Kabanata VIII

3.4K 34 0
                                        


Anya's Point of View

"Good Morning!" Bati sa akin ni Trevor pakababa ko pa lamang.

"Good morning! Asan sila?" Tanong ko. Siya lang kasi ang nandito sa loob eh.

"Nandun sa dagat. Nag-aya kasi sina Cobe na magswimming eh." Agad na akong tumabi kay Trevor sa hapag kainan at simula ng kumuha ng pagkain.

"Bakit hindi ka sumabay?" Tanong ko.
"Kakagising ko lang eh. Tsaka hinintay talaga kita." Paliwanag niya.

"Tsaka nga pala sabi nila tapos natin dito, sunod tayo sa kanila." Aniya.

"Ikaw na lang, Trev. Wala ako sa mood eh." Sabi ko. Ewan ko ba pero parang wala ako sa mood ngayon na magswimming.

"Anya, pumunta na tayo. Tsaka bawal KJ." Pagpipilit pa niya.

"Pero~" Napatigil ako sa pagsasalita ng isubo niya sa akin ang pagkain.

"Wag ka ng magrason. Magbihis ka na pagkatapos nito." Sabi pa niya sabay ngisi. Wala akong choice!

---

Paglabas ng paglabas ko sa kwarto, agad akong napatingin kay Trevor. Mukhang inip na inip na ito at halatang kanina pa ako hinihintay.

Eh kasi naman wala akong mahanap na isusuot. Hindi naman ako nainform na magswi-swimming pala kami kaya wala akong nadalang damit. In the end, tanging denim shorts at sando lang ang naisuot ko.

"Ano yang suot mo?" Napataas ang kilay niya.

"Bakit? Anong mali sa suot ko?" Pagtataka ko.

"Kitang kita ang legs mo ho tsaka bakit ka nakasando mag t-shirt ka." Sabi niya. Bobo ba siya? Magswi-swimming kami hindi kami matutulog. Ano gusto niya mag jogging pants ako? Pfft!

"Swimming ang gagawin natin dun, Trev. Bakit ako mag T-Shirt?" Nakita kong nagiba bigla ang mood niya.

"Tama ka wag na pala tayo pumunta dun." Sabi niya. Napa face palm ako. Napakalabo talaga ng lalaking ito. As in. Araw-araw napaka moody.

"Wala ka sa mood diba?" Dagdag pa niya. Ano bang problema niya?

Pinabihis niya ako for almost 1 hour tapos sasabihin niya na wag na lang kami pumunta dun?

"No?" Bigla ko siyang hinila. "Pupunta tayo dun. And that's final." Dagdag ko pa. Wala naman siyang nagawa kundi ang magpahila sa akin.

Yes, I win. Hehe

---

"Oh, andito na pala sila eh." Sabi ni Cobe.

"Bakit antagal niyo ata?" Tanong ni Lucas. Hindi sumagot si Trevor at parang talagang nawala na siya sa mood.

"LQ na naman kayo no?" Dagdag pa ni Lucas.

"Kasi naman bro sabi ko na~" Pagsisimula ni Trevor pero agad ko ng tinakpan ang bibig niya.

"Wala to. Nagiinarte lang tong lalaking ito." Sabi ko. Agad namang tumango si Lucas bago bumalik sa paglalangoy sa dagat.

"Anya! Dito ka." Sigaw sa akin ni Sammy na nasa di kalayuan. Kasama niya sina Ellie at Tim. Nag-iihaw ata sila ng isda.

Agad akong naglakad papunta doon at sumunod din sa akin si Trevor.

"Wow! Mukhang ang sarap niyan ha." Sabi ko ng makalapit na kami sa kanila.

"Mas masarap ako diyan, Anya." Biglang sabi ni Tim. Natawa naman ako.

"Ang kapal mo." Rinig kong komento ni Ellie.

Secret Bad AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon