Chapter 10

13 1 0
                                    

Chapter 10
New Friend

Tatlong araw na mula noong umalis kami sa beach house ng mga Feliciano. Naging masaya naman ang pananatili ko roon dahil naging maganda ang trato sa akin ng mga Feliciano. Itinuring nila akong hindi naiiba sa pamilya nila, na para bang ka-level nila ako sa estado ng buhay. I also loved how humble they were. Tita Zhane was so jolly and Enrique's siblings were respectful and sweet to each other.

Nasa opisina ako ngayon ni Enrique. Pinapunta na naman niya ako dito sa walang rason na bagay. Wala lang. Trip niya siguro akong gawing tambay rito.

"Hoy," tawag ko rito habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Inilipat niya ang atensyon niya sa akin mula sa ginagawa niya. "Bakit?"

Hinimas ko naman ang tiyan ko habang nakatingin sa kaniya. "Gutom na ako, e." Napanguso ako at bumuntong hininga.

Napabuntong-hininga siya at tumayo mula sa swivel chair niya. May kinausap siya sa telepono at wala pa mang limang minuto ay may taong pumasok dito sa loob na may dalang maraming pagkain!

Yumukod ang nangdala ng pagkain at lumisan na sa opisina. Wow, gara naman nitong nilalang na 'to.

"Sa 'yo lahat iyan," ani Enrique.

Napatayo ako mula sa upuan kung saan ako nakaupo. "Talaga?!" sabik ko namang sabi sa kaniya. Sorry naman. Gutom lang talaga.

Tumango ito sa akin kaya naman dali-dali kong nilantakan ang pagkain.

"Hmmm..." mahina kong ungol dahil sa sobrang sarap ng pagkain! Hindi naman halatang patay gutom ka sa lagay na 'yan, ano, Rose?

Napapakagat labi pa ako dahil hindi ko mapigilan-

"Stop doing that," biglang sabi sa akin ni Enrique. Mailap din ang tingin niya at parang hindi maideretso ang titig sa akin.

"Ang alin?" taka ko namang tanong dito.

"I-Iyang pagkagat mo ng labi pati pag-ungol mo," anito sa akin na hanggang ngayon ay tila nahihiya.

"E, bakit naman? Ano namang masama ro'n?" Wala naman akong natanggap na sagot galing sa kaniya dahil tahimik lamang ito, hanggang sa bigla kong napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ang manyak mo!" asik ko sa kaniya dahilan para humalakhak siya.

"What?" maang pa nitong tanong sa akin habang tumatawa-tawa pa.

"Iyong ibig mong sabihin! Ang manyak mo!" Sinamaan ko naman siya ng tingin pero lalo lang tumawa ang hampaslupa. Ay we? Ikaw nga ang hampaslupa, Rose.

"Oh? Ikaw ang nag-isip no'n. Wala naman akong sinabi na 'yon nga ang ibig kong sabihin." Napatanga naman ako sa kaniya at napayuko.

Napakarumi naman na yata ng utak ko?

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at napagpatuloy sa maganang pagkain.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam ako kay Enrique na magbabanyo muna dahil mukhang naparami ang kain ko at sumisigaw ang tiyan ko. Gustong maglabas ng halimaw.

"Ouch!"

"Aray!"

Sabay na sabi naming dalawa ng babaeng nakabunggo sa akin. Letse! Lagapak pwet ko ro'n.

Tumayo ako at tinulungan din siyang tumayo. Pinagmasdan ko naman siya. Mukhang mayaman ang nakabunggo ko dahil sa unang tingin pa lang ay alam na alam nang mayaman siya. Handa na akong makatanggap ng masakit na salita at kamay na sasampal sa akin nang bigla siyang ngumiti nang matamis sa akin.

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon