ako ng mas lumapad ang mga ngiti n’ya sa’kin with his dimples ofcourse. Aaaahhckkkk!
“Anong ginagawa mo dito VP?” singit ni Yaz ng naramdaman n’ya siguro na wala na akong balak pang magsalita at kausapin si Clark. Actually, nahihiya talaga akong kausapin s’ya at parang umurong ang dila ko.
“Paupuin n’yo naman muna ako, pwede? Haha!” natatawang sabi n’ya kaya tumayo si Yaz sa tabi ko at humila ng isang upuan mula sa kabilang table para kay Clark. Itinabi ni Yaz ang upuan kay Risse na katapat ko naman.
“Upo ka na Clark.” Sabi ni Yaz. Napatingin ako sa kanya ng sa halip na bumalik s’ya dito sa tabi ko, doon sa hinila n'yang upuan s’ya umupo. Nilakihan ko pa s’ya ng mata ng dahan-dahan umupo si Clark sa tabi ko. Nanadya ka ba talaga Yaz!? Nakangiting tumingin si Yaz kay Clark at nung lumingon s’ya sa akin ay nginitian n’ya lang din ako na parang nang-aasar kaya tinaasan ko s’ya ng kilay.
Sabi ko kanina ay kakausapin ko si Clark tungkol sa issue namin pero parang binabawi ko na ang sinasabi ko. Parang ‘di ko ata kayang kausapin s’ya at mag-open tungkol sa issue sa’min. Hindi ngayon kasi ‘di ko alam kung pano sasabihin at paano sisimulan lalo na't andito pa ang mga kaibigan kong ito. In the first place, hindi naman talaga kami close.
Nilabas ko na lang ang aking cellphone para may mapagka-abalahan at matanggal kahit papaano ang aking awkwardness dito sa katabi ko ngayon.
“Clark, ano nga ba sadya mo dito?” napalingon uli ako kay Yaz sa tanong n’ya at sa’kin pala talaga s’ya nakaabang, tinitingnan n’ya magiging reaksyon ko. Binalik ko na lang ang tingin ko sa phone ko at nag-scroll scroll sa aking facebook.
“Masama ba? Hahaha!” Rinig kong sabi ng katabi ko.
“VP, may utang ka pa sa aming libre ah? Hahahaha.” Rinig ko namang sabi ni Kate kay Clark.
“Kaya nga andito ako diba?” sagot naman ni Clark. Nakikinig lang ako sa pag-uusap nila habang ako’y nakatungo pa rin at abala sa aking cellphone.
“Manlilibre ka Clark? Yeheeeeeey!” masayang sabi pa ni Yaz. 'Di na talaga nahiya itong mga kaibiga ko. Hays.
“Order na kayo. Sagot ko na.” sabi n’ya sa kanila. Nakatungo man ako rito pero alam kong nakangiti si Clark ngayon. “Zoe. Ikaw? Ano gusto mo?” Ikaw Clark. Ikaw ang gusto ko. CHAR.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
RomancePaano kung may dumating sa buhay mo na 'di mo ine-expect? Paano kung sa 'di inaasahan ay nakilala mo s'ya? Nakilala mo s'ya at sa 'di maipaliwanag na dahilan naramdaman mo sa kanya 'yung pakiramdam na 'di mo din ine-expect, at pakiramdam na sana 'di...