Chapter 9

14 1 0
                                    

Chapter 9
Heartbeat

"Rosey baby! Tara, sumama ka sa amin sa dagat. Swimming tayo!" aya sa akin ng Mommy ni Enrique. Humagikgik pa siya na para bang isang teenager. Naalala ko tuloy si Lolo Victor.

"Sige po." Maglalakad na sana kami nang biglang huminto si Tita Zhane at humarap sa akin na may napakalapad na ngiti.

"Bakit po?"

"May ipapakita pala ako sa iyo, hija. Siguradong magugustuhan mo iyon."

Agad niya akong hinila papasok ulit sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto nila ng asawa niya. May kinuha siya sa walk-in-closet na isang pares ng two-piece swimsuit na kulay itim.

"Susuotin niyo po iyan?" tanong ko habang nakaturo sa hawak niyang two-piece.

Napahagikgik naman siya at umiling. "Hindi ako ang magsusuot nito. Ikaw, Rose, hija." Nagtitili na naman na para bang isang teenagers.

Naituro ko sa sarili ang daliri ko. "Ako po? E, ayaw ko po. Hindi naman po ako sexy para magsuot ng mga ganiyang damit," katwiran ko rito ngunit ngumiti lamang siya sa akin.

"Naku, Rose. Anong hindi sexy? Ang sexy-sexy mo kayang babae! Hindi mo siguro napansin kanina na nakatingin sa iyo ang dalawang kuya ni Zild na halatang nase-sexy-han sa iyo," tudyo niya pa sa akin.

Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya dahil nahihiya talaga akong magsuot ng two piece. Hindi ko lang talaga matanggihan itong mama ni Enrique dahil nakakahiya rin.

"Oh, sige na, Rosey. Suotin mo na ito, excited na akong makita!" tila kinikilig pang aniya sa akin.

Labag man sa kalooban ko ay nagpunta ako sa banyo upang magpalit at suotin ang two piece na ito. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa banyo nang matapos ko iyong suotin.

"Wow," manghang wika ko pa dahil hindi ko naisip na may magandang kurba palang dala ang katawan ko. Self support kasi.

Walang halong pagmamayabang, ang ganda talaga ng two piece sa akin. Talagang bumagay ito dahil sa makinis at porselana kong balat.

Lumabas ako sa banyo na ganito na ang suot para ipakita kay Tita Zhane.

Nanlaki naman nang bahagya ang mga mata ni tita nang makita niya ang itsura ko. "Omg! Ang sexy-sexy mo, Rosey!" tili niya pa sa akin at tiningnan ang kabuoan ko na para bang manghang-mangha siya.

"Siguradong tutulo ang laway ng mga lalaking makakakita sa iyo, Rosey," biro sa akin ni Tita at tumawa. Nakitawa naman ako kahit hindi ako komportable sa suot ko. Hindi komportable o sadyang nahihiya lang talaga?

Tinakpan ko muna ng balabal na iniabot sa akin ni tita ang mula baywang hanggang tuhod ko dahil ayoko namang lumamyerda ng ganito ang itsura. Lumabas kami at pumunta sa dalampasigan kung saan nakatipon ang magkakapatid na Feliciano. Medyo marami na ring tao sa dalampasigan, may mga foreigners at mga magagandang babaeng naka-swimsuit din.

"Siguradong nagpipiyesta na ang mga mata ni Enrique dahil sa mga lantad na katawan ng mga babaeng ito," bulong ko sa sarili kaya napalingon sa akin si tita.

"Are you okay, hija?" tanong nito sa akin.

"Opo. Nahihiya lang po ako kasi tingnan niyo po ang daming tao at ang daming mga babaeng mas sexy pa sa akin. Nababahala ako sa suot ko dahil hindi naman ako ka-sexy-han." Napayuko naman ako. Wow, ang drama, Rose.

Sinapo ni tita ang magkabila kong pisngi at ngumiti nang maaliwalas sa akin. "Remember what I told you earlier? You are sexy, Rosey baby, and I'm not lying. You don't need to be ashamed because you got your own beauty. So go now, remove the insecurities, and let them see how your beauty works."

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon