Chapter 8

17 1 0
                                    

Chapter 8
Her Tears

Sarap na sarap ako sa tulog ko nang may biglang kumalabit sa akin. Hindi ko iyon pinansin at inisip na lamang ang antok na nararamdaman ko dahil baka masipa ko na lang siya. Pero mukhang matibay ang nangalabit sa akin dahil talagang inulit niya pa!

"Bwiset! Ano bang kailangan mo-" Naputol ang sasabihin ko dahil si Enrique ang nasa harap ko. Salubong ang mga kilay niya.

"Ginigising lang kita. Mukhang masyado mong ninanamnam ang lambot ng kama," sarkastikong aniya sa akin. Umirap lang naman ako sa kaniya. Kupal na 'to.

"Ano ba kasing kailangan mo? Ang aga-aga pa, e!" ungot ko sa kaniya pero nangunot naman ang noo niya.

"Anong maaga? Alas-otso na! Hinihintay ka namin sa baba pero mukhang napasarap ang tulog mo kaya pumunta na ako rito." Napakamot naman ako ng ulo dahil sa explain niya. Nakakahiya ka talaga kahit kailan, Rose!

"Hintayin mo ako. Maliligo lang ako sandali," paalam ko sa kaniya at nagmamadaling pumunta ng banyo.

Nakakatawang pagmasdan ang mukha ni Rose habang kumakain. Mukha siyang aburido. Kulang siguro sa tulog 'to. Pinipigilan kong matawa sa kaniya pero napabaling siya sa akin kaya sinamaan niya ako ng tingin. Hindi na ako nakapagpigil pa na humalakhak nang malakas. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin pero hindi pa rin ako matigil sa katatawa.

"Anong nakakatawa, ha?" naghahamon na tanong sa akin ni Rose.

"'Y-Yang mukha mo kasi n-nakakatawa!" Muli na naman akong tumawa at inambahan naman ako ng tinidor ni Rose.

"E, kung saksakin ko kaya ng tinidor 'yang lalamunan mo para tumahimik ka?" matalim ang mga matang aniya sa akin.

Pinili ko na lamang na manahimik kahit gustong-gusto ko pang tumawa. Nakita ko naman si Mommy na napapangiti sa aming dalawa. Alam kong mas nasisiyahan siyang nandito si Rose kaysa kay Sharah noon, ramdam ko.

Nang matapos kumain, hinahanap ko si Rose dahil hindi ko siya makita.

"Saan na naman nagsusuot ang bababeng iyon?" bulong ko sa sarili.

Nakita ko naman siyang nakaupo sa may veranda. Hindi kamukha ng ekspresyon ng mukha niya kanina ang ngayon. Para bang napakalalim ng iniisip niya.

Tahimik akong lumapit sa kaniya. "What's going on inside that head of yours, hmm?" tanong ko rito na may pag-iingat. Ayoko kasing biglain siya dahil baka hindi niya magustuhan o ma-misinterpret niya.

Lumingon siya sa akin at umiling. May mali sa kaniya at sigurado ako.

"Spill it, Rose. Alam kong may mali sa iyo." Umupo ako sa harap niya at matiim siyang tinitigan.

Nagsalita siya ngunit nasa dagat pa rin ang tingin niya. "Naalala ko na naman kasi ulit 'yong pagkikita namin ni Cyrus kahapon." Sino naman kaya ang Cyrus na iyon?

"Ex ko si Cyrus," huminto siya at huminga nang malalim, "He was my boyfriend for 2 years. Masaya ang relasyon namin noon. Hindi kami mapaghiwalay dahil kahit saan man ako o siya magpunta, lagi kaming magkasama. Our relationship was almost perfect. No arguments, no jealousy, no cheating, and no worries. Sabay kaming nag-aral sa kolehiyo at nakatapos ni Cyrus.

"But after the graduation, he bacame so cold. He was not the same Cyrus I always knew. He was always drunk and he brought many women in his condo. Parehas kaming naka-graduate ng Criminology at parehong pulis dapat kami pero hindi ko alam kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Dahil siguro sa hirap ng buhay. At dahil naging mailap na kami sa isa't-isa, he broke up with me. He left me. I was so miserable that time, lalo na't may sakit si Mama tapos nagkaroon kami ng malaking problema noon. I don't know where to go, where to seek help. I was so weak. I can't do everything I wanted to do because of him. I don't want to put all the blame on him, but he's a traitor." When she stopped talking, she wiped her tears.

I can't look away. Her tears, it's making me mad-mad at that guy.

"At nalaman kong may anak at asawa pala si Cyrus kaya siya nakipaghiwalay. I was his mistress. I stopped myself from getting mad at him when he chose his family over me because he just did what is right. But it hurts, knowing that he kept a big secret from me. I'm moving on, still am. Kakayanin ko na siguro ito dahil kahit papaano nakakalimutan ko na siya," nakangiti niyang wika pero alam kong ang ngiting iyon ay pilit lamang.

"Why?" bigla kong tanong sa kaniya.

Naguguluhan naman siyang tumitig sa akin. "Anong why?"

"Why are you so kind that you can't even be mad at the guy who hurt you? Why can't you be mad at him? You have the right to be mad, Rose!" sunod-sunod kong singhal sa kaniya.

Halatang nagulat siya sa inasta ko at biglang napayuko. "I don't know. Hindi ko lang alam kung paano magalit, hindi ko kayang gawin iyon dahil alam ko sa sarili kong ako rin ang magsisisi kapag nagalit ako sa kaniya. Gusto kong magalit dahil sa ginawa niya pero parang sa akin pa nagiging mahirap kahit na gustong-gusto kong gawin. Hindi ko talaga alam kung paano magalit at dahil siguro may nararamdaman pa rin ako sa kaniya kaya ganito. Siguradong hindi na niya nararamdaman ang katulad nito pero hindi ko pa rin siya kayang kalimutan." Tuloy-tuloy ang pagtulo ng kaniyang luha mula sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ito pero bigla ko na lamang siyang niyakap.

Hinaplos ko ang likod niya habang umiiyak siya. "Shh. Huwag ka nang umiyak. You only need to accept it. People can't stay with you for a long time because everything fades. Lahat ng tao ay aalis, maglalaho. If a person left you, expect that there is someone that will come, and that's a new start for you." Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Maraming salamat, Enrique."

"Para saan?"

"For being here with me. You made me feel better."

"Oh. Don't mention it."

Nang ngumiti siya ay napangiti na rin ako habang pinagmamasdan siya. Nakakadala ang bawat ngiti niya. 'Yong ngiting totoo at kahit sinong tao ang makakita sa ngiti niya ay talagang mapapangiti rin. She has the kind of smile that everyone can appreciate. And I think, everything about her seems very interesting.

"Enrique, swimming tayo?" pag-aaya sa akin ni Rose na parang batang nakahawak pa sa laylayan ng damit ko. Cute.

"Ah, sige. Pero sa swimming pool lang, ha?" sabi ko rito. Excited naman siyang tumalon agad-agad sa swimming pool.

Napailing naman ako nang dahil sa kakulitan niya. Hindi nga ba siya si Sharah? Hindi ko alam kung alin ba ang paniniwalaan ko: ang iniisip ko o ang nakikita ko?

C A E L L E B

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon