Six

6 1 0
                                    

Six

Penelope POV

Dalawang linggo na ang lumipas pero heto parin ako na sa hospital, mabuti na lang at nandiyan si Stephen may makakausap ako sa tuwing wala sina Ate at Papa.

"Masyado atang malalim ang iniisip mo ah." Na sa rooftop kami ngayon at tinatanaw ang papalubog na araw.

Sa dalawang linggong pagkikita namin lumapit ang loob ko, tinuturing kong best friend narin siya. Ang saya niyang kasama.

"Ano na kaya yung nangyayari sa labas ng gusaling ito?" Napabuga naman siya ng hangin.

"Ewan. Sa limang taon na pamamalagi ko dito nakalimutan ko na ata kung ano nga ba ang hitsura ng paligid sa labas." Napalingon naman ako sakaniya. Ni minsan hindi pa namin na pag-usapan kung bakit kami nandito, walang may nag tanong sa amin.

"Limang taon?"

"Yes. I have leukemia"

"What? For five years?" Nilingon niya ako at ngumiti.

"Yes. Sabi nga ng doctor baka after three months gagaling na ako."

"Wow, survivor ka pala. I never thought na ganun pala yung sakit mo, masayahin ka eh." Binalik niya ang tingin sa papalubog na araw.

"Yun lang ang paraan ko para itago ang sakit." I feel pity for him. Marami na siyang napagdaan dito and I know that was hell.

"I'm thankful kasi I'm still kicking . Buhay pa ako." Natawa naman siya sa sarili niyang sinabi.

"Sana kaya ko din itago yung sakit na nararamdaman ko," Nilingon niya ko ngunit nakangiti pa rin ito.

Hindi siya sumagot bagkus ay tinitigan niya lang ako sa mga mata.

Huminga ako ng malalim.

"My heart is weak. Hindi ko alam kung hanggang kailan kakayanin ng puso kong tumibok." Natawa naman ako ng mapakla.

Hindi ko na iimagine na mawawala ako sa mundong ito na walang nagagawa sa buhay.

"Cheer up. Malalampasan mo din yan. Kapag strong ka your heart will be strong too," Hinawakan niya ako sa kamay.

"Nandito lang ako." Ginantihan ko siya ng ngiti.

"Thank you for making me happy, sana makita pa kita sa labas ng gusaling ito."

"Sabay tayong lalabas sa gusaling ito." Hindi parin nito pinuputol ang titig sa mga mata ko. Hindi ko namamalayan unti-unti ng nagkakalapit ang aming mukha.

"Stephen, tawag ka ni Doc." Napaayos naman kami sa biglaang pag sulpot ng nurse.

"I'll be back." Tumango nalang ako at tumayo na siya upang sumama sa nurse na palihim na nakangiti.




Ngayong mag-isa ako sa rooftop nararamdaman kong mag-isa talaga ako. Malaki ang naidulot ni Stephen sa buhay ko, simula ng dumating siya naging iba ang pananaw ko. Naging positibo ako.

Pero sa lumipas na mga linggo hindi pa rin siya nag paparamdam, hanggang ngayon para sakaniya laro parin ang mga pangako niya.

Dapat hindi na ko umasa sa kaniya ginawa na niya noon at gagawin niya rin ngayon.

Siguro nagkabalikan na sila ni Kim kaya hindi na siya nagpaparamdam.

Sabagay si Kim naman talaga pipiliin niya, no choice lang siguro siya nung araw na yun kaya bumalik siya sakin.

----

Madilim na ngunit hindi parin nakakabalik si Stephen. Nag aalala na ako sakaniya.

"Penelope?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya napalingon agad ako dito.

"Tita."

"Sorry ha, hindi na nakabalik si Stephen dito. Nakatulog siya sa gamot niya." Natawa naman ako sa sinabi ni Tita Ann.

"Nakalimutan ko nga, lagi pala siyang nakakatulog pag uminom ng gamot." Napakamot naman ako sa ulo at natawa kaming dalawa ni Tita Ann.

"Halika na hija, idadaan na kita sa kwarto mo. Madilim na dito at malamig." Tumango naman ako at sumabay sa kaniya pababa ng rooftop.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon