Twelve
Third person POV
Nakangiting binungad ng sikat ng araw si Penelope dahil sa bagong pagkakataon na ibinigay sakaniya.
Masaya siyang kinapa ang sarili at ang puso niyang galing sa iba.
"Kung kanino man ang pusong to, pangako iingatan ko to." Nilagay nito ang mga palad bandang puso niya, at dinamdam niya ang tibok nito.
"Masaya ka ba sa bago mong puso Anak?" Nilingon naman ni Pen ang kaniyang Ama na kakapasok lamang.
"Sobrang saya Papa, sawakas magagawa ko na ang gusto ko at hindi mag aalala na hindi kakayanin ng puso ko."
"Pero gaya ng pangako mo iingatan mo parin ito." Tumango naman at ngumiti si Pen bilang tugon dito.
---
Makalipas ang dalawang linggo ay nakalabas na siya ng hospital.
Masaya siyang umuwi dahil magsisimula na ang bago niyang buhay.Walang pag-aalala.
Malakas na ang puso niya.
Sinimulan niya ito ng isinantabi ang lahat ng nakaraan niya.
.....
...
...
....
Hindi niya namamalayan na sa lumilipas na panahon may mga tao siyang nakalimutan ng dahil sa sobrang saya nito ng mapalitan ang puso.
"Ate" Tawag nito sa Ate niyang nakaupo sa garden nila.
"Bakit Pen?"
"Bakit hindi ko na pala nakikita si Stephen?" Ngayon lang pumasok sa isip niyang kamustahin si Stephen. Nalunod siya sa saya at excitement sa bagong puso niya kaya nawala sa isip niya si Stephen.
Umiwas naman nang tingin ang Ate niya habang si Pen ay kinikilatis ang ekspresyon ng Ate niya.
May kakaiba sa galaw at ekspresyon nito kaya kinikilatis niya ito.
"Kasi Pen..." Bumuntong hininga naman ito, naghintay si Pen na ipagpatuloy ng kaniyang Ate ang sasabihin ngunit tumayo ito at pumasok sa loob.
Nagugulohang umupo si Pen, inaalala ang huli nilang pagkikita ni Stephen.
Bago pa pala siya operahan nun.
At ngayon nagtatanong siya sa sarili niya.
Kamusta na si Stephen?
Bakit hindi siya nagpapakita?
Ikinagulat naman nito nang makitang bumalik ang Ate niya.
"Pen." Tumayo sa harapan nito ang Ate niya.
May inabot itong dalawang box.
Nag aalinlangan man ay kinuha parin nito.
"Buksan mo." Kasabay nun ay iniwan na siya ng Ate niya.
Binuksan niya ang kulay rosas na box. Una niyang nakita ang mga litrato. Litrato nila ni Stephen.
Iniisa-isa niyang tinignan ito.
Napangiti na lang siya sa bawat litratong nakikita niya.
"Andaming pakulo ng lalaking to, ayaw pa talaga mag pakita"