Chapter 7

15 1 0
                                    

Chapter 7
Feliciano Family

Umagang kay pagod na naman. As usual, naglilinis na naman ako kasi nga janitress ako rito sa kompanya ni Enrique. Abalang-abala ako sa paglilinis sa second floor nang may dumating, at sino pa nga ba? Si Sir Enrique lang naman.

Hinatak niya na lang ako bigla kaya napuno ako ng pagtataka. "Hoy! Saan mo ba ako dadalhin? Ang sakit mo manghatak! Bitaw!" inis na pagpupumiglas ko sa kaniya.

Binalingan niya ako at sinamaan ng tingin. "Shut that talkative mouth of yours," singhal niya kaya naman napatanga ako sa kaniya. 'Tong pipi na ito, siya na nga ang nanghatak, siya pa ang galit. Tsk!

"Saan ba kasi tayo pupunta, ha? Kidnap ba 'to? Kung iyon ang balak mo, please lang, maawa ka sa akin." Inagaw ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Don't assume too much. May pupuntahan lang tayo. Kaya manahimik ka riyan o ipatatapon kita," banta niya sa akin kaya ayon taob na naman ako.

Sumakay kami sa kotse niya at agad siyang nagmaneho ng napakabilis. Ako naman si gaga, halos mahulog na ang puso at todo kapit.

"D'yos ko naman, Enrique! Bagalan mo namang magmaneho. Mamamatay ako nang maaga nito nang dahil sa iyo!" Pero imbes na sundin ang sinabi ko, talagang binilisan niya pa lalo ang pagmamaneho kaya naman wala na akong nagawa kundi ang kumapit na lang nang mabuti sa kung anong mahahawakan ko sa loob ng kotse.

Ang tahimik namin habang nagbabyahe kaya naman nagtanong ako sa kaniya.

"May phone ka ba riyan? Spotify? O kahit anong may kanta?" Kinuha niya ang phone niya at binluetooth sa isang speaker.

"May Spotify riyan sa phone ko. Pumili ka na lang," aniya at ibinalik ang atensyon niya sa harap.

Pumili ako ng mga kanta hanggang sa tumapat iyon sa kantang passenger seat. Nang tumugtog na ang kantang iyon ay agad akong napangiti at bahagyang napaindak.

Nakikinig lang ako sa kantang pinatutugtog ni Rose habang paminsan-minsang sumusulyap sa kaniya. Bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa siya habang sumasabay sa kantang naka-play.

"Oh and I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me," pagsabay niya sa kanta at bumaling sa akin. Ngumiti siya nang pagkalapad-lapad kaya naman napangiti rin ako sa kaniya.

I don't know why I am smiling just because she looks happy while singing. And no, I can't be whipped with this girl. Malay ko ba kung nagpapanggap lang siya at kasinungalingan lang ang lahat ng sinasabi niya.

"Hoy!" Napalingon ako kay Rose nang sumigaw siya sa akin.

"What?"

"Lutang ka na naman, hoy. Anong nangyari sa iyo?"

"Wala. May naalala lang."

"'Sus. Palusot ka pang hotdog ka." Taka akong tumingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Ano? Ako? Hotdog? What do you mean?" tanong ko rito pero pabiro niya lamang na hinampas ang braso ko.

"Ganti ko lang sa iyo. Tinawag mo akong talkative kanina, e. Kaya hotdog sa iyo." Ngumiti pa siya nang pagkatamis-tamis sa akin. She really is a crazy woman.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho. Ang daming niyang ginawa sa buong byahe, minsan ay kumakain siya na hindi ko alam kung saan niya galing ang pagkain. Bigla rin siyang kakanta katulad na lang kanina. Kumanta siya ng 'Complicated'. Natatawa pa nga ako sa kaniya dahil akala mo siya iyong nakakaranas no'ng nasa kanta. Masyado niyang ninanamnam bawat lyric at nagmumukha na siyang tanga.

"Wow!" manghang aniya nang makita ang pinuntahan namin.

Nasa isang beach kami. May beach house kasi kami rito kaya naisipan ko siyang dalhin dito.

"Sa inyo 'tong magandang bahay na 'to, Enrique?" Napatitig ako sa kaniya nang banggitin niya ang pangalan ko nang hindi gumagamit ng sir.The way she said my name, it feels so different. Really different.

"Hoy! Tulala ka na naman. May sakit ka ba?" tanong niya sa akin at sinalat ako sa leeg.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at hinila na lamang siya papasok sa loob ng bahay namin.

"Sharah!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang banggitin ni Mommy ang pangalan ng babaeng iyon. Hindi ko pa pala nasabi sa kanila ang tungkol kay Rose.

Lumingon sa akin si Rose na may pagtataka sa mukha. "Sinong Sharah? Ako ba 'yong tinutukoy niya?" tanong niya sa ngunit katahimikan lang ang naging sagot ko sa kaniya.

"You came back, Sharah! Bakit mas lalo ka yatang gumanda ngayon, hija? Where have you been? Ang tagal ka naming hindi nakita," magiliw na sabi sa kaniya ni Mommy. Ramdam ko ang pagkailang ni Rose dahil sa sinabi ni mommy dahil na rin sigurong pinagkamalan siyang si Sharah.

"Mom." Tumingin sa akin si Mommy at nangunot ang noo.

"She's not Sharah, mom. She's Rose." Bakas sa mukha ni Mommy ang pagkagulat at halatang napahiya siya.

Ngumiti siya nang alanganin kay Rose. "I'm so sorry, hija. Akala ko kasi ikaw si Sharah," sinserong wika ni Mommy kay Rose.

Hinawakan naman ni Rose ang kamay ni Mommy at ngumiti sa kaniya. "Okay lang po iyon, Mrs. Feliciano. Hindi naman po malaking bagay sa akin." Mom looked at her with disbelief in her eyes. Alam niya kasing hindi naging magalang sa kaniya si Sharah kaya hindi niya inaasahang ganito ang pakikitungo sa kaniya ni Rose.

Sakto namang lumabas ang dalawa ko pang kuya at ang bunso naming babae. Agad na tumakbo papalapit sa akin si Zeliah, ang bunso namin.

"Kuya Zild!" hyper na tawag nito sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Natawa naman ako sa inakto niya.

Lumapit sa akin sina Kuya Zach at Kuya Zhase at nakipagyakapan.

"Who's this beautiful lady beside you, Zild?" tanong sa akin ng babaero kong kapatid na si Zach.

"She's Rose. My girlfriend," wika ko rito. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagkagulat sa ekspresyon sa mukha ni Rose. I'm just trying to save her from my womanizer brother.

Humarap si Kuya Zach kay Rose at ngumiti. "Is that true, Miss Rose?" tanong nito sa kaniya na nanunudyo pa ang tono.

Bumaling pa muna sa akin si Rose at nag-aalangang ngumiti kay kuya. "Y-Yes. I'm his girlfriend."

Napangisi naman si Kuya. Lumapit si kuya sa akin at may ibinulong.

"She's not Sharah, am I right? The differences are conspicuous." Nang ibulong niya iyon ay tinapik niya ako sa braso at umalis.

Kilala ko ang dalawa kong Kuya, lalo na si Kuya Zach. Hindi sila agad naniniwala sa nakikita nila kung walang patunay o pruweba na totoo iyan.

Sumabay kami sa tanghalian. Kung ano-ano ang pinagkukwento ni mommy kay Rose. Mukhang komportable siya presensya ni mommy at sa pagiging madaldal nito, hindi na makikita ang pagkailang niya katulad kanina.

"Paano kayo nagkakilala ng anak ko, Rosey?" Parehas kaming natigilan sa tanong na iyon ni Mommy.

Sinasabi ko na lang sa sarili ko na sana ayusin niya ang isasagot niya kay Mommy.

Ngumiti nang pilit si Rose. "Ah, una ho kaming nagkita sa may isa pang branch ng kompanya niya. When I saw him standing in front of me, I was shocked. Shocked because of his handsomeness-oh crap, he's definitely downright gorgeous. Until one day, we met again in the main branch of his company. H-He accompanied me and we talked for more than an hour. Yes, I admit that I had a crush on him when we met but I didn't think of..." saglit pa siyang huminto at tumingin sa akin, "...Of falling in love with him." Nagtitili naman si Mommy na halatang kinikilig sa kwento kuno namin ni Rose.

While me, I can't move. I'm just staring at her. My heart was beating so fast like crazy. I shouldn't be affected! She's just pretending, Zild! She's not telling the truth.

Ngumiti ako nang maliit kay Rose bago kumain. Mukhang magigisa talaga kami ni Rose habang narito kasama ang pamilya ko.

C A E L L E B

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon