Chapter 12

12 0 0
                                    

Chapter 12
The Truth

Sa buong paglilinis ko ay sinadya ko talagang hindi pumunta sa opisina niya hindi katulad dati. Ayoko siyang kausapin, ayokong makita ang pagmumukha niyang nagpapainit ng ulo ko. Gigil pa rin ako sa pagmumukha niyang napakagwapo. Bahala talaga siya. Akala niya madadala niya ako sa kagwapuhan niya? Hindi! Hindi ako marupok sa kaniya. Kapal naman ng kalyo niya sa mukha kung iisipin niyang dahil do'n ay rurupok ang keps ko. Duh.

"Rose," tawag ng kung sino. Naks. Speaking of the devil.

Sino pa nga ba? Si Enrique lang naman, ang demonyito kong boss.

"Anong ginagawa mo rito?" mataray kong tanong sa kaniya.

"Nandito ako kasi kompanya ko ito, hindi ba? Bawal na ba ako rito?" tanong niya kaya naman natahimik ako doon pero palihim pa akong umismid.

"Bakit hindi ka umakyat sa opisina kanina?"

"Ayoko lang. Bakit? Bawal?"

"Dahil pa rin ba ito sa nangyari kahapon?"

Tumingin ako sa kaniya. Seryosong tingin. Mata sa mata. Hindi ko muna hahayaang matunaw ako sa hot niyang pagtitig.

"Hindi. Ayaw ko lang talagang makita ang mukha mo." Tumalikod ako at handa na sanang maglakad nang hilahin niya ako paharap kaya nagdikit ang mga katawan namin.

Amoy na amoy ko ang mabagsik niya pabango. At nang tingnan ko ang mga mata niya, tila nag-aalab ang mga iyon na parang kahit anong oras ay sasaktan niya ako. Galit ba siya? Hala? Siya pa ang may lakas ng loob ng magalit?

"Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Rose. Alam mo kung paano ako magalit," babala nito sa kaniya. Hindi naman siya nagpatinag at kusang kumawala sa hawak nito bago pa siya tuluyang malunod sa mga nanghihigop nitong mata.

"Ano ba?! Sobra ka na, a! Inaano ba kita? Kung umasta ka riyan, e, parang ako pa ang may atraso sa iyo! Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo kahapon!" sigaw ko sa kaniya.

"Can't you just forget that? It's not a big deal!" parang gigil na balik niya sa akin.

"Forget?! Letse kang lalaki ka! Hindi ka babae at lalong-lalong hindi ikaw ako kaya wala kang kahit anong ideya tungkol sa nararamdaman ko! Huwag kang magsalita riyan na para bang napaka-eksperto mo tungkol sa akin! Oo, para sa iyo maliit na bagay lang iyon pero para sa akin, hindi! Masyado ka kasing manhid kaya hindi ka makaramdam!" Natahimik si Enrique dahil sa sunod-sunod kong sumbat sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi siya makatingin sa akin nang deretso.

"Ano? Hindi ka makasagot kasi totoo?!" sigaw ko ulit sa kaniya.

Pero walang sumagot hanggang sa tumalikod siya sa akin at bigla na lamang naglakad palayo nang walang pagpapaalam. Gano'n na lang?! 'Yun na 'yon!?

"Tsk. Alam na alam niya talaga kung paano pakuluin ang dugo ko." D'yos ko, nanggigigil ako.

Hindi pa rin matahimik ang utak ko dahil sa sinabi ni Rose. Mukhang nasaktan nga siya dahil sa ginawa ko kahapon. Nakakainis. Bakit naman kasi parang natuod ako kahapon? Nakakabakla rin, e. Pero ano bang dapat kong gawin? Susuyuin ko ba siya? Humingi ng pasensya? Ah! Hindi ko talaga alam.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil sa frustrasyong nararamdaman.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan na lang si Vincent para may mapagsabihan ako ng nararamdaman ko.

"Hey, Feliciano."

"Where are you?"

"At my condo. Why?"

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon