Five

5 1 0
                                    

Five


Penelope POV

Pagkalabas ni Scott ay tumayo na ko.

"Penel, gising ka na. Nasaan na si Scott?" Agad naman akong inalalayan ni Ate Jane na makatayo.

"Umalis ate--"

"Iniwan ka na naman." Pagtatapos niya sa sasabihin ko sana.

"Ate, may emergency lang yung tao eh. Pinaalis ko nalang masyadong importante eh." tumungo kami sa sofa di kalayuan sa kama ko at don umupo.

"Ano ba yun?"

"Hindi ko din alam eh." Napa roll eyes naman siya sa sagot ko.

"Hindi mo kasi inaalam, hinahayaan mo lang umalis di ka man lang nagtatanong."

"Ano ba yang pinapangaral mo sa kapatid mo Jane?" Bungad ni Papa.

"Wala po Pa" ngingiti-ngiti pa si Ate.

*****

Na sa hallway ako ng hospital tinitigan ang bawat makikita ko. Mabuti nalang at hinayaan ako ng mga nurse maglakad-lakad habang dala-dalo yung dextrose ko.

Si Papa naman ay umalis muna dahil may meeting pa siya habang si Ate tulog kaya mag-isa akong naglilibot nalang.

May nakita akong nakaawang na pintuan kaya unti-unti akong lumapit at sumilip.

"Yess babyy! Uhmmmm.. " Napahawak ako sa sariling kong bibig sa gulat. Ng biglang may humigit sakin papalayo sa kwartong yun.

"Anong ginagawa mo dun?" Wika ng isang lalaki. Napaka manly naman niya kung mag salita.

"Ahh, titignan ko lang sana kung anong mayroon dun." Peke akong tumawa at tumingin siya.

Madilim yung awra niya, pogi sana seryoso naman. Nag peace sign na lang ako at umalis na. Pero sumunod siya sakin.

"Anong kailangan mo?" Mas nagmadali pa akong maglakad dahil nakakasabay na siya sa akin.

"Sa susunod wag kang maninilip sa ibang room." Napahinto naman ako pero hindi ko siya nilingon sa gilid ko.

"You saw?" Na pa roll eyes naman ako sa kawalan.

"Malamang! Kadiri sila, na sa hospital kaya sila for Pete's sake."

"Curiosity kills the cat ika nga nila. Kaya sa susunod wag mo ng gagawin yun. Yan tuloy kung ano-ano nakikita mo." Seryoso parin siya kahit na boses niya lang naririnig ko.

"Pake mo ba?" Mataray kung sagot dito.

"Sus, siguro curious ka ngayon anong feeling nu?" Gago to ah. Nilingon ko siya. At mukhang tanga siya habang pigil sa pagtawa.

"Gago ka ba?" Pinanlakihan ko siya ng mata para masindak ko siya. Kahit na babae ako hindi din naman ako mag papatalo.

Pero hindi niya ko sinagot, malakas na halakhak ang nag echo sa hallway kaya yung ibang tao napapatingin samin.

Umalis na ako dun at baka baliw yung lalaking yun pagkamalan din akong baliw.

"Sandali" Ang hilig talaga nitong manghigit eh.

"Ano ba! " Binawi ko ang braso kong hawak niya at hinarap siya.

Ngayon ko lang napagtanto na nakasout din siya ng hospital gown.

"Makikipag kaibigan lang sana." Ngumiti naman ito, nakakasilaw naman.

"Ah okay" Yun lang ang nasagot ko dahil napagtanto kong masyado ako naging harsh sakaniya.

"Ako nga pala si Stephen." Nilahad naman nito ang kamay niya.

"Penelope." Tinanggap ko ang kamay niya.

***

Dalawang oras na kaming nakatambay sa garden at maya-maya'y hangin na laman ng tyan ko. Puro tawa lang kasi kami.

Hindi siya gaya ng first impression ko na seryoso, ang saya pala niyang kausap.

"Madilim kasi yung daanan, tapos busy ako kakacellphone di ko na dinig sigaw nila na may maliit na ilog kaming dadaanan kaya ayun nahulog ako. Buti nalang natapon yung cellphone ko sa damuhan at hindi sumabay sakin mahulog. Ma babaliw ata ako nun pag nahulog." Tawa lang ako ng tawa habang nakikinig sa kwento niya.

"Kinaumagahan ko nalang napagtanto na andami kong sugat." Ang sakit na ng tyan ko kakatawa sa mga kwento niya.

"Stephen" Napahinto kami sa pagtawa at nilingon ang taong paparating. Agad naman akong napatayo at yumuko ng kaonti.

"Si Penelope pala Mommy. May makakausap na ko dito." Ngumiti naman ang Mommy niya sa akin at lumapit kay Stephen para halikan ito sa noo.

"Kinagagalak kong makilala ka hija" Ngumiti naman ako dito bilang tugon.

"Kailangan mo ng uminom ng mga gamot mo.  At ikaw hija mag pahinga ka na rin." Tumango naman ako bilang tugon dito.

"Kita tayo bukas Penpen. Goodnight" Kumaway naman ito, gumanti naman ako.

"Goodnight teptep."

Ng lubusan na silang makaalis ay napatingala ako sa langit. Gabi na pala hindi ko man lang namalayan dahil kay Stephen.

Nakangiti akong bumalik sa loob at pumasok ng kwarto.

"Saan ka ba nagpupunta Penelope Feyn?" Tinago ko ang tawa ko at baka masapak ako ni Ate.

Mukhang kakain ng tao mukha niya eh.

"Sa labas lang, nagpahangin."

"Ang tagal mo kayang nawala. Sa susunod mag paalam ka naman kung ilang oras ka mawawala. Malalagot ako kay Papa niyan eh." Hindi ko nakayanan at natawa sa reaksyon ni Ate pati siya ay natawa na din. Napuno ng halakhak namin ang apat na sulok ng kwarto.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon