Kabanata I

5.8K 41 0
                                    


"Anya!" Napatalon ako ng may narinig ako mula sa aking likuran.

Nang lingunin ko ito, nakita ko si Tim na naka topless. Kakatapos lang kasi mag ano... Ano... Basta yun...

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya. Sasabihin ko ba na may narinig akong ungol mula dito? Hayysss... Wag na nga lang.

"Ahhh... Ehh umihi lang ako." Kay gandang palusot, Anya.

"Ahhh." Mukha namang naniwala si Tim kaya okay na rin yun.

Napatingin ako sa hawak ni Tim. Hawak niya yung phone ni Trevor. Kaya pala naririnig ko ang ringtone niya kanina.

"Nasayo pala ang phone ni Trevor?" Tanong ko.

"Ahh oo. Naiwan kasi niya sa kwarto namin at nakita kong tawag ka ng tawag kaya hinanap kita para sabihing pumunta sina Ellie at Trevor sa bayan. May binili ata." Magkasama sina Ellie at Trevor? Hindi man lang nagpaalam sakin si Trevor. Iniwan niya pa ang phone niya.

"Alam mo matulog ka na muna. Sabi ni Lucas magbo-bonfire daw tayo mamaya kaya baka late na tayo makatulog." Nag-aalala man pero sumabay na ako kay Tim at agad na pumasok ng kwarto. Kinakabahan talaga ako.

Parang may hindi magandang mangyayari.

---

Nagising ako ng may naramdaman akong humahaplos sa aking hita.

Marahan ang pagkakahaplos niya at nakikiliti ako kaya hindi ko na napigilang dumilat.

Agad akong napaupo ng makita ko si Trevor na wala ng suot na t-shirt at nakadagan na sa akin.

"T-trevor? A-anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong. Sobrang lakas na ng kabog ng aking dibdib.

Kinakabahan na ako lalo na sa tindig ni Trevor ngayon. Para ba siyang ibang tao. 

"I have been longing for this for a long time, Anya. At ngayon wala ka ng kawala." Napatingin ako sa gilid ko para sana humingi ng tulong kay Sammy pero wala na siya doon.

Ang lapit na ni Trevor sa akin at umiiyak na rin ako dahil sa kaba.

"Please... Wag Trev." Pagmamakaawa ko pero tanging ngisi lang ang nireply niya sa akin. 

He started to kiss my neck.

Napapaiyak na lang ako. Hindi pa ako ready sa ganito but I guess wala na akong choice. This is my fate already. 
Ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng aking t-shirt. 

"T-tulong!!!" Napatingin sa akin si Trevor at punong puno ng galit ang kanyang mga mata.

"Bakit ba ayaw mo, Anya? Ayaw mo na ba sa akin ha? Fine! Mas ayaw ko na rin sayo. Napaka conservative mo. Pakipot ka pa. Nakakapagod ka. You want me to pleasure you para hanap hanapin mo ako at ang katawan ko? Yun ba ang gusto mo?" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at marahas akong hinalikan. 

"Trevor, waaaggggg!!"

Nagising ako ng maramdaman kong niyuyugyog ako ni Sammy.

Pawis na pawis ako at umiiyak na rin. Nasa likuran niya si Ellie at nakatayo ito. 

Panaginip lang. Panaginip lang yun, Anya.

Kasunod na bumukas ang pintuan at iniluwal ito sina Lucas, Tim, at Trevor. 

Umupo sa tabi ko si Trevor at kitang kita sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala.

"Anong nangyari? Narinig namin ang pagsigaw mo." Tanong niya sa akin.

Tahimik pa rin ako at sobrang nanginginig pa. That was such a bad dream. Sobrang nakakatakot at thankful ako na panaginip lang ang lahat ng iyon. 

Secret Bad AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon