Accident
Chaseter's POV:
(Harburt )"What the f**ck did you do to him?ha Ross?!Are you crazy?!
Bakit mo sinunod ang utos ng mommy ko?!!" Malakas na sigaw ko na nag-paiyak sa kanya.Wala akong pakealam naiinis ako,alam niyang mali.Pero ginawa niya pa din,hindi na ba siya nahiya.Daddy ng kaibigan niya yung sinaksak niya,at alam niyang Daddy ng mahal ko yon.
Umiiyak pa din siya." Don't you get it ha?" Pasinggang sabi niya.
Kumonot lang ang noo ko."Dahil daddy ko ang papatayin ng mommy mo kapag hindi ko sinunod yung utos niya!Demonyo ang mommy mo Chaseter!!!!She black mailed me,kaya ko nagawa yon.Sa tingin mo ba ganun ako kasama ha?"
Malakas na sabi niya at pinunasan yung luha niya.Wala akong magawa,nahihiya ako sa ginawa ng mommy ko.
Biktima lang kaming lahat.
Agad ko siyang niyakap,at tuluyan na siyang umiyak."Let's follow Lucy, baka kung anong gawin niya" Pagkasabi niya nun ay agad kaming tumakbo sa mga sasakyan namin.
Nakita ko pang sumunod yung tatlo sa likod ko."What happened? Where's Lucy?" Tanong ni Walter.
"Oonga asan si Cucy?bigla siyang lumabas kanina ihh" Travis.
Hindi ko na sila pinansin at agad na sumakay sa kotse ko.Ganun din ang ginawa nila Walter at Ross.
Si Jake sumakay sa kotse ni Travis,habang si Travis naman kay Ross.Agad kong pinaandar ang sasakyan ko sinundan naman nila ko.
Nasa may kalsada na ako ng makita kong pumara si Lucy ng bus.Agad kong binusinahan sila Ross at Walter na agad naman nilang nakuha ang ibig kong sabihin.
Sinusundan lang namin yung bus at mukhang alam ko na kung saan ito pupunta.Ito yung daan papunta sa bahay nila.Kung saan ako pumunta 3years ago.
Mga ilang minuto lang namin sinundan yun hanggang sa makarating na kami.Agad naming pinark yung sasakyan namin malayo layo sa bahay nila.
Nakita kong pagkababa ni Lucy ay patakbo siyang pumasok sa bahay nila.Agad naman akong bumaba sa sasakyan ko.
Pagtingin ko don sa apat ay nakababa na rin sila.
"Susundan ba natin?" Tanong ni Ross.Umiling lang ako."Ano bang nangyayari Harburt?bakit pumasok dyan si Lucy" Tanong ni Travis habang nakaturo sa bahay nila Lucy.
YOU ARE READING
The Stranger
Short StoryThe worst part about finding out somebody lied to you is having to sit there and wonder what else they lied about.