Chapter 15

14 1 0
                                    

Chapter 15
Insult

After the talk between Enrique and I, I didn't bother to give my attention to him nor even gaze at him. Para sa akin ay wala namang magbabago, kausapin ko man siya o hindi; titigan ko man siya o hindi. Mas mabuti na siguro ang ganito, magkalapit kami pero may isang malaking barikada ang nakaharang sa amin. I won't give up my job in this company, I just want to make sure that I will not be hurt by him again. Maybe it is better to follow everything my brother said.

I stared at my food in front of me. I could sense the forlorn aura I was holding. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n. Bakit ang tamlay mo, self?

Napaisip ako, "Is he going to continue his plan?" wala sa sarili kong sambit.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain kaysa sa pag-iisip ng kung ano-ano. Ayokong okupahan ang utak ko ng napakaraming ideya tungkol sa kaniya.

Tatayo na sa ako sa kinauupuan ko nang bigla akong masagi ng isang lalaki. Pag-angat ko ng tingin ko ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"C-Cyrus?"

Bakas din sa mukha niya ang gulat at pagtataka ngunit kalauna'y ngumiti siya sa akin at tinulungan akong bumangon mula sa pagkakaupo ko sa sahig.

"Ang tagal nating hindi nagkita, Rose! Kumusta ka na? Kayo ng pamilya mo? Pulis ka na rin ba ngayon?" sunod-sunod nitong tanong sa akin.

Medyo natigilan ako at tipid na ngumiti sa kaniya. "Maayos naman ang lagay ko at ng pamilya ko. At hindi ako isang pulis. Hindi ko natuloy kaya hindi ko nagawang maging pulis."

Napatango ito. "Kung gano'n, ano ang trabaho mo ngayon? Siguro ay isa ka sa mga magagaling na empleyado, ano? O baka naman nasa mataas na posisyon ka na?" anito at tumawa nang mahina.

Umiling ako at medyo yumuko para itago ang pagkailang na nararamdaman. "Janitress ako sa malapit na kompanya. 'Yong The Feliciano," wika ko sa mababang boses.

Hindi ko ikinakahiya ang sarili kong trabaho dahil alam kong walang mali roon at marangal iyon ngunit hindi ko maiwasang maramdaman ang pang-iinsulto sa sarili ko habang nasa harap ni Cyrus.

Pity and disappoinment reflected on his eyes. I couldn't blame him. We both graduated but here I am. "Oh.." tanging naiusal niya.

Pinilig ko ang ulo ko at tumikhim. "Aalis na ako, Cyrus. Tapos na kasi ang break time ko kaya kailangan ko nang bumalik sa trabaho. It's nice meeting you again." Akmang lalakad na ako nang bigla niya akong hawakan sa braso.

Tiningnan ko siya ngunit hindi siya makatingin sa akin nang deretso. "I-I just want to ask if we can still make it up. I know I was an ass for leaving you kahit na mahal pa kita. I was just scared to get imprisoned so I chose my daughter."

Hindi ako nakapagsalita. I had the urge to slap the hell out of him because of what he said. Where did he get the guts to say those? At bakit parang ang dating sa akin ay pinagsisisihan niya pa na pinili niya ang anak niya kaysa sa akin? Naaawa ako sa anak niya dahil ganitong tao ang tatay niya.

Inagaw ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at tumuwid ng tayo. "Wala tayong dapat na balikan at ayusin, Cyrus. It's almost three years and you still couldn't get over it even though you already have a daughter? How can you be this shameless? Nasaan ang paninindigan mo bilang ama ng anak mo at naisipan mong makipagbalikan sa akin?" prangka kong supalpal sa kaniya.

"Rose, I still love you—"

"And I don't anymore, Cyrus! Can you please go away and focus yourself to your child instead? Hindi magandang ganito ang nararanasan niya dahil sa tatay niya. Kung ganito rin pala ang gusto mong sabihin, bakit ka pa nangbuntis ng babae? At kung wala kang konsensya at awa sa anak mo, pwes ako meron. Kaya tigilan mo na ako at lubayan mo na habang-buhay," mariin kong wika at dere-deretsong umalis sa lugar na iyon.

Nang makarating ako sa kompanya ay saka pa lang ako nakahinga nang maluwag. Hindi na nga maganda ang araw ko, dumagdag pa ang lalaking iyon. Walang hiyang iyon, hindi man lang inisip ang kapakanan ng anak niya. Selfish bastard!

"Why do you look like you're in distress?"

Napasulyap ako sa nagsalita. Si Enrique, nakatayo sa harapan ko habang nakapamulsa at matiim na nakatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan nang matagal ang mga mata niya, pakiramdam ko'y nanlalambot ako sa tuwing nagsasagi ang paningin namin sa isa't-isa.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at humakbang palayo ngunit bago pa ako makalayo sa kaniya ay may narinig akong nagpahinto sa akin.

"I saw you with a boy in the cafeteria. Who is he?" aniya sa seryosong tono.

Muli ko siyang nilingon at inayos ang sarili ko para hindi niya mahalata ang tensyong nararamdaman ko. "Si Cyrus iyon. Ex ko," walang ganang wika ko.

"Nagkabalikan kayo?"

Napataas ako ng kilay. "If yes, what is it to you? Usisero ka ba?"

Nagdilim ang mukha niya at sa sandaling 'yon, bahagya akong nakaramdam ng takot kaya humakbang ako paatras.

"You told me he has a daughter—a family, right? Then what came up to your mind to go back to him? Did you even think of the child's life?"

After he uttered those words, I felt insulted. Gano'n ba kababa ang tingin niya sa akin para isipin niyang gano'n ang gagawin ko dahil sa isang lalaki? Parang kinurot ang puso ko sa isiping iyon.

"Huwag kang magsalita nang tapos kung hindi mo naman alam ang buong nangyari. Hindi ako nakipagbalikan sa kaniya at hinding-hindi mangyayari iyon kahit kailan dahil hindi iyon kasama sa mga plano ko. Huwag mong insultuhin ang pagiging babae ko dahil ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na kunin ang kaligayahan ng isang bata at maging kabit para lang malasap ang pagmamahal ng isang lalaki. Hindi ako gano'ng klase ng babae, Enrique," nahimigan ko ang panginginig sa boses ko nang sabihin ko iyon.

Being a mistress of someone never crossed my mind and taking away a child's happiness is a thing that I will never do. Hindi ako makasarili para gawin ang mga bagay na 'yon. Pakiramdam ko'y nainsulto ako nang matindi dahil doon, iniisip niya bang gano'n ako dahil galing ako sa squatter?

Inayos ko ang tindig ko at hinarap siya nang may malimig sa titig. "Kung hindi niyo mamasamain, aalis na ho ako. May trabaho pa ako at wala na akong panahong ipaglaban ang sarili ko sa harap niyo. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin, walang pipigil sa iyo." Wala na akong hinintay pa dahil agad ko nang nilisan ang puwestong 'yon. It was suffocating.

Now, a realization hit me. It is true that we can't force anyone to think good about us because they have their own opinions about different things and humans are included—the big part, maybe. I just think that it is not appropriate to immediately give a judgement to a person if you haven't seen what kind of person he really is.

C A E L L E B


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon