Nine

4 1 0
                                    

Nine

Scott POV

Ang bigat, sobrang bigat habang humahakbang ako papalabas ng kwarto ni Pen. Ang gago para saktan siya at mangako muli sakaniya ngunit ngayon lang ako ulit bumalik.

Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko, si Pen ba na sinaktan o yung pamilya ko. Hindi ko gustong mamatay si Pen alam kong may makikilala pa siyang lalaki na bubuo muli sa puso niyang binasag ko.


Pero... Ang pamilya ko, hindi ko kayang masayang ang pinaghirapan ni Daddy, ang mga kapatid ko, si Mommy. Lahat sila mawawala pag hindi ko sinunod ang utos ng pamilya ni Kim. Makapangyarihan sila, magagawala nila lahat at hindi yun kayang higitan nila Daddy. Wala akong magawa kundi ang pagdasal nalang si Pen.

"Love" bungad ni Kim ng pumasok ako sa kwarto niya. Na sa bahay lamang siya at pinapapunta na lamang ang doctor.

Ilang buwan akong hindi makaalis dahil todo bantay ako ng pamilya niya. Wala akong magawa kundi ang sundin ito.

"Bakit?" Tanong ko dito

"Saan ka  galing?"

"Kina Mommy kinamusta lang." Tumango nalang ito at inabot ang kamay ko upang hawakan ito.

"Kailan ang operasyon ko love?" Nilingon ko naman ito. Walang sakit o awa man lang ang namuo sa kaniya kundi kasiyahan pa.

"Sa makalawang linggo" Walang gana kong sagot

"Ang tagal naman. Excited na akong maangkin ang puso mo" Natawa pa ito. Napaka selfish niya, sobrang selfish.

"Kailangan ko munang magkaroon ng oras para makapag bonding sa pamilya ko bago mamatay ng hindi sa oras" pabalang kong sagot dito

"Okay loveee" Manhid niya. Walang awa. Demonyo!





Matapos ang dalawang oras ay umalis na ako ng kwarto niya, tumungo naman ako sa aking kwarto na ibinigay nila sa pamamahay na to.


Tuluyan kong binagsak ang sarili ko sa malambot na kama. Ramdam na ramdam ko ang pagod, pagod ng isip at puso ko.


Hanggang ngayon nalilito parin ako at nasasaktan para kay Pen. Wala akong magawa sa taong mahal ko dahil pamilya ko ang nakasalalay.


Nakapait ng tadhana ko, siguro nga ito na ang sinasabi nilang Karma is a bitch. Hindi lang bitch kundi karma is a hell.

Hindi paman ako namamatay pero para bang unti-unti ng nasusunog ang sarili ko.

---

Hindi ko namalayang nakatulog ako at napabalikwas nalang ako ng mag ring ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya

"Gising na si Pen, Scott." Masiglang wika ng Ate Jane ngunit may halong lungkot rin iyon

Pagkatapos nun ay nagdalawang isip ako kung tatakas ba ako o hahayaan nalang na hindi magpakita kay Pen.

Sa huli namalayan ko nalang ang sarili kong tumatakbo sa palabas ng mansyon nila Kim.

Alas tres ng madaling araw, malamig ngunit hindi ko iyun alintana ang mahalaga dito ay makapunta ako kay Pen.


Pumara ako ng taxi ng may makita ako.


Pagkadating ko ay patakbo kong tinungo ang kwarto ni Pen. Walang pagaalinlangan ay binuksan ko ito.

Nadatnan ko silang masayang nag-uusap.

"Scott" Puna ni Pen sa akin habang may ngiti sa mga labi. Paano mo nagagawang ngumiti sa taong sinaktan ka ng sobra Pen?

Agad akong lumapit dito at hinalikan siya sa noo

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Okay naman ako Scott" Masigla niyang wika, para bang wala siyang iniindang sakit.

"Labas na muna kami, iwan ko muna kayong tatlo" Wika ng Papa ni Pen at iniwan na kami.

Nandito nga pala ang lalaking kausap ko kanina.

"Pen sorry" Wala akong pake kung marinig man ng lalaking to ang sasabihin ko kay Pen ang mahalaga makausap ko si Pen.

Bigla naman akong hinigit ng lalaking katabi ng bed ni Pen.

"Ako na makikiusap sayo wag. Hindi kakayanin ng puso niya." Mahina niyang bulong sakin

"Anong binubulong mo sakaniya Stephen?" Inosenteng tanong ni Pen

"Wala Penpen, boys talk lang"

Bumalik na ako kay Pen at walang pasabing niyakap ito. Tama si Stephen hindi kakayanin ng puso niya sa ngayon kailangan ko lang paramdam kong ganu ko siya kamahal.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon