Chapter 1

50 3 0
                                    

Chapter 1
The Feliciano

"Mang Nestor! Umalis na kayo, paparating na ang mga demolishers!" Nagulat kami nang may sumigaw galing sa labas ng aming bahay.

Napabalikwas ng upo si tatay at biglang tumalim ang mga mata nito nang marinig niya ang sigaw na iyon mula sa labas ng bahay namin. Tumingin siya sa aming magkakapatid habang nakakuyom ang mga kamao.

"Kailangan nating pigilan ang mga tarantadong demolisher na iyan!" nanggagalaiting sabi ni Tatay na nangingitngit pa ang mga ngipin.

Nag-aalalang tumingin sa kaniya si ate. "'Tay naman, baka mapano lang kayo kung ipipilit niyong sumabay sa mga nagpoprotesta. Umalis na lang tayo. Baka atakihin o makasuhan ka pa, 'Tay." Hindi natinag si Tatay kahit na narinig niya na ang sinabi ni Ate.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil hindi ko rin alam kung sino sa kanila ang susundin ko. Si ate, kuya at tatay ay nagtatalo sa kung ano ang dapat nilang gawin. Parehong gusto ng tatay at kuya na ipaglaban ang lupang kinatatayuan ng aming bahay. Gusto ko mang tulungan si ate sa pakikipag-usap kay tatay para sana wala nang masamang mangyari sa kaniya dahil sa pamimilit niyang sumama sa pakikipagprotesta ngunit hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala namang ibang makaawat sa kanila dahil nakaupo na si nanay sa isang wheelchair dahil na-stroke siya at hindi niya na maigalaw ang kalahati ng kaniyang katawan dahil paralisado na ito.

"Huwag mo nang ipilit, Roseanna! Dahil hangga't hindi ako baldado ay ipaglalaban ko itong lupa natin sa mga taong iyon! Hindi naman maaaring basta na lamang nilang gibain itong puwesto ng bahay natin na pinaghirapan naming makuha ng nanay niyo!" Bahagya akong napaigtad sa pagsigaw ni tatay. Lahat kami ay lalong natahimik dahil sumigaw na si tatay. Alam naming kapag nagtaas na siya ng boses, wala na kaming magagawa kundi ang sundin siya.

Dali-daling nagmartsa palabas ng bahay namin sina Kuya at Tatay. Naiwan naman kami nila nanay at ate rito. Mangiyak-ngiyak si Ate kaya naman dinaluhan ko siya upang gumaan ang pakiramdam niya.

"Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ni Tatay? Hindi niya ba alam na pwede siyang mapahamak dahil diyan sa desisyon at katigasan ng ulo niya?" wika nito sa akin habang pinupunasan ang mga luha sa gilid ng kaniyang mata.

Bumuntong hininga ako. "Desisyon na ni Tatay iyon, Ate. Alam mo namang wala na tayong magagawa kapag nagpumilit siya dahil kapag siya ang nagsalita, dapat na masunod iyon. At isa pa, matanda na si Tatay. Habang tumatanda ang tao, mas lalong tumitigas ang ulo." Hinagod ko ang kaniyang likod at habang patuloy na pinapatahan siya. Nagulat naman akong nang bigla siyang tumayo at tumingin sa akin.

"Mag-impake ka na, Rose. Aalis na tayo. Kung iyon ang gusto nila, gawin nila. Kailangan nating umalis dahil kilala mo naman si Don Leo, hindi niya hahayaang may pumigil sa gusto niyang pagde-demolish." Nagmamadaling siyang pumunta sa kwarto namin at kinuha ang iilang mga kagamitan namin.

Nang makapag-impake na ako ay agad kong kinuha ang mga bag at maleta na hawak ni ate dahil siya ang umaalalay kay nanay.

Nagkakagulo ang mga tao sa eskinita rito sa amin kaya pahirapan kaming lumabas dahil sa mga taong nagmamadali at tumatakbo. Halos matumba na ako dahil nasasagi ang mga dala kong gamit kaya napapasabay ako sa pagtumba sa tuwing natatamaan nila ang mga iyon. Nang makalabas kami sa eskinita, ang daming taong nakaharang sa mga mga demolisher at mga pulis. Parang ikinandado nila ang braso ng bawat isa upang maipatatag lalo at hindi malusotan ng mga pulis at demolisher.

"Ate! Hindi natin pwedeng iwanan sila Tatay at Kuya rito!" sigaw ko dahil hindi maririnig ni Ate ang sasabihin ko kung mahina ang boses ko. Napakaingay na kasi, nagkakagulo ang lahat.

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon