Eleven

4 1 0
                                    

Eleven

Penelope POV

Maaga akong nagising dahil sa excitement, ngayong araw na ang aking operasyon.

"Ang aga mo naman Penpen. Matulog ka muna." Nakita kong nakadungaw si Stephen sa labas.

"May problema ka ba Tep?" Tanong ko dito, simula kahapon para bang may mabigat siyang dala-dala

"Wala Pen." Mahina niyang sagot dito.

Nilapitan ko naman ito at niyakap nalang, ito lang ang paraan para ma comfort ko siya kahit na hindi niya sinasabi kung anong problema niya.

Naramdaman kong gumalaw ang balikat niya, umiiyak na siya. Masakit makita yung taong malapit sayo ay nasasaktan sa hindi mo alam na dahilan.

"Everything will be fine Tep." Hinagod ko ang likod nito.

"It will be Pen. And thank you for everything." Napangiti naman ako . Ilang beses na siyang nag pasalamat simula nang lumabas siya ng banyo ng hindi ko alam kung umiyak o ano.

"Ako nga dapat ang magpasalamat sayo eh. Thank you Teptep." Mas niyakap ko ito ng mahigpit nang marinig ko ang hikbi nito.

Kusang tumulo ang luha ko dahil dito.
Hindi katagalan ay siya na mismo ang lumayo sakin. Pinunasan niya ang mga patak ng luha ko.

"Do me a favor." Wika nito

"Ano yun? "

"Don't cry. Promise me, pagkatapos ng operasyon ipagpatuloy mo ang buhay mo sa labas ng gusali na to. Find a man na hindi ka sasaktan tulad ni Scott. Make everyday a special day and one more thing please don't forget me."

"Ano yan pinabibilin mo? Pero promise Tep gagawin ko lahat yan ng sabay tayo." Ngumiti naman ito.

--

Lumipas ang isang oras na pag-uusap namin ng kung ano-ano ni Stephen ng may kumatok sa pintuan.

"Pasok" sabay na sigaw namin ni Stephen.

Pumasok naman ang kung sinong tao man ang kumatok.
Nagulat naman ako ng makitang si Scott iyon

"Labas na muna ako" wika ni Stephen at hinawakan nito ang lagayan ng dextrose niya at tumungo na palabas.

"Hoy ano? Iiwan mo ko sa lalaking ito?" Sigaw ko dito, natawa naman siya pati na rin pala si Scott.

"Babalik ako pagkatapos niyong mag-usap.... " May binulong pa siya pero hindi ko na narinig pa. Tatanongin ko pa sana kaso kinuha na ni Scott ang atensyon ko.

"Pen. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pumunta ako dito para humingi ng sorry sayo--" Hindi ko na siya pinatapos pa

"Matagal na kitang napatawad Scott. Mag move on nalang tayo at harapin ang bukas natin." Ngumiti naman ito ngunit nakita kong may mga luhang namumuo sa kaniyang mata.

"Salamat sa lahat Pen. Salamat." Hindi ko maintindihan kung saan siya nagpapasalamat pero tumango nalang ako bilang tugon dito.

Bigla naman niya akong niyakap. Hindi ako gumalaw o gumanti man lang

"Kahit ngayon lang Pen, yakapin mo ko. Kahit sa huling sandali" Nagugulohan man ay ginawa ko nalamang iyon ng marinig ang hikbi nito.

Nalilito ako kung bakit kay aga-aga nag iiyakan ang mga tao sa paligid ko at nagpapasalamat.




.... Siguro masaya lang sila kasi magiging okay na ko.

Hindi rin nag tagal ay umalis na si Scott.


Pumasok naman si Ate at Papa.

"Oh? Baka pati kayo iiyak din jan?" Natawa naman sila at lumapit sakin

"Ba't kayo natatawa kung nalulungkot din naman kayo?" Wika ko dito

"Sinong nagsabi na malungkot kami?" sagot naman ni Papa


"Hindi niyo ko malolokong dalawa. Kilala ko na kayo tumatawa kayo pero malungkot yang mga mata niyo." Nagkatinginan naman silang dalawa ni Ate ng palihim pero nahuli ko parin " Ano ba problema niyo? Ang aga-aga nag eemote kayo sakin. Malungkot ba kayo kasi magiging okay na ko?"

Binatukan naman ako ni Ate pero hindi malakas.

"Buang! Masaya nga kaming magiging okay ka na" Giit nito

"E bakit parang malungkot kayo?"

"Epekto siguro ng gamot mo yan. Matulog ka na para may lakas ka mamaya sa operasyon mo. " Mamayang six pm pa nga pala operasyon ko.

"Sandali, asan si Stephen? Sabi niya babalik yun hanggang ngayon hindi parin bumabalik. "

"Nasa kabilang kwarto lang siya nagpapahinga" Sagot ni Ate habang ang mata ay umiiwas.

"Dito kaya kwarto niya"

"Lumipat na siya ng kwarto" Nagugulohan ako sa mga taong to. Ang weird na nila.

"Bakit naman? Gusto nga niyang magkasama kami eh."

"Mag chechemo kasi siya Pen. Kaya sige na magpahinga ka na babalik mamaya yun."

"Hindi naman ako inaantok hintayin ko nalang siya.'

Walang silang nagawa kundi hayaan ako.

Kitang-kita ko ang lungkot sa mata ni Ate pero sinawalang bahala ko iyon dahil epekto siguro ng mga gamot ko at kung ano-ano na nakikita ko.

--

Ala una na pero hanggang ngayon wala parin siya.

Nag-aalala na talaga ako.

"Bakit ba wala parin si Tep? Ganun ba yun katagal yung chemo niya?" Tanong ko kay Papa habang chinicheck ako ng nurse. Tumango naman si Papa bilang tugon dito.

Hindi na ko naka sagot dahil nilamon na ko ng dilim nang turukan ako ng nurse ng pampatulog.

---

Nagising akong maingay ang kwarto ko.

"Pen dadalhin ka na sa operating room" Bungad ni Papa sakin

"Saan si Tep? Ba't wala parin siya?"

"Nagpapahinga lang Anak. Tulongan mo na siya Jane na umupo sa wheel chair." Lahat sila busy, pero ramdam kong may lungkot yung awra namin. Hinayaan ko na lang yun at ba ka kinakabahan lang sila para sakin.

Wala akong magawa kundi sundin na lang sila.

Lumabas na kami ng kwarto at hindi ako mapakaling lumilingon sa paligid nag babasakaling dumating siya.

"Pagkatapos mo nalang ng operasyon siya kausapin Anak." Malungkot ang tono ng boses ni Papa may sasabihin pa sana ako kaso pumasok na kami ng operating room

Inalalayan na ako nilang humiga.
Heto na ,ang simula ng bagong buhay ko. Para to sa mga taong nagmamahal sakin.

---

Nagising na lang ako sa silaw ng liwanag.
Successful ang operasyon... Salamat....

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon