Seven

4 1 0
                                    

Seven

PENELOPE POV

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang ang ulan ay patuloy na bumabagsak.

"Mabuti pa ang ulan parang walang kataposan" Pagkausap ko sa kawalan. Wala pa si Ate at Papa dahil papauwi sila para kumuha ng mga gamit ko ng biglaang bumuhos ang ulan.

"Sana kagaya ng ulan maibubuhos ko din ang lahat ng sakit na nararamdaman ko."

"Sana kagaya ng ulan pagkatapos umiyak nagiging mas maaliwalas ang paligid."

"Mahirap pala pag umuulan andami mong emote." Napalingon naman ako sa kinaruruonan ng boses, na sa tapat ng pintuan.

"Teptep"

"Sorry pala kahapon nakatulog ulit ako." Ngumiti naman ako bilang tugon dito.

"Sino ba siya Pen?" Tinignan ko lang siya at ngumiti ng pilit.

"Scott, ang pangalan niya."

Lumapit siya sa kama ko at umupo sa tabi ko, ngayon dalawa na kaming nakatanaw sa bumubuhos na ulan.

"Wag mo na siyang isipin, andito naman ako." Wika nito.

"Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko Tep. Kahit anong gawin ko naalala ko parin siya."


"Ang swerte niya kasi may taong nakakaalala sa kaniya. Pero hindi naman niya pinapahalagahan." I bitterly smile.

"Pero ang malas ko para mahulog sakaniya."

"I must say, I was blessed kasi nakilala kita" Banat naman ni Stephen.

"Thank you kasi nandito kapalagi para makinig sa mga rants ko, sa drama ko, sa kabaliwan ko. Sa lahat lahat." Tumingin si Stephen sakin

"Because you're special to me Pen. I will always be there no matter what." And again he hold my hands.

"You can feel what I feel?"

"What?" Natawa naman ako sa kawerdohan ng tanong ni Stephen.

"I have something to tell you." Excitement sparks into his eyes.

"Ano yun?"

"Makakauwi na ako bukas Pen." As I expected.

"Masaya ako para sayo. Finally makakaalis ka na sa gusaling to." Sobrang saya ko para sakaniya kasi makalipas ng limang taon makikita na niya ang tunay na mundo.

"Gusto sana kitang kasama sa paglabas ko." Nawala ang mga ngiti sa labi ko.

"Tep, alam mo naman na hindi pa pwede. Sorry" Niyakap niya ko na ikinabigla ko.

"Promise, dadalawin kita dito araw-araw."

"Aasahan ko yan Teptep."

"Thank you Penpen." Lumipas ang dalawang minuto ay naghiwalay na kami ng yakap.

"Magpalakas ka ha." Stephen believe that I can survive pero ako hindi. Naghihintay lang ako ng tamang oras ko para iwan ang mundong ito.


After an hour Stepehen left my room. Mag-isa na naman ako, patuloy parin bumubuhos ang ulan.


Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ate.

"Penel, may problema ba?" Bungad ni Ate ng masagot nito.

"Wala naman. Nakauwi na kayo?" Sagot ko naman dito.

"Hindi pa eh. Sobrang traffic dahil sa malakas ng buhos ng ulan."

"Okay, take care."

"We will. Tawag ka lang pag may kailangan ha." And I ended the call.



Humiga na lamang ako sa kama at tinitigan ang puting kisame sa kwartong to.

"Penelope" Napatingin ako sa pintuan sa taong tumawag na yun.

"S-scott." Nautal ako dahil hindi ko inaasahan na dadating siya.
Humakbang siya ng konti papunta sakin.

"Ang lapit mo pero ang layo-layo mong mahawakan."

"Pen."

"Akala ko hindi ka na babalik." Namumuo na ang mga luha sa aking mata.

"Pen"

"Say something Scott."

"Pen."

"Scott please. Wag mo na akong saktan pa." Hindi ko na napigilan pa at rumagasa na ang aking luha sinasabayan ang malakas na patak ng ulan sa labas.

"Im sorry" Bulong ni Scott. Nagiging blur ang paligid ko.

"Don't say sorry kung paulit-ulit mo din namang gagawin." Hindi ko na maawat ang luha kong taksil na rumaragasa.

"Pen."

"Shut up Scott!" Sigaw ko dito. Nagiging blur siya sa aking paningin at masyado din siyang malayo.



"Penelope" Napadilat ako at humahangos para bang na suffocate ako sa kwartong ito.

"Heto tubig hija." Kinuha ko naman iyun at nilagok.

"Mabuti nalang at dumaan kami ni Stephen narinig ka naming umuungol." Panaginip lang pala yun.

"Okay ka na ba Penpen?" Nilapitan naman ako ni Stephen at hinagod ang likod ko. Hanggang ngayon ramdam ko padin ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Okay na ako. Salamat teptep at Tita Ann." Ngumiti naman sila bilang tugon dito ngunit may pag alala sa mga mata ni Stephen.

Nag paalam naman si Tita Ann para lumabas dahil may aasikasohin pa.

Nilingon ko ang labas, maliwalas na ang paligid.

"Hindi siguro maganda ang panaginip mo nu?  Hinahabol ka ba ng aswang o zombie?" Ngumiti naman ako ng peke kay Stephen.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay yumuko lamang ako. Nararamdaman ko din ang sakit nadulot ng panaginip na yun para bang totoo talaga.

"Pen namumutla ka. May masakit ba sayo?" Here we go again. Nilalamon na naman ako ng sakit at panghihina.

"Pen, don't sleep." Napakapit naman ako ng mahigpit sa mga braso ni Stephen. I can't take this, sobrang sakit. Mamatay na siguro ako.

"Nurse help! HELP!" malakas na sigaw ang pinakawalan ni Stephen.

Hindi katagalan naramdaman kong may mga yabag na papunta samin.

"Kami ng bahala dito hijo. Tawagan mo muna ang mga parents niya."

"I'll be back Pen. Please be strong." Yun na ang huli kong narinig bago ako lamunin ng kadiliman.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon