Two

7 1 0
                                    

Two

Ano nga ba ang dapat gawin?

Ano nga ba ang tama?

Ano nga ba?


"Wag na wag mo na ulit gagawin sakin yun Mahal ha? Ang sakit eh" Ngumiti ako ng napakamatamis kahit na ubod ng pait pa rin ang nararamdaman ko.

Anong magagawa ko? Marupok ako eh, hindi ko kayang nakikita ang taong mahal ko na nasasaktan. Okay na yung ako yung masaktan wag lang siya.

"Salamat Pen. Pangako hinding-hindi ko na uulitin yun. Mahal kita" Ngiti na lamang ang naiganti ko at unti-unti nitong nilapit ang mga labi sa aking noo.

-----




"Pen!"

"Pene!"

"Penel! "

"PENELOPE!!" napabalikwas ako sa aking higaan ng marinig ang napakalakas na sigaw ni Ate.

"Hoy babae! Kanina pa kita ginigising ha! May paiyak-iyak at pangiti-ngiti ka pa. Ano ha? Pati sa pagtulog mo dala mo kabaliwan mo?" Napatayo naman ako sa higaan ko at kinapa ang sarili hanggang sa dumako sa pisngi ko mga palad ko. Malagkit. Medyo basa pa.

"Laway mo yan hoy! Bumaba ka na at kumain, late ka na tanga." Tinalikuran na ako ni Ate.

Padabog naman akong pumasok ng banyo at nag ayos.

Makalipas ang sampung minuto ay nakababa na ako. Late na nga talaga ako sa first day of school ko.

Dinampot ko ang sandwich na kakagawa lang ni Ate at tumalikod na.

"Hoy, akin yan." Sigaw nito pero tumakbo na ko palabas at pumara ng tricycle ng tamang may dumaan.


Mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas ng tricycle pagkatapos bumayad kasi late na late na ko.


May kalayuan ang room ko sa front gate kaya takbo,  lakad ang ginawa ko.


Ng makalapit ako sa room ay natanaw ko ang mga kaklase ko sa labas nag-uusap, kilala ko naman yung iba. Nakipagbatian muna ako bago tuluyang pumasok ng room.

Sa pagpihit ko ng pintuan upang buksan ay nakaginhawa ako ng lubusan dahil hindi pa nag start ang klase.

I froze . Talagang na froze ako,  feeling ko napasok ako sa isang freezer at agad na hindi  makagalaw.

Inaasahan ko na to eh, alam ko naman eh.

Pero bakit nagugulat parin ako?

Nagkatitigan kami ng limang segundo siguro, di lang ako sure. Pero nauna na siyang umiwas. Masyadong awkward ng hangin. Paano ba naman kami lang yung tao sa loob ng room.

Hindi nag tagal lumabas na rin siya ng room, nararamdaman niya rin siguro yung nararamdaman ko. Yung awkward lang, hindi pagmamahal ko. Manhid yun eh!

Hindi man lang niya inisip yung mararamdaman ko nung piliin niya si Kim. May pangako pa siyang nalalaman, naging pako rin pala.


Pero buti nalang at panaginip lang yung nakipagbalikan siya. Hindi kakayanin kung ganun gawin niya sa totoong buhay baka masuntok ko siya imbes na balikan ko.


Mas namumuo ang galit ko kesa sa pagmamahal ko sakaniya. Pero maari niyang gawing weakness ko ang nararamdaman ko sakaniya. Perooo ulit, hindi ko hahayaan yun. Hindi ako na sa libro, totoong buhay to. Walang martir at ubod ng tanga sa mundong to, kung meron man slight lang.


"Uy."

"Kabayong kalabaw" Napahawak naman ako sa puso kong sawi na ginulat pa.

"Okay ka lang ba?" Wika ni Ara habang ngingiting mukang aso. Tawang-tawa na siguro sa loob-loob nito, makita ba naman mukha kong gulat na gulat with patalon pa kaonti.

"Okay na okay ako." Umalis na ako at naghanap ng vacant na upuan.

Paborito kong umupo sa harap pero mas gugustohin kong umupo sa pinakahuli. Mas tahimik, nakikita ko ang lahat.

Nilagay ko na ang bag ko at naupo. Di katagalan nag umpisa na rin kami.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon