Chapter 4

27 1 0
                                    

Chapter 4
Revenge

Katulad ng sabi ni Sir Enrique, maaga akong pumasok. Mas maaga pa sa sinabi niyang oras kaya naman sarado pa ang kompanya. Nakaupo ako sa may hagdan ng kompanya habang hinihintay na dumating si Sir Enrique o kahit si Kuya Guard man lang. At dahil naiinip na talaga ako dahil sa sobrang aga kong pagdating dito sa kompanya ng letseng lalaking iyon, kinuha ko muna ang cellphone ko at naglaro ng games doon para naman mabawasan ang inip ko.

"Papapasukin ba naman ako nang ganito maaga pero hindi pa naman nakabukas sa ganitong oras ang kompanya. Paano kaya ako maglilinis niyan? Hindi rin kasi nag-iisip," bubulong-bulong na sabi ko habang naglalaro.

Pero nagulat ako nang may magsalita sa harap ko.

"So you're complaining?" Nag-angat ako ng tingin at tumayo. Nasa harap ko ngayon ang walang iba kundi ang pinakamabait kong Boss. Kindly note the sarcasm, please.

"Hindi naman sa gano'n. Iyong sa akin lang kasi, bakit mo ako pinapasok nang ganito kaaga kung hindi pa rin naman pala nagbubukas itong kompanya mo? Kahit man lang sana guwardya nandito na." Kahit na nasa harap ko siya ay pinaikot ko ang mga mata ko dahil sa inis.

Pero ngumisi lang nang napakalawak ang loko.

"Pasensya na. Hindi ko kasi nasabihan si Carlos na buksan nang maaga itong kompanya," tila nang-aasar na aniya pa sa akin. Nilagpasan niya ako at binuksan ang nakakandadong pinto. Tinulungan naman siya ni Kuya Carlos na kadarating lang din.

"Akala niya ba ay siya lang ang pwedeng mang-asar? Pwes ako rin. Maghintay lang siya."

Naglakad ako patungo sa elevator at naabutan ko naman si Sir na nakatayo sa harap ng pinto nito.

"Oh? Ba't hindi ka pa pumasok? Hinihintay mo ba ako?" nanunudyong wika ko sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin at inirapan.

"Ay oh, nang-iirap. Bakla ka, Sir?" pang-aasar ko pa kaya naman inis na humarap siya sa akin.

"Isa pang salita na lalabas diyan sa bibig mo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo." Hindi na niya hinintay ang tugon ko dahil nauna na siyang pumasok sa loob ng elevator habang yamot na yamot ang ekspresyon ng mukha. Pikon.

Tahimik lang kami kaya naman binasag ko na ang nakaririnding katahimikan gamit na naman ang pang-aasar sa kaniya.

"Pikon ka pala?" pang-aasar ko pa ulit dito.

Sumulyap siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Ano ba iyan, tahimik ka lang palagi. Hindi ka marunong gumanti kapag may nang-aasar sa iyo?" Humarap siya sa akin at inilapit ang bibig sa tenga ko.

"Hindi ako gumaganti kasi kapag ginawa ko iyon, baka magmakaawa ka pang ituloy ko dahil gusto mo pa." Saktong bumukas ang pinto ng elevator kaya agad siyang lumabas. Iniwan akong nakatanga at nag-iisip.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya. May tinatago rin palang kamanyakan ang lalaking ito.

"Tama nga ba ang naiisip ko o sadyang marumi lang talaga ang utak ko?" Lumabas na rin ako ng elevetor at pumunta sa silid kung saan nakalagay ang mga gamit na panlinis.

Habang kinukuha ang mga gamit, may ideyang pumasok sa utak ko. Makakaganti na rin ako sa iyong bwisit ka.

Pero bago ko gawin ang naiisip ko, gagawin muna iyong trabaho syempre. Baka bumuga na naman ng apoy na naman itong boss kong pinaglihi sa sama ng loob. Kapag gumanti na ako sa kaniya at nainis o nagalit man siya, hindi niya ako pwedeng sisantehin dahil maayos ako magtrabaho. Nasa karapatan naming mga empleyado rito sa kompanya iyon base sa Employee's Rights na ibinigay sa akin ni Sir Enrique.

Linis nang linis ang ginawa ko. Minsan ay nandidiri ako dahil mas madumi pa sa mga kanal ng squatter ang dumi sa ibang banyo dito sa kompanya.

"Ano ba iyan, napaka-burara namang dumumi ng mga taong nagbabanyo dito. Akala mo'y mga dugyot kung gumamit ng palikuran," nakapameywang kong sabi nang makita ang isa pang banyong lilinisin ko na puno ng putik ang sahig.

May mga nalagas na buhok ang nakalagay sa lababo, para namang pati rito ay naliligo sila sa dami ng nalagas na buhok. Tiningnan ko naman ang inidoro at doon ko natagpuan ang nagpapabaho. Ang panghi.

"Hindi man lang binuhusan ng tubig para maalis itong pupu pati na rin ang panghi," naiiling na sabi ko dahil parang mga bata kung dumumi ang gumamit ng banyong ito. Sinimulan ko namang buhusan ng tubig ang inidoro.

Lumaki akong sa squatter lang nakatira pero never naman naging ganito kabaho at karumi ang palikuran namin doon. Masipag yata kaming magkakapatid kaya hindi naging dugyot ang bawat sulok ng bahay namin.

Natapos akong naglinis ng lahat ng banyo. Ang banyo na lang ni Sir Enrique ang lilinisin ko. Magagawa ko na ang balak ko, sa wakas.

Natatawa ako sa naiisip kong magiging reaksyon niya. Makita lang ang inis niyang mukha ay agad akong natutuwa. Alam mo iyon? Priceless ang mukha niya kapag aburido. Akala mo kasi'y lagi siyang pinagsasakluban ng langit.

Nagtungo ako sa opisina niya at kumatok.

"Pasok. Hindi iyan naka-lock." Agad ko namang hinila ang mga gamit na dala ko papasok sa loob ng opisina.

"Sir, maglilinis na ho ako," pagpapaalam ko. Inilagay ko ang balde ng tubig sa may ibaba malapit sa mesa niya, kahanay ang paa niya.

Tumingin siya sa balde at tumingin naman sa akin. "Bakit mo nilagay 'to rito?" tanong niya sa akin na nakakunot pa ang noo.

Ngumiti ako ng malapad sa kaniya. 'Yung ngiting abot hanggang tenga.

"Naisipan ko kasing linisin pati itong opisina niyo. Okay lang ho ba sayo, Sir?" nakangiti ko pang sabi sa kaniya na may halong sarkasmo.

"Oh. Yeah, sure. Hindi ko na rin naman nalilinis ito noong mga nakaraang araw dahil sa dami ng ginagawa ko," aniya na nasa laptop ang atensyon.

Nag-umpisa naman akong maglinis kunwari. At nang mapunta na ako sa bandang ilalim ng mesa niya, sinadya ko talagang sagiin ang balde dahilan upang matapon ang laman niyon na maruming tubig sa mga paa niya.

"Shit!" Napatayo si Sir at sinamaan ako ng tingin.

"Pasensya na ho, Sir. Hindi ko sinasadya-"

"Shut up. Tsk! Tatanga-tanga ka kasi. Look what you've done. Mas lalo mo lang pahihirapan ang sarili mo sa paglilinis," inis na sabi niya at kumuha ng basahan upang linisin ang basa niyang sapatos.

Ako naman ay napatitig na lamang sa kaniya.

Pumunta ako sa likod ni Sir at hinawakan siya sa balikat. "Sir, sorry po. Hindi na po mauulit iyon. Hindi ko lang talaga nakita," pagsisinungaling ko pa kahit na guilty na ako. D'yos ko, Rose, nasaan na ang kosensya mo?

Humarap siya sa akin kaya naman bumungad sa akin ang inis niyang mukha at ang mga magkasalubong niyang kilay.

"Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay kapag narurumihan ang mga gamit ko dahil sa katangahan ng isang tao. You can call me gay but I hate it when someone made a mess inside of my place. Tsk," wika niya sa mismong mukha ko at bumalik sa paglilinis ng sapatos niya.

Napayuko naman ako at tinapos na ang paglilinis ng buong opisina niya. Hindi niya ako pinapansin dahil siguro'y naiinis pa rin siya dahil sa kagagahang ginawa ko kanina. Ang gaga mo kasi. Tsk.

"Sir, aalis na po ako. Pasensya na ulit," puno ng sinseridad kong wika at tumalikod na para lumabas.

Pero bago ako umalis ay may narinig pa akong sinabi niya na sobrang lakas para sa pandinig ko.

"What a dumb person," anito na akala'y hindi ko narinig.

Napabuntong-hininga naman ako at lumabas na. Kasalan ko rin naman kung bakit ako nasabihan ng gano'n.

"Wala rin kasi sa oras ang pagiging gaga ko, e," bulong ko sa aking sarili at naghanap na ng jeep na masasakyan pauwi.

Dahil sa hindi ko pag-iisip ng tama, nakaperwisyo pa ako ng tao. Naku, Rose.

C A E L L E B

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon