Ten
Scott POV
Nakatulog na si Pen at dalawa nalang kaming gising ni Stephen.
Isang oras na pero wala paring may nagiimikan sa amin.
"Ako na ang mag dodonor para kay Pen." Napalingon ako dito ng basagin na niya ang katahimikan
"Sigurado ka? Diba gusto mo si Pen? Paano na siya kapag wala ka sa pag gising niya."
"Dadating at dadating naman sa punto na wala na ako sa paggising niya kaya mas gugustohin kong ibigay ang puso ko para sakaniya" Lungkot, sakit, panlulumo ang naririnig ko sa bawat pag bigkas niya
"Ligtas mo ang pamilya mo, ako na ang bahala para kay Pen sisiguradohin kong makikita niya pa ulit ang labas ng gusali ito" Pagpapatuloy nito
"Salamat, maraming salamat. Sana magkita tayo sa kabilang buhay"
"Sa impyerno punta mo ilang beses mo kayang sinaktan si Pen" Natawa naman kami pareho.
Marami pa kaming napag-usapan at plinano kay Pen. Sisiguradohin naming makikita niya pa ang tunay na lalaki para sakaniya.
---
Stephen POV
Nakauwi na si Scott at dalawa nalang kaming naiwan ni Pen. Tulog pa rin ito.
"Pen kapit lang. Hindi ko hahayaang mawala ka. Mahal kita."
Nagising ako sa ingay ng paligid.
"Hala Ate ang lakas kasi ng boses mo ayan tuloy nagising si Stephen"
"Okay lang"
Ngumiti naman sila.
"Tep, bakit hinayaan mong bumalik yung sakit mo? Hindi kita tuloy nakitang naka pormal na attire puro nalang ngayon hospital gown" Natawa naman kami dito ngunit alam ko sa likod nito ay lungkot
"Alam ko naman yun Pen eh. Babalik at babalik ang sakit ko, hindi ko to matatakasan"
"Pero lalaban ka diba?"
"Para sayo" Sorry Pen kung magsisinungaling ako.
"Pangako?" Paninigurado pa nito.
Halos sumabog ang puso ko ng bigkasin ako mga salitang ito
"Pangako" Sa ikalawang pagkakataon isang tao na naman ang papako ng pangako niya Pen. Sorry kung hindi ko matutupad para to sayo Pen.
Sa bawat pag uusap namin ay sinusulit ko ang boses niyang parang musika sa aking pandinig. Sinusulit ko ang bawat haplos at hawak niya sa braso at kamay ko, sinusulit ko ang pagtitig sakaniya tinatandaan ang bawat anggulo..
"May dumi ba ko sa mukha?" Walang malay nitong sagot.
"Wala naman"
---
Lumipas ang dalawang linggo bukas na ang operasyon namin ni Scott. Napagkasundoan namin na sabay namin iyong gagawin nag babasakaling sabay din kaming pupuntang langit.
"Teptep good news." Masiglang wika ni Pen ng makalabas ako ng banyo
"Ano yon Penpen?" Heto na naman napakasikip ng dibdib ko
"May donor na ko at bukas na ako ooperahan. Kaso ayaw niyang magpakilala, gusto ko pa naman magpasalamat." Umiwas naman ako ng tingin upang pigilan ang luha kong nagbabadyang tumulo
Bumuntong hininga muna ako bago bumalik ng tingin kay Pen
"Sa akin ka nalang mag pasalamat"
"Ikaw ba mag dodonate? Hindi naman ah"
"Okay lang yan. Atleast nailabas mo ang pasasalamat mo."
Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ko
"Salamat ha. Kasi handa mong ibigay ang puso mo para sakin, binigyan mo ako ng ikalawang pagkakataon na mabuhay. Pangako aalagaan ko ang puso mo at hindi ko na ulit ito sasaktan" Humagikgik pa ito.
"Oh! Bakit naiyak ka jan?" Gagong mga luha mga taksil.
"Wala masaya lang ako kasi sa wakas magiging okay ka na"
Ngumiti naman ito. Hindi ko kayang itago ang sakit kaya mabilis akong tumungo ng banyo.Mga hikbi ang nag eecho sa loob ng banyo, kagat-kagat ko mga labi ko upang pigilan ang malakas na pagiyak ngunit sadyang hindi ko kayang pigilan.
"Tep? Okay ka lang ba? Umiiyak ka? " Ilang beses kong pinunasan ang mga luha ko ngunit patuloy pa din itong dumadaloy. Napalunok na din ako upang magkaroon ng lakas sagotin si Pen sa labas.
"O-okay lang ako P-pen" Utal-utal kong wika. Ang sakit palang pigilan ang mga hikbi upang hindi marinig ng taong mahal mo.