Chapter 14

15 1 0
                                    

Chapter 14
Explanation

Kinabukasan, kahit may sakit pa ako ay pinilit kong tumayo at pumasok sa trabaho. Ayokong lumiban dahil sayang ang perang makakaltas sa sweldo ko kahit na ayaw kong makita ang pagmumukha ni Enrique. Alangan naman kasing unahin ko ang pride ko kaysa sa pangangailangan namin ng pamilya ko.

"Argh. Ang sakit ng katawan ko," daing ko nang maramdaman kong parang nabubugbog a ng bawat parte ng katawan ko sa tuwing ginagalaw ko ang mga ito.

Masakit man ang katawan ay itinuloy ko pa rin ang ginagawang paglilinis sa bawat palapag ng gusaling ito. Wala naman akong ibang magawa kundi ang dumaing kapag kumikirot ang masasakit na parte ng katawan ko. Minsan ay naluluha ako dahil pakiramdam ko'y hindi ko na kaya pang igalaw ang mga ito.

Kasalukuyan akong naglalampaso ng sahig gamit ang mop nang maramdaman kong nahihilo ako kaya bigla na lamang akong napahinto sa ginagawa at napakapit sa hawak kong mop. Para bang umiikot ang buong paligid ko at pakiramdam ko'y sa kahit anumang oras ay pipikit ang mga mata ko at babagsak sa sahig ang katawan ko.

Alam kong hindi ko na kakayanin ang tindi ng pagkahilong nararamdaman ko kaya hindi ko na namalayang napaupo na ako sa sahig at nagdilim na lamang ang buo kong paligid.

Nang magising ako ay isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa paningin ko. Medyo nataranta ako dahil akala ko'y kung sino na ang kumuha sa akin ngunit agad na napawi iyon nang makita ko ang mukha ni Enrique. His eyes were intently looking at me. They were like daggers to my soul. Nanunuot sa kaloob-looban ko.

Tumikhim ako at umayos ng puwesto. "Bakit ako narito?" tanong ko gamit ang malamig na tono, gusto kong maramdaman niya ang pagkadisgusto ko sa kaniya.

"You passed out while you were cleaning," he said without getting his eyes off of me.

His stare made me uncomfortable so I cleared my throat to wake him up but nothing happened. Nanlambot ang mga binti ko, pakiramdam ko'y hindi ako makagalaw dahil sa titig niya.

Inis ko siyang tinitigan at umusal, "Puwede bang tigilan mo ang katititig sa akin?!" hindi naiwasan ang panginginig sa boses ko. Shit naman.

Hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin, tila binabasa niya ang bawat kilos ko. Mukhang inaabangan niya ang mga susunod na tugon ko sa kaniyang pagtitig pero para naman akong maiihi rito sa kinauupuan ko dahil hindi talaga ako komportable sa pagtitig niya.

Muli akong tumikhim. "Why are you even here? You have your own business to deal with, Sir Enrique," mariin kong wika, dahilan para mapatitig siya nang deretso sa mga mata ko.

Agad akong nag-iwas ng tingin ngunit sa sulok ng mata ko ay kita ko ang pagngisi niya. What an ass.

"You can't decide for me, Rose. I can do whatever I want, don't dictate me."

Sa isip ko ay natawa ako dahil sa sinabi niya, masyadong OA kasi. Akala mo naman kung anong sinabi ko sa kaniya para magreact siya nang gano'n kalala. Nagbago na yata ang ihip ng hangin, lalaki na ang nagiging overactor.

Umismid ako at hindi na pinansin ang sinabi niya. Namayani ang napakahabang katahimikan sa amin dalawa at ni isa sa amin ay walang nagtangkang basagin iyon.

Ang utak ko ay may umiikot na ideyang siguro ay nakokosensya siya sa nagawa niya sa akin kaya niya pinapanatiling tikom ang bibig niya. Hindi naman kasi siya ganito katahimik kapag kasama niya ako, madalas ay nabubulyaw ako o nababara kaya iyon ang naiisip kong dahilan ng pagiging pipi niya ngayon.

Hinarap ko siya at nagpakawala ng isang buntong-hininga. "Why did you do that to me?"

Bumakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha dahil sa tanong kong iyon. Mukhang hindi niya inasahan.

Napayuko siya nang bahagya. "Didn't I tell you the reason?"

Pagak akong natawa. "Kasalanan ko pa ngayon kung bakit ako nagtatanong tungkol sa bagay na 'yon? You know I deserve an explanation from you, Enrique. And please, let's cut being an employee and boss here. It's not about work, it's about what you did so give me the explanation I deserve." Hindi ko alam kung saan ko galing ang lahat ng sinabi kong iyon, basta ang alam ko'y masyado yatang malakas ang loob ko para isupalpal sa kaniya iyon.

He sighed and massaged his temples. "I did it because I thought you were Sharah. I was mad at you when I first saw you standing with your so called family because all I was thinking about is how Sharah left me. Yes, I was an obsessed ex-boyfriend who still finds the presence of his ex and I am sincerely sorry for being like this to you even though you're not her."

I stared at him for seconds. Should I forgive him? Half of me was saying no and the half was saying yes. Mabigat na bagay iyon kung tutuusin pero parang mas nangunguna sa akin ang patawarin siya.

Isa lang ang gusto kong itanong sa kaniya. "Bakit mo ba naisip na ako si Sharah?"

Bigla siyang naestatwa sa pagtitig sa akin, para bang inihahawig ang mukha ko sa babaeng kinukwento niya.

"Your skin color, the way you stand and get the spotlight, your hair, your lips-your face resembles hers."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Parang ang imposible namang may taong kamukhang-kamukha ko na umabot pa sa puntong pinagkamalan niya na ako ang babaeng iyon.

"Do we really look a-alike to make you think that we are the s-same person?" nanginig nang bahagya ang boses ko.

Sa totoo lang, nalilito ako ngayon. Gusto kong malaman ang mukha ng babaeng tinutukoy niya. Gusto kong ako mismo ang makaalam ng pagkakapareho namin.

He nodded and at that time, my anticipation of meeting and knowing that girl heightened.

"Hindi mo man lang ba napansin ang pagkakaiba namin? I bet she's a sophisticated woman unlike me who got used to being surrounded by dirty things and not luxurious stuffs," natunugan ko ang pait sa boses ko, bagay na hindi ko mawari kung bakit namutawi mula sa bibig ko.

Humalukipkip siya. "I already noticed your differences but I was blinded by the revenge I wanted. I was doubting my thoughts about you because I wasn't sure if they were true or you were just lying."

Hindi ko siya kinibo pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon. Nanahimik ako. Hindi ko alam ang itutugon ko, sa katunayan. Napakaraming umiikot na tanong sa utak ko ngunit hindi ko alam kung alin ang dapat kong unahing itanong kaya pinili ko na lamang itikom ang bibig ko. Iniingatan ko rin ang sarili ko dahil baka may masabi siyang hindi ko gugustuhing marinig.

I hope tomorrow, everything that is bothering me will be gone. I've never had so much thoughts like this before because of a man.

C A E L L E B

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon