Three

6 1 0
                                    

Three


Natapos ang buong araw ko na nakatunganga lang sa klase. Ni hindi ko nga naalala na mag kaklase pala kami ni Scott, ngayon ko lang naalala. Lumabas na ako ng room upang umuwi, excited na ko umuwi. Miss na miss ko na yung kama ko.


"Penelope" Napahinto ako sa paglakad ng may mga boses akong narinig na tumatawag sakin. Nilingon ko ito at nakita ko ang mga kaklase kong babae, mga anim sila.

"Bakit? " Walang gana kong sagot dito.

"Sabay na kami sayo." Tumango ako bilang tugon dito, at nagsimula na kaming maglakad papalabas ng campus.

"Pen, may tanong ako." Nilingon ko lang si Mari ng konti at tinignan ng di katagalan, at bumalik ang tingin ko sa nilalakaran ko.

"Bakit ba kayo nag break ni Scott?"

"Anong nangyari?"

"Sayang kayo"

Sunod-sunod na tanong nila ng mabuksan ang topic na to. Hindi naman sa pagmamayabang pero kilala kami ni Scott NOON bilang couple na perfect daw kahit wala namang perfect. Kahit mga teacher namin sinusuportahan kami, pati na rin mga magulang namin hindi except pala sa Mama niya. Hindi ako bet, hindi ako kasing anghel ng girlfriend niya ngayon mas okay na lang to kesa itago mo yung totoong kulay mo.

Balik sa pagiging kami noon, maraming nagsusubaybay sa aming kwento araw-araw. Hindi ko rin nga ma gets bakit maraming iidolo samin bilang couple. Talagang pinapakita lang namin kung ano at sino kami.

Hindi kami masydaong sweet o PDA pero nakikita nila kaming sweet base sa mga action namin sa isat-isa kahit na kung kakalimutan mong couple kami, parang magbarkada lang kami tignan.

"Hindi ka pa ba nakaka move-on?" Sunod na tanong ni Shane ng di pa ko sumasagot.

Huminto ako at hinarap sila ng may ngiti.

"Hindi pa eh. Ikaw ba naman iwan ng walang dahilan." Pagbinabalikan ko ang mga alaala ng araw na kusa siyang lumayo sakin ay nasasaktan parin ako.

"Bakit nga ba nangyari yun sa inyo?" Bumuntong hinga ako at tumalikod na, sinimulang magalakad ulit.
Tumungo ako sa field kung saan nagtapos ang lahat.


"Dito sa mismong kinatatayuan ko nagtapos ang kwento namin. Bakit kami nag break? Alam niyo narin naman siguro na si Kim ang bestfriend niya diba? At alam ko naman na marami ng kwento ang kung ano-ano ang kumalat. Nag break kami kasi hindi ko din alam eh." Napabusangot naman sila sa sagot ko, siguro para sa kanila walang kwenta pero sakin meron hindi ko talaga alam.

"Paano ba na kuha ni Kim yang si Scott? Mahal na mahal ka ni Scott kaya." Napaupo na lamang ako sa damuhan habang nakatingin sa malawak na field, pinapanuod ang mga estudyanteng nag iinsayo sa di kalayuan.

"Hindi ko rin alam. Basta sa paggising ko na sakaniya na si Scott. Hindi ko na binawa kasi kung mahal niya ko kusa siyang babalik kahit pilit siyang hilain ni Kim." Hindi ko parin inaalis ang tingin ko mga nag iinsayo. Naramdaman ko namang napabuntong hininga sila.

Kilala ko man sila pero hindi kami close. Wala namang saysay ang nakaraan namin kaya kailangan ko rin minsan mag kwento sa hindi ko ka close ng sa ganun hindi nila ako mahusgahan.

"she's a religious person right?" Wika ni Mia ang englishera naming klasemate.

Tumango naman ako bilang tugon dito.

"Anghel nga siya bilang kilala niyong lahat. Ayaw ko siyang siraan. Ayaw kong may lumabas sa mga bibig ko kahit na alam kong totoo man. Tapos na yun, kailangan lang ng move on." Kasabay nun ay tumayo na ako at nagsimulang mag lakad.

Hindi na sila umimik pa hanggang sa makalabas kami ng campus, tanging palaam nalang ang naiutal nila ng sumakay na ako ng tricycle.

****

Pagkapasok ko ng bahay ay sobrang tahimik, heto yung paborito ko nakakagaan ng loob.

Umakyat na ko sa ikalawang palapag ng bahay at tumungo sa aking kwarto.

Nilagay ko ang gamit ko sa study table ko at pinalitan ang uniform ko.
Tumalon ako sa malambot na kama ko at sinubsob ang mukha ko. Napasuntok naman ako sa kama ko.

"Hindi mo naman kailangan itago yan at pigilan anak." Napaayos ako ng marinig si Papa. Nilingon ko ito at patakbong niyakap siya.


"Nasasaktan tayo kasi totoo tayong nagmamahal, iniiwan tayo kasi tapos na yung oras para makasama natin ang taong iyon. Naloloko tayo kasi pag dating sa pag-ibig puso natin ang nag iisip." Hinaplos ni Papa ng dahan-dahan ang buhok ko. Biglang gumaan ang nararamdaman ko, nawawala ang sakit.

"Anak?" Tinapik-tapik ni Papa ang mukha ko at niyugyog ako pero wala na akong lakas para sagotin siya. Unti-unti na lang akong nilalamon ng kadiliman.

----

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon