Chapter 3

33 1 0
                                    

Chapter 3
Challenge

Nagising ako nang maaga para hindi ma-late sa trabaho. Tumutuloy na rin kami rito sa isang apartment na medyo malayo sa mga naglalakihang gusali. Nakita ko ito kahapon at agad akong nagbayad para naman may matuluyan kami ng pamilya ko. May ipon naman ako kaya ko nabayaran 'yong down payment ng apartment.

"'Tay, alis na po ako," pagpapaalam ko kay Tatay at humalik sa pisngi niya. Niyakap ko naman sina Ate at Kuya.

"Mag-ingat ka, bunso. Huwag kang gagala-gala, hindi mo pa kabisado 'tong lugar na ito," paalala sa akin ni ate.

Natawa naman ako nang bahagya. "Naku, Ate, alam ko na iyan. Saka alam mo namang hindi ako pala-gala, 'di ba? Hangga't kaya kong maging tambay rito sa bahay, dito lang ako," biro ko kaya naman natawa silang dalawa ni Kuya.

"Oh sya, heto na ang baon mo. Kainin mo iyan, ha?" Iniabot sa akin ni ate ang isang lunchbox na may lamang pagkain ko.

"Salamat dito, Ate." Niyakap ko ulit si Ate at lumabas na ng apartment.

Katulad noong una, jeep lang din ang sinakyan ko papunta sa The Feliciano dahil may kalayuan din ang apartment namin mula sa trabaho ko. Nang makarating ako sa kompanya, hindi na ako hinarang ng gwardya dahil nga nagtatrabaho na rin ako sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Habang naglalakad papunta sa opisina ni Sir Enrique, hindi naalis ang mga matang nakamasid sa akin. Ano bang problema ng mga ito? Maayos at disente naman ang itsura ko pati na rin ang suot ko. Bakit ganiyan sila makatingin sa akin?

"Sir Enrique," tawag ko mula sa labas ng opisina ng Boss ko at kumatok.

"Pasok," sabi ng isang boses na galing sa loob. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa opisina ni Sir Enrique.

May binabasa siya ngunit inalis niya ang tingin niya roon, nag-angat siya tingin kaya sumalubong sa akin ang mga kulay tsokolate niyang mata.

"Ano po pala ang magiging trabaho ko, Sir?" tanong ko sa kaniya.

Hinaguran niya naman ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Janitress," maikling sabi nito at ibinalik ang atensyon sa binabasa niya.

"A what?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

Nag-angat muli siya ng tingin sa akin. "May reklamo ka?" taas-kilay na tanong niya sa akin.

Pilit naman akong ngumiti sa kaniya. "Wala ho, Sir. Hindi ko lang narinig," maang kong sabi sa kaniya.

"You'll work here as a janitress, so you better move your ass now and clean each floor of this building," aniya at muling ibinalik ang atensyon sa binabasa niya.

Napatango naman ako sa kawalan. Lilinisin ko ang bawat floor ng building na ito? Sumagi kaya sa isip niya na hindi lang tatlong palapag kun'di sampung palapag ang gusaling ito? At ako lang ba ang janitress dito? Grabe naman. Sinusulat niya ata masyado ang unang araw ko!

Nanlulumo akong lumabas ng kaniyang opisina. May bigla namang sumalubong sa akin na matandang babae. Nagpakilala siya at nalaman kong siya ang pinaka-head ng mga janitress sa kompanya ng mga Feliciano. Ibinigay niya na rin sa akin ang uniform at i.d ko kaya isinuot ko muna ang mga iyon bago magtrabaho.

"Mahabaging emre, mukhang malawakang paglilinis 'to," bulong ko sa sarili at saka nag-umpisang lampasuhin ang sahig gamit ang mop.

Mop doon, mop dito. Kahit sa kasulok-sulukang bahagi ng bawat palapag ng gusaling ito ay hindi nakakatakas sa akin. Sa bawat palapag namang natatapos ko ay tinitingnan ko, malinis na malinis ang kinakalabasan. Sanay na rin ako sa paglilinis dahil noong nasa squatter pa kami ay ako ang laging nakatoka sa paglilinis ng bahay, pero hindi ko naman naisip na aabot sa puntong ganito kalawak, karumi at kalaki ang lilinisin ko.

Tumingin ako sa relong nasa pulsuhan ko, "Alas-nueve na pala ng gabi," wika ko sa aking sarili. Hindi ko namalayang umabot ako ng ganito katagal sa paglilinis.

Masakit na rin ang mga paa at likod ko dahil sa pagyuko at matagal na paglalakad. Nang matapos ko na ang paglilinis sa huling palapag ng gusali, umupo muna ako malapit sa pinto ng elevator. Humihikab at minamasahe ang likod ko.

"Nakakapagod," bulong ko sa hangin at tumingin sa aking mga paa ngayon habang minamasahe ang mga ito dahil sa tingin ko ay may paltos na.

Pinatong ko naman muna sa tuhod ko ang aking ulo at umidlip dahil sa pagod na nararamdaman ko.

‎‎
Tapos na ang oras ng trabaho ko kaya naman sumakay ako ng elevator upang tingnan si Rose kung ano na ang lagay niya. Baka natabunan na siya ng mop at walis.

Nakita ko naman siyang nakaduko sa mga tuhod niya. Nilapitan ko ito at bahagyang niyugyog. Nakatulog siguro dahil sa pagod.

Naiiling na ginising ko siya ngunit walang nangyayari. Tulog pa rin siya at mahinang humihilik.

"Tsk. Hindi talaga sanay sa mabigat na trabaho," mahina kong usal at napipilitang binuhat siya.

Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko kaya naman tumama ang hininga niya sa leeg ko. Bahagya naman akong nanigas sa kinatatayuan ko nang maamoy ang pamilyar na pabango sa kaniya.

"Malamang pamilyar ka sa amoy niya." Ipinilig ko na lamang ang ulo ko upang kalimutan ang naisip ko.

Dinala ko muna siya sa opisina ko at hiniga sa malapad na sofa. Napatitig ako sa maganda niyang mukha, napapaisip kung bakit nandito pa siya.

Hinawakan ko siya sa pisngi. "Dapat umalis ka na dahil baka mas lalo ko pang maisipang pahirapan ka kapag nanatili ka pa rito," bulong ko at tumayo upang umupo sa swivel chair ko.

Ilang minuto pa ay nakita kong gumalaw siya at kalauna'y nagmulat na ng mga mata. Dali-dali siyang tumayo at inayos ang kaniyang damit na bahagyang nagusot dahil sa pagkakahiga.

"Pasensya na ho kung nakatulog ako, Sir," paghingi niya ng pasensya sa akin habang nakayuko ngunit imbes na pansinin ang sinabi niyang iyon, iba ang aking sinabi.

Tumayo ako sa harap niya. "Hindi mo naman pala kaya ang trabahong kinuha mo, bakit ka pa nagtitiis?" Mukhang nainsulto siya sa sinabi ko kaya nagtaas siya ng tingin.

"Kaya ko ang trabahong kinuha ko, Sir. Saka kung hindi ko kaya ang trabahong ginagawa ko ngayon, sa tingin mo ba ay pagtitiisan ko? Hindi porke babae ako ay hindi ko na kaya ang mga trabahong mabibigat katulad nito."

"Good." Tumaas ang sulok ng labi ko at sinabayan niya naman ang naghahamon kong tingin.

"Galing ako sa squatter pero sinanay ko ang sarili ko sa mga mabigat na trabaho para kumayod para sa pamilya ko. Baka ikaw pa nga riyan ang mahina."

Madilim ang mukha ko siyang tinitigan. Matiim at titig na titig.

"You're bragging, huh?" I said, smirking.

And because she's boastful, she smirked as well. "I'm just stating a fact, Sir. Sorry if I offended you." Her smirk widened even more.

I glared at her. "Okay. 5 a.m tomorrow. That's your punishment." Alam kong aangal siya kaya iyon ang sinabi ko.

"Ano? Wala pang ibang empleyado sa gano'ng oras, a? Tapos ako papapasukin mo ng gano'n kaaga?" sunod-sunod na reklamo niya sa akin.

"Sabi mo kaya mo, 'di ba? Edi patunayan mo. Ikaw ang maglilinis sa lahat ng banyo bukas. There are 35 comfort rooms here in this building, Miss Squatter," paghahamon ko pa sa kaniya kaya tumalim ang mga mata niya sa akin.

"Jerk," inis na aniya sa akin. Nagmartsa siya palabas ng opisina ko at padabog na isinarado ang pinto. I find it fun teasing her.

C A E L L E B

Blues And YellowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon