Kabanata IV

4K 30 0
                                        


Anya's Point of View

Focus ang lahat sa panonood ng movie. Natapos na namin ang isang movie pero nag-aya pa si Lucas na manonood ulit. Kaya eto nanonood pa rin kami hanggang ngayon.

Nasa tabi ko naman si Trevor na nakasandal ang ulo sa balikat ko. I know him. Nabo-bored siya sa mga ganito. Watching movies has never been his thing kaya ito ang madalas naming pag-awayan. I really really love watching movies.

Niyakap ako ni Trevor at mas isiniksik ang sarili niya sa akin.

Inaamin ko, sa aming dalawa siya talaga ang mas clingy. He would kiss mu forehead, hug me, or even pinch my nose kapag gusto niya. May mga times nga nagtatampo at inaaway ako nun kasi minsan hindi ko siya pinapansin pag nagpapalambing siya.

"Labas tayo. I want to spend more time with you." Bulong niya.

"Sure ka? Ayaw mo na manood?" Tanong ko.

"Tss. You know me I hate watching movies." Aniya.

Bigla naman itong tumayo at inilahad ang kamay niya sa akin.

"Let's go." Aniya.

---

Naglakad-lakad muna kami sa tabi ng dagat. Magkahawak ang aming mga kamay.

"Nga pala, mom already talked with me about sa plano niya na sa US na ako magcollege." Napatingin ako sa kanya at para bang nagbago bigla ang mood ko.

"I-it's great!" Pinilit kong ngumiti pero kaabit nito ay sakit.

I don't want him to leave pero ayoko rin namang maging hadalang sa pangarap niya. I want him to achieve his dreams and be successful tulad ng lagi niyang sinasabi sa akin.

"Planadong planado na talaga at parang hindi ko mapipigilan pa si mommy." Tumingin siya sa akin.

"Pipigilan? Bakit mo naman pipigilan mommy mo?" Tanong ko.

"Syempre kasi ayokong mapalayo sayo." Tumigil muna kami sa paglalakad. Tumapat siya sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata.

"Gusto ko lagi kang kasama. Baka may magtangka pang umagaw sayo, alam mong hindi ko kakayanin. Subukan lang nila at makakapatay talaga ako." Natawa ako sa sinabi niya. Okay na sana eh, kinikilig na sana ako.

"Ang tanong ay, magpapaagaw ba ako?" Biro ko rin pero seryoso pa rin itong nakatitig sa akin.

"Malay mo may makilala kang mas better sakin habang wala ako sa tabi mo. Trust me, patawarin ako ng Diyos sa gagawin ko." Seryoso niyang sabi.

Napakapossessive talaga nito.

"Pero kailangan mo pa ring umalis kasi trust me ang daming oppurtunities dun sa States. Mas madali mong maachieve ang mga pangarap mo." Paliwanag ko.

"But I don't want to!" He cut me off.

"Pagbalik natin sa Manila kakausapin ko si mommy. Hindi ako pupunta sa States. Dito lang ako." Sabi niya bago lumakad at iniwan ako.

Naiwan akong nagulat and at the same time nagtataka. Ano yun? Hindi ko naman siya inaway ah. Minsan talaga hindi ko masabi kung sino ba ang babae sa amin. Napakamoody eh.

---

Bumalik na ako sa resthouse. Hindi ko na nakita si Trevor pagkatapos niya akong iwan eh. Kung saan saan na naman siguro pumunta yun.

Agad kong nadatnan si Tim na nasa balkonahe kaya agad ko siyang nilapitan. Isa pa, hindi ko pa siya nakakausap mula kanina. Yung tungkol sa pasa niya.

"Tim, bakit ka nandito? Tsaka asan sila?" Tanong ko.

"Naghahanda ng makakain." Sagot niya. He is acting really weird. Kagabi okay pa naman kami ah pero bakit ngayon parang feeling ko he is trying to build a wall between me and him. In short, parang nilalayuan niya ako.

"Ikaw? Saan kayo nanggaling?" Dagdag pa niya.

"Naglakad-lakad lang." Tumatango naman siya in reply.

"Tim, pwede ako magtanong?" Tiningnan lang niya ako imbes na sumagot.

"Saan galing yung pasa mo? Kagabi parang wala pa naman yan ah." Dagdag ko pa.

I know Tim. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin at hindi ko alam kung bakit pinipili niya itong itago.

"Wala ito. Nabunggo lang ako." He managed to smile pero iba talaga ang kutob ko eh.

Parang may mali at sobrang curious ako sa sikreto ni Tim.

"Anya pwede rin akong magtanong?" Sabi niya sa akin.

"Yeah, sure." I said.

"Gaano mo kakilala si Trevor? I mean lahat ba alam mo tungkol sa kanya." Napakunot ako sa tanong niya.

Bakit niya naitanong ang bagay na ito. At nakakapagtaka pa kasi tungkol ito kay Trevor.

"What do you mean?" Tanong ko. Sobrang naguguluhan kasi ako eh.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

"You know how much I care for you right? Kaibigan kita at promise ko sayo napro-protektahan kita sa lahat ng gustong manakit sayo. So please Anya you take care of yourself always huh?" He smiled at ginulo ang buhok ko bago pumasok ng bahay.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi ni Tim.

Mas lalo tuloy ako nacurious.

Whatever it is, I have to find it out.

Secret Bad AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon