Chapter 6

18 1 0
                                    

Chapter 6
Enrique and Rose

Linggo ng umaga, tahimik akong nagkakape ako habang nanonood ng paborito kong palabas sa telebisyon. Tutok na tutok ako sa panonood nang biglang pumasok si Kuya galing sa labas at salubong ang mga kilay na tumingin sa akin. Tch, umagang-umaga, bad vibes ang dala nito.

"May naghahanap na lalaki sa iyo sa labas, Rose," aniya.

Gulat naman akong tumingin kay Kuya, nagtataka kung sino ang sinasabi niyang naghahanap sa akin.

Tumayo ako at kunot noong tumingin sa kaniya. "Sino naman daw, Kuya?" tanong ko sa kaniya.

"Enrique raw ang pangalan." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at dali-daling lumabas ng apartment namin.

Nakita ko namang pa-cool na nakasandal si Sir Enrique sa hood ng mamahalin niyang kotse, hindi alintana ang mga nagtitinginang mga mausyosong tao.

"Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong sa kaniya ngunit nagkibit-balikat lamang siya.

"Tsk. Bakit ka ba kasi pumunta rito nang walang pasabi, ha? Kita mo iyang mga taong iyan, pagkakainteresan ka ng mga iyan dahil sa biglang pagsulpot mo rito," naiilang na wika ko sa kaniya at hinila siya papasok sa loob ng tinutuluyan namin bago pa siya kuyugin ng mga tao sa labas.

Agad namang tumalim ang titig ni tatay nang makita niya si Sir Enrique.

"Sino iyang lalaking iyan, Rose?" tanong niya sa akin, medyo mataas ang boses.

Bumaling ako sa katabi ko para sana sabihan siyang magpakilala ngunit nililibot niya lamang ang tingin niya sa kabuoan ng tinutuluyan namin at nang tumutok ang tingin niya kay Tatay, mas lalong nadagdagan ang pagtataka niya sa mukha. Ngayon lang ba 'to nakapasok sa ganitong bahay?

Hindi ko alam kung bakit ganito ang itsura ng tinitirhan ni Rose. I mean, not to insult their house but it looks so old. Knowing Sharah, she will be disgusted at this kind of house; she's sophisticated kind of a woman. And when I looked at her so called father, he doesn't look like Sharah's Dad. Totoo nga bang hindi talaga siya si Sharah?

But before I conclude something, I need to figure out it myself.

"Good morning, Sir. I'm Zild Enrique Feliciano. Rose's Boss." Tumaas naman ang parehong kilay ng matanda nang magpakilala ako.

"Boss ka lang pala, e, bakit kailangang pumunta ka pa rito sa bahay namin?" he sounded so rude when talking but I don't mind that attitude. It's my fault anyway, I just showed up here without their permission.

"Uh, sorry for disturbing you, Sir. I just found myself driving my way here." Tumayo ang matanda mula sa kinauupan niya at hinaguran ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Huwag kang magsalita nang wikang ingles, narito ka sa bahay ko," halata sa boses niya ang tapang at halata talaga ang pagkakaroon ng ugaling squatter. Oh here I am again, being judgemental. So gay.

"Kung wala pala kami rito ay balak mong gawan ng masama ang anak ko, ano?" Nagulat ako sa biglang pag-akusa niya sa akin.

"Hindi ho ako gano'n. Malaki ho ang respeto ko sa mga babae," magalang na wika ko. Napatango naman ang matanda.

"Mabuti naman kung gano'n. Magandang umaga pala. Pasensya na kung naging magaspang ang ugali ko sa iyo, hijo. Hindi lang talaga ako sanay na may dinadalang lalaki si Rose maliban kay Vincent yata ang pangalan no'n." Nainis naman ako nang marinig ang pangalan ng tang'nang iyon.

"Oh, 'Tay, tama na iyan. Masyado kayong pormal, e," natatawang wika ni Rose sa Tatay niya.

Humarap siya sa akin at ngumiti. "Kumain na ho ba kayo, Sir Enrique?" tanong niya sa akin kaya naman umiling ako.

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon