Chapter 11

15 0 0
                                    

Chapter 11
Argument

Ang init, as in sobrang init talaga kahit na may sandamakmak na aircon dito sa building na 'to. Paano ba naman, katatapos ko lang linisin ang mga palikuran dito sa buong kompanya kaya naman ang sakit ng buong katawan ko, sumabay pa ang init. Ang tagal ko nang naglilinis ng maramihan pero ngayon lang sumakit ulit ang katawan ko nang ganito mula noong unang beses kong maglinis dito.

Tumayo ako at nag-unat-unat. "Hay. Huwag naman sana akong magkaroon ng sakit."

Abala ako sa pag-uunat nang may mahagip ang mga mata ko. Si Enrique, at may kasama siyang magandang babae. Mukha silang nag-aaway base sa mga ekspresyon ng mga mukha nila. Si Enrique kasi lukot na lukot ang mukha at 'yong babae naman, parang galit.

At dahil pakialamera ako, lumapit ako sa kanila. Lumingon silang pareho sa akin. Lalo na 'yong babae, nanlilisik pa ang mga mata sa akin. Ano namang ginawa ko sa isang 'to?

"Siya ba ang dahilan?!" galit na sigaw nitong coloring book ang mukha kay Enrique sabay turo sa akin.

"Hindi. Wala kang makukuhang sagot sa akin kaya umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga guwardya." Hinawakan ni Enrique si coloring book sa braso ngunit iwinaksi lamang niya iyon.

"Bakit mo siya pinagtatanggol kung hindi siya ang dahilan? Liar!" sigaw na naman nito kaya napasingit na ako.

"Kung wala kang matinong sasabihin, lumayas ka na. Nakakarindi iyang bunganga mong putak nang putak." Nagulat si coloring book dahil sa sinabi ko. Pero wala akong paki ro'n dahil masyado na siyang nakakaistorbo at marami nang tao ang nagtitinginan sa amin.

"Excuse me? Did you just tell me that I am talkative? And how dare you meddle with my our business?" maarte nitong tanong sa akin. Kairita 'tong pagmumukha nito.

"Oo. Tinawag kitang gano'n. Kung gusto mo ay ulitin ko pa," inip kong wika sa kaniya.

Nanlisik na naman ang mga mata niya katulad kanina. Para namang tainga ng toro ang mga tenga niya dahil akala mo'y uusok na ang mga ito dahil sa galit.

"How dare you?! You don't know me-"

"'Yon na nga, e. Hindi kita kilala at wala akong balak kang kilalanin dahil wala akong pakialam sa iyo," may bahid ng iritasyong putol ko sa walang kwenta niyang pinagsasabi.

"Shut up! I can sue you. I can put you in jail!" sigaw niya sa akin na halos maputol na ang litid niya sa leeg.

"Then sue me. Do you think I care about how filthy you-oh, I've mistaken it, it should be how filthy rich you are." I playfully looked at her and arched my eyebrow afterward.

Mukha na talaga siyang toro na umuusok ang ilong at pula ang mata, bagay na nakakatawa para sa akin. Lalo kasi siyang nagmukhang coloring book. Ang pula ng mukha niya.

"I will make you pay, you bitch!"

"Oh, dear. Do not call me a bitch if you haven't found out that you are a piece of shit." Halata sa mukha ng babaeng ito ang matinding pagkagulat dahil sa sinabi ko, lalo na si Enrique na halos lumuwa ang mga mata. Ang galing talaga ng englishining ko.

Akmang sasampalin niya ako nang mahuli ko ang kamay niya at pabagsak iyong binitawan. 'Yong bitaw na kulang na lang ay maaalis ang kamay niya.

Nanunuya akong tumingin sa kaniya. "Kung mananampal ka na rin, siguraduhin mo munang hindi mapupurnada." Tinalikuran ko sila at lumabas muna.

Nakakainis ang babaeng iyon. Hindi niya ba alam na gumawa siya ng eksena roon? Hindi man lang nahiya, talagang nagsisigaw pa. Kung ako lang, sanay na sa ganiyan. Kahit sabihin nilang ugaling skwater ako, ayos lang dahil hindi naman ako ang nag-umpisang gumawa ng eskandalo at pinrotektahan ko lang ang sarili ko sa pagsampal niya. Ako ang nahihiya sa kakapalan ng mukha niya, e.

Mukha siyang isang kilalang tao pero nakuha niyang umasal nang gano'n sa harap ng napakaraming tao. Kaya kong makipagtagisan ng mga salita sa kaaway pero hindi gano'n kakitid ang utak ko para lumaban nang pisikal at ipahiya ang sarili ko at ibang tao. Pero kahit na gano'n ang ginawa niya, hindi pa rin maalis sa akin kung ano talagang ipinuputok ng butsi ng babaeng pusit na 'yon at pati ako ay idinamay.

"Rose," tawag ng baritonong boses sa akin at alam ko na kung sino 'yon, si Enrique lang naman, wala nang iba.

Nainis naman ako nang makita ang pagmumukha niya. Letseng lalaking 'to.

"Bakit ka nandito?" inis kong tanong sa kaniya.

"Hinahanap kita."

"At bakit? Ba't hindi ka na lang pumunta roon sa opisina mo at magpakatuod katulad ng ginawa mo kanina."

Kunot noo naman siyang nakatitig sa akin dahil sa sinabi ko. Oo! 'Yon ang dahilan ko. Naiinis ako sa kaniya dahil hindi man lang siya sumingit para ipagtanggol ako roon sa walang hiyang coloring book na iyon. Ang manhid ng pangit na 'to. Charot! Hindi siya pangit.

"Galit ka ba sa akin?" tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. "Sa tingin mo?"

"Pero bakit?" Hindi ba nauubusan ng tanong 'to? Ano 'to? Interview kay Boy Abunda, ha?

"Hindi mo na kailangang malaman kaya lumayas ka na sa harap ko ngayon na." Balak ko na sang umalis mismo pero pinigilan niya ako gamit ang paghawak niya sa braso ko at parang napaso ako dahil may kuryente akong naramdaman kaya ako na ang kusang bumaklas ng braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"May paki ako kaya rito lang ako," matigas na aniya.

Inis naman akong tumingin sa kaniya. "Puwede ba? Umalis ka na dahil naiinis ako riyan sa letseng pagmumukha mo!"

Bumadha ang pagtataka sa mukha niya dahil sa pagsigaw ko.

"Ano bang problema mo?" taka niyang tanong sa akin na parang hindi ako maintindihan.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sigaw ko. Buti na lang at wala masyadong tao malapit sa amin kaya walang ibang makaririnig sa sigaw ko.

"Anong ako? Anong ginawa ko?" Lalapit sana siya pero pinigilan ko siya.

"Wow. Anong ginawa mo? Bwiset ka! Tanga ka ba, nagtatanga-tangahan o sadyang manhid ka lang talaga?" wika ko rito na mas nagpadagdag ng pagtataka sa gwapo niyang mukha-hindi muna siya gwapo para sa akin. Naiinis pa rin ako sa kaniya.

"Deretsohin mo na kasi. Huwag ka nang manumbat," parang naiinip na ani Enrique kaya lalo akong nanggigil sa bwiset na 'to.

"'Yong nangyari kanina! Pinagtanggol na nga kita kanina dahil sa ginagawang pagpapahiya ng babaeng iyon sa iyo pero hindi ka man lang umepal o kaya sumingit. Kung sanang nakiusap ka nang maayos do'n sa coloring book na iyon na umalis na siya para walang gulo, edi sana umalis na siya dahil mukhang takot naman ang babaeng iyon sa iyo. Enjoy na enjoy ka rin siguro dahil kitang-kita mo 'yong malulusog na suso at makikinis na legs ng babaeng 'yon kaya hindi mo siya pinaalis! Kaya hindi mo ako tinulungan para paalisin ang babaeng iyon! Alam mo ba kung gaano ako kinabahan at halos mangatog dahil sa sinabi niyang kaya niya akong ipakulong? Nakaramdam ako ng takot doon pero kailangan kong tapangan dahil mukhang wala ka namang balak na tulungan ako!" Taas-baba ang dibdib ko dahil sa sunod-sunod na sigaw at sumbat kong iyon sa kaniya.

"Is that it? Iyan ang kinagagalit mo?" tanong niya na parang wala lang sa kaniya ang mga sinabi ko.

"Wala lang sa iyo iyon?" mapait kong sabi. "Ay, sorry naman. Sana pala hindi na lang kita tinulungan kung hindi mo rin pala na-appreciate." Kulang na lang ay maiyak na ako rito dahil sa kaniya.

"Sino bang nagsabing protektahan mo ako sa babaeng iyon kung isusumbat mo lang din naman sa akin?" tanong niya gamit ang malamig na tono.

Nangilid ang mga luha ko at pagak na tumawa. "Oo nga naman, ano? Sana pala hindi na lang kita tinulungan kung isusumbat ko lang din naman. Ang tanga ba?" Agad akong tumalikod at naglakad paalis para hindi niya makita ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Bakit naman kasi ang babaw ng mga luha ko?! Makaramdam lang ako ng sakit dahil sa maliit na bagay, agad akong naiiyak. Ang manhid kasi ng Enrique na iyon, hindi man lang naintindihan ang gusto kong ipunto. Bahala siya sa buhay niya. Letse.

C A E L L E B

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon