One
"Mahal patawad, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon . Pangako hindi ko na sasaying pa." Wika ni Scott habang hawak-hawak ang aking kamay.
Hindi ako handa sa pangyayaring ito pero mas hindi ako handa kung kaya ko pa ba siyang patawarin at bigyang ng ikalawang pagkakataon.
Simula't sapol yung akala kong matalik niyang kaibigan ay kaibigan lang yun pala may hangarin pang iba kundi ang maging mag ka-ibigan sila.
Sa tuwing hindi kami mag kasundo ni Scott siya ang naging takbohan nito, naging karamay. Samantalang ako, mag-isang tumatakbo palayo sa mga araw na kami'y hindi nag kakasundo. Hindi ko kasi kayang makitang siya ang naging karamay nito imbes na sana ako.
Sa mga araw na nagdaan hindi ko akalain na sisirain nito ang matibay naming pagmamahalan. Pinili ni Scott si Kim ang matalik niyang kaibigan kesa sakin. Ano nga ba ang magagawa ko? Kaibigan siya, kasintahan lang ako.
Sa mga panahong nagdaan durog na durog ako. Habang si Kim sinulit na ang mga pagkakataong iyon upang mahulog si Scott at sira-an na din ako, nag papakasiguradong hindi na makakabalik pa si Scott sa akin.
Ngunit heto at na sa harapan ko siya habang may lungkot sa mga mata niya.
Humihingi ng ikalawang pagkakataon.Ano nga ba ang dapat kong gawin?