Agad akong nilapitan ni Anya at niyakap."Okay ka lang ba?" Agad niyang tanong sa akin. Nakita ko naman na pinipilit ng tumayo ni Trevor mula sa pagkakahiga sa sahig. Hindi niya pwedeng makuha si Anya.
"Anya, umalis ka na. Iwan mo na ako." Sabi ko sa kanya. Shit! We are running out of time.
"Hindi. Hindi kita iiwan dito." Sabi nito sa akin.
Nakatayo na ngayon si Trevor at napatingin siya sa amin. Pagkatapos nun nagulat ako ng bigla niyang sinampal si Anya. Isang napakalakas na sampal dahilan para mapaupo si Anya sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang pisngi.
"Anyaaa!" Sigaw ko naman. Napatingin sa akin si Trevor. He is so scary. Fuck him!
"Trevor, bakit mo ba ginagawa to ha? Ako naman ang gusto mo diba? Ako na lang ang saktan mo wag na sila." Damn! Anya, nababaliw na ba siya?
"Can you please shut up?" Sigaw niya kay Anya.
Halatang naiirita na ito.
"I have waited for so long just for this to happen. Buti nga na nandito kayong dalawa eh. Kasi the more the merrier." Sabi niya sabay tawa.
"Demonyo ka!" Sigaw ni Anya."Shut up!" Sigaw pa ni Trevor.
Lumuhod ito sa tapat ni Anya tsaka hinawakan ang mukha nito.
"Hindi naman ako magkakaganito kung hindi mo ako pinagpalit eh. Kung hindi mo ako pinagpalit kay Tim." Dagdag pa niya.
"Hindi ka nga niya pinagpalit!" Sigaw ko. Agad naman niya akong sinampal. Ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng aking pisngi dahil dun.
"Tumahimik ka. Hindi ikaw ang kinakausap ko." Sabi pa niya sa akin .
Agad siyang may hinugot mula sa bulsa niya.Tali.
Agad niyang tinalian ang aking mga kamay at paa. Shit! Ang higpit.
Ganun din ang ginawa niya kay Anya."Hindi pa ako tapos sa inyo. Babalikan ko kayo uunahin ko muna ang iba para walang hadlang." Ngumisi siya bago lumabas ng kwarto. Shit! Sina Sammy at Tim.
---
Sammy's Point of View
"Sammy! Tim!" Sa lakas ng tibok ng puso ko, halos hindi na normal ang aking paghinga. Nandito kami ni Tim ngayon sa ilalim ng mesa. Nagtatago kami kay Trevor.
Nakikita siya naming may dalang baseball bat at umiikot ikot sa sala. Hinahanap kami.
Napatingin ako kay Tim.
"Anong gagawin natin?" Mahinang sabi ko. Sinenyasan naman niya ako na tumahimik.
"Lumabas na kayo. Kahit saan man kayo magtago mahahanap at mahahanap ko pa rin kayo." Sabi ni Trevor.
Napaiyak na lang talaga ako dahil sa sobrang kaba. Fuck! Makakaligtas pa ba kami?
Nakikita ko siya na papalapit sa mesa. Shit! No!
"I think I have already found you two." Potangina!
Nagulat na lang ako ng biglang umalsa yung mantel at mukha kaagad ni Trevor ang nakita namin. Dahil sa sobrang gulat ay napagapang na lang kami.
"Ahhh aray!" Napahawak ako sa buhok ko. Hinahawakan kasi ito ni Trevor habang hinihila ako.
"Nasasaktan ako Trevor!" Sigaw ko pero parang wala lang siyang narinig.
Ramdam ko ang sakit ng bitawan na niya ang buhok ko."Saan kayo pupunta ha?" Tanong niya sa akin. Shit! Asan ka na ba, Tim? Pota iniwan ako.
"Ikaw yung madaldal eh. Bilib din ako sa detective skills mo. Gifted ka nga. Pero aanhin mo pa yung talino mo kung mamamatay ka na rin naman?" Sabi niya tsaka tumawa.

BINABASA MO ANG
Secret Bad Affair
Novela JuvenilAffair. Sa iba mali ito at hindi dapat gawin pero paano kung ito ang natatanging paraan para maprotektahan mo ang isang taong mahalaga saʼyo? Are you willing to take the risk? Are you willing to have a Secret Bad Affair? COMPLETED.