Four

7 1 0
                                    

Four


Scott POV

Nabalitaan kong sinugod sa hospital si Penelope, gustohin ko mang pumunta hindi ko magawa.

"Ano ba? Bakit ka ba nag aalala sa babaeng yun?" Napahawak ako sa sentindo ko at iiling-iling na lamang.

"Ano Scott ha? Bakit mas gugustohin mo pang puntahan yung babaeng yun kesa sakin ha?" Mahinhin at mahina niyang Wika. Pinikit ko ang mga mata ko, ayaw kong lumaki na naman ang away namin. Hahayaan ko na lamang siyang magsalita hanggang sa lumamig ang init ng ulo niya.

"MAHAL MO PA BA SIYA SCOTT?" Isang sigaw ang narinig ko. Lumingon ako sa kaniya ng hindi makapaniwala, ni minsan hindi siya sumigaw.

"SAGUTIN MO KO SCOTT. MAHAL MO PA BA SIYA?" hindi ako makagalaw, ni hindi ko din mabuka yung mga bibig ko. Nabibigla ako sa mga inaasta niya, hindi ko to inaasahan.

"SCOTT ANO? MAGBIBINGIAN LANG BA TAYO DITO HAAAA?" Kitang-kita ko kung paano bumakat ang ugat sa leeg niya dahil sa sigaw niya. Hindi ako makapaniwala.

"SCOTT SUMAGOT KA NAMAN. MAHAL MO PA BA SIYA?" Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Kim calm down" Hinawakan ko ang mga kamay niya ngunit agad naman nitong kinuha.

"PAANO AKO KAKALMA KUNG HINDI MO SINASAGOT YUNG MGA TANONG KO"

"Please. Pwede naman natin to'ng pag usapan ng hindi nag sisigawan Kim, Love." Pero para bang nabingi siya sa galit niya at tinitigan ako ng naglilisik ang mga mata.

"INIIWASAN MO ANG SAGOT KO. DAMN SCOTT!"

"YES KIM! I STILL LOVE HER. I STILL LOVE PENELOPE. HAPPY? " Nawala ako sa kontrol, nasigawan ko si Kim at umamin ako ng hindi sa oras.

Nakita kong nangilid ang mga luha nito.

"Let's end this shit Kim, I'm tired."

"What do you mean by that shit Scott?"

"This relationship, do you think this is not a shit? Remember? Napilitan lang akong makipaghiwalay kay Penelope." Halos mamutla siya ng bitawan ko ang mga katagang iyon. Hindi niya yun inaasahan.

"Shut up Scott! Mahal mo ko. Mahal mo ko! Yan ang lagi mong sinasabi."

"Sinusubukan ko kasi pero wala e, yung puso ko ayaw palitan si Pen." Napaluhod ako sa harapan ni Kim. Isa akong malaking gago at tanga para manakit ng isang babae. Ang bobo ko para dito.

"No! No no no." Umiyak na siya ng umiyak.
Hinawakan ko ang mga kamay niya habang lumuluhod parin ako sa harapan niya.

"I'm sorry. Break na tayo. Goodbye Kim." Tumayo ako at tumalikod na. Hindi na ako nag abalang lingunin si Kim kasi pag ginawa ko yun maawa lang ako dun.

****

Narating ko ang hospital at tinawagan ang Ate ni Pen.

"Hello, si Scott to. Anong room ni Pen?" Nag aalinlangan man sa pagsagot ang Ate ni Pen kung anong room si Pen ngunit binigay parin niya yun.

Nang marating ko ay kumatok muna ako at ng bumukas ang pintuan ay ang kaniyang Papa ang bumungad sakin.

"Pasok ka iho" Napakabait ng Papa ni Pen kahit na alam niyang nasaktan ko ang anak niya ni minsan hindi niya ko sinaktan upang bayaran ang dinulot kong sakit kay Pen.

"Kamusta na po siya?" Nilapitan ko si Pen na mahimbing na natutulog.

"Hinihintay pa namin ang result ng doktor iho."

Hinawakan ko si Pen sa kamay at tinitigan siya.

"Labas na muna kami iho." Tinanaw ko ang Papa at Ate ni Pen na papalabas na. Ng tuluyan ng silang makalabas ay binalik ko ang tingin kay Pen.

Napaka amo ng mukha niya, parang wala siya problema kung titigan. Hinaplos ko ito.

"Wake up Pen. Let's start over again." Hinalikan ko siya sa noo at hinawakan ang kamay nito.

Dito lang ako Pen hihintayin kitang magising kahit na ganu pa katagal.










"Scott?" Nagising ako ng may marinig akong mahinang boses na nagsalita.

"Pen, gising kana. Tatawagin ko lang ang nurse, babalik ako." tatayo na sana ako ng hawakan ni Pen ng mahigpit ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito? Paano si Kim?" Sa pagkakataong ito ibang tao parin ang naiisip niya kesa sa kapakanan niya.

"Break na kami. Pinili kita kesa sakaniya." Nangunot naman ang noo nito, hindi siguro makapaniwala.

"What?" Mahina ngunit gulat niyang wika.

"I love---" Biglang nag ring ang phone ko kaya napakamut ako sa ulo ko, wrong tayming naman to.

"Sagotin mo baka importante." Wala akong magawa kundi sagutin ito.

Hindi nag atubili ang nasa kabilang linya at agad na binungad ako.

'what?' napatayo ako dahil sa gulat, maging si Pen ay nag alala.

'Okay, okay. Pupunta ako.'  pinatay ko na ang tawag at binalik ang tingin kay Pen.

"You should go. Masyadong importante yan ata." Nakangiti niyang wika.

"Babalik ako Pen, pangako."

"Wag kang mangako Scott."

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon