Eight

4 1 0
                                    

Eight

STEPHEN POV

Isa

Dalawa

Tatlo




Tatlong buwan na siyang nakaratay ngunit ni minsan hindi pa nagising. Walang may nakakaalam kung kailan siya magigising. Walang may nakakaalam kung bakit nagkaganito.


Namimiss ko na siya, sobrang na miss.


"Penpen. Gumising ka na may sasabihin pa ako eh." hawak-hawak ko ang kamay niya nagbabakasakaling gagalaw na din.


"Stephen, ilang araw ka ng nandito. Mag pahinga ka naman, ako na bahala kay Penel." Araw-araw sinasabi ni Ate Jane iyun pero gusto kong ako ang makikita niya sa pag gising niya.

"Okay lang ako Ate."

"Ikaw bahala, uuwi muna ako ha." Lumabas na si Ate Jane at naiwan naman kami ni Penelope na mahimbing na natutulog

"Sabi mo ang saya ang ng mundo sa labas ng gusaling ito. Pero wala ng mas sasaya pa kapag kasama ka." Namumuo na ang mga luha ko.

"Nakikita ko na ang na sa labas ng gusaling ito, sana sa pag gising mo sabay na nating tatanawin ito. Pen wake up! It's been three months. Nakalabas na ako oh. Dapat ikaw din diba?" Nakakabakla man pero hindi ko kayang pigilan ang mga luha ko

"Please, may sasabihin ako sayo Pen. Gising na." Para bang hangin lang ang kinakausap ko.

---

Nagising ako na para bang naduduwal. Tumayo ako upang pumunta ng banyo ngunit hindi ko na napigilang maduwal.

"Jusko Stephen" Halos napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko din mawari ang pagkabog ng dibdib ko.


"Hijo, umupo ka muna. Jane tumawag ka ng doctor." Agad namang sumunod si Ate Jane, ngunit ako nakapako parin ang paningin ko sa dugong naiduwal ko. Hindi ako makagalaw.

"Stephen hijo bakit nangyari to?" Hindi. Oo, inaasahan ko na to. Gagaling ako pero alam kong aabot sa puntong ito na babalik at babalik ito.

"Stephen." Tinignan ko si Doc habang nakangiti.

"Okay lang Doc. Tanggap ko na." Maybe this is my destiny to die.


Nilingon ko si Pen mahimbing paring natutulog, walang kaalam-alam. Mabuti na yun atleast hindi siya mag aalala.

---

Lumipas ang isang linggo masyado na akong mahina kaya hindi na ako makaalis sa higaan ko. Hindi narin kaya ng chemo at gamot ko ang sakit ko. Wala ng lunas, wala na.

Hinayaan nila akong sa kwarto ni Pen narin mag stay.


"Wake up Pen. Gusto kong makita kitang magising bago ako mawala sa mundong ito."
Pero hanggang ngayon wala paring sumagot.




Napalingon ako ng may pumihit ng pintuan. Isang hindi pamilyar na tao.

"Who are you?" Ngumiti naman ang lalaki ngunit nag aalinlangang pumasok.

"I'm Scott. Mali ata napasukan kong room. Sorry." Scott....  Oh! Siya pala si Scott ang nagmamay-ari sa puso ni Pen.

"No. Tama yung room na napasokan mo. Pasok ka." Nagulat man pero pumasok naman ito.

Lumapit ito at tuluyan niyang nakita si Pen, agad naman itong tumungo.



"Pen, wake up." Wika nito habang hagod ang buhok.

"Tatlong buwan na pero bakit ngayon ka lang? Bakit hinayaan mo siya?" Nilingon ako nito ng may pagtataka.

"Sino ka? At bakit nandito ka? " Sino nga ba ako sa buhay ni Pen? Isang hamak ng kaibigan lang pala.

"Nandito ako kasi nung wala ka ako ang pumuno ng pangako mong pinako mo."


"Walang kang alam. Wala" Mahina ngunit may diin niya wika.


"Wala nga talaga. Mahina na ang puso ni Pen, sobrang hina na." Sigaw ko dito dahil sa galit.



"Makakahanap at makakahanap din kami ng mag dodonor ng puso para sakaniya."Sigaw nito pabalik.

"Kung yang puso mo nalang kaya idonor mo? Total ilang beses mo namang dinurog yung puso niya. Kaya ikaw din ang bumuo sakaniya gamit ang puso mo." Natigilan siya sa sinabi ko.

"Hindi. Dahil nakalaan na ang puso ko"

"Kanino sa bago mo?"

"Oo, dahil tulad ni Pen mahina din ang puso niya." Sigaw nito sa akin.

"Pipiliin mo pa ba ang babaeng yun kesa kay Pen? Paulit-ulit mo siyang sinaktan, dinurog. Pero patuloy ka parin niyang minamahal."

"Wala akong magawa, kung hindi ko gagawin yun mawawalan ako ng pamilya, mawawala lahat ng pinaghirapan namin." Umiyak na ito na para bang batang pinalo ng kaniyang magulang.

"Kung ganun mawawala ka at mawawala din ang taong mahal mo"

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon