Napahawak kaagad ako sa braso ni Trevor. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Paano pag nalaman ni Anya?
"Anong gagawin natin?" Mahinang sabi ko pero nanatili pa ring kalmado si Trevor. Damn him! Paano pa siya nagiging ganito ka kalmado.Agad niyang kinuha ang phone niya sa kanyang bulsa. Agad siyang may tinext dito na hindi ko man lang nakita kung sino.
Ano magte-text na lang ba siya? Wala ba siyang gagawin? Fuck!
"Hello?" Patuloy pa rin ang pagkatok ni Anya mula sa labas.
"May tao ba?" Sabi pa ni Anya.
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko parang lalabas na yung puso ko sa mismong katawan ko. Pinapagpapawisan na ako ng malamig.
Ilang saglit pa, nakahinga ako ng maluwag ng tumigil ang pagkatok. Thank God!
Napatingin sa akin si Trevor tsaka ngumisi.
"Sabi sayo eh, ako na bahala." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng CR.
O-okay.
---
Anya's Point of View
"Oh bat ngayon ka lang?" Tanong ni Sammy sa akin pagpasok ng pagpasok ko sa kwarto. Agad akong tumungo sa kama at umupo dito. Hindi ko man lang pinansin ang sinabi ni Sammy.
"Anya, okay ka lang ba?" Tanong niya pa sa akin. Dun ko na siya sinagot.
"Yes." Matipid kong sagot.
Nilapitan ako ni Sammy tsaka tumabi sa akin.
"Something is bothering you. What is it?" Tanong pa niya sa akin.
"Sammy, may narinig kasi akong umuungol sa CR sa baba." I saw Sammy's reaction.
Pinipigilan niyang tumawa. I know that this unbelievable pero for the second time may narinig uli akong ungol and this time, hindi na siya mawala sa isipan ko.
"Baka kung ano-ano lang naririnig mo." Sabi niya.
"Hindi eh. Pangalawang beses ko na itong naririnig." Pagkontra ko dito.
Sabay kaming napatingin sa pintuan ng bumukas ito at pumasok si Ellie. Saan siya nanggaling? Hindi ko ata siya nakita mula kanina.
"Oh anong problema?" Tanong niya sa amin. Nakatingin kasi kami sa kanya.
Lately, Ellie has been acting weird. Ewan ko pero yun ang napapansin ko sa kanya. Shit! Ayoko ng mga naiisip ko ha. Masyado akong nast-stress.---
Sammy's Point of View
Nagising ako madaling araw ng maramdaman kong may lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa kama ni Ellie at tama nga ako. Siya nga yung lumabas.
Napaupo ako sa kama at napatingin kay Anya na tulog na tulog na.
Matagal na akong may kutob kay Ellie eh. Actually, hindi lang sa kanya kundi pati kay Trevor. Alam kong may something sa kanila at naaawa ako kay Anya kasi wala siyang kaalam-alam. Gusto ko man itong sabihin sa kanya pero hindi muna ngayon kasi wala pa akong ebidensya.
Don't worry Anya, tutulungan kita.
Tumayo ako sa kama at tsaka sinuot ang aking salamin. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. May kutob kasi ako na may malalaman ako ngayon.
Naglakad ako pababa ng hagdan ng may narinig akong may nag-uusap sa kusina.Dali-dali akong pumunta sa likod ng pintuan at nagtago doon. Pasimple akong nakinig sa pinaguusapan nila. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong sina Trevor at Ellie iyon.
"Ayoko na, Trev. Alam kong may nalalaman na si Anya." Rinig kong sabi ni Ellie.
"Hindi pwede, Ellie. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang humingi ng pabor na gawin natin ito tapos ngayon aayaw ka na?" Sumbat ni Trevor.
Tanginang Ellie! Anong siya ang humingi ng pabor? Ganun na ba talaga siya ka desperada?
"Pero Trevor pwede bang balewalain na lang natin yung napagusapan natin?" Sabi ni Ellie.
Lumapit si Trevor mismo sa kanya.
"No, we can't. Nagsisimula pa lang ako." Sabi nito at talagang napalaki ang aking nga mata. Kitang kita ko mismo na naghalikan silang dalawa. Trevor kissed Ellie at ang masakit dun, Ellie kissedback.
I knew it! Tama nga ako! Ginagago nila si Anya. Gaano na katagal? Mga walang hiya sila.
Nagulat ako ng biglang may humila sa akin papalayo.
Hinila niya ako papunta sa balkonahe.
"Aray!" Napatingin ako sa lalaking humila sa akin at nagulat ako dahil si Tim pala iyon."Anong ginagawa mo?" Mahinang tanong niya.
"Hindi mo ba nakita? Niloloko nila si Anya." Sabi ko.
Pero nanatili itong kalmado. Bakit parang wala lang sa kanya? Don't tell me... Don't tell me alam niya. Fudge!
"A-alam mo?" Tanong ko pa. Nanatili siyang tahimik.
Shit! "Silence means Yes" nga ika nila.
"Kailan pa? Bat hindi mo agad sinabi samin? Ano prinoprotektahan mo pa sila?" Agad niyang tinakpan ang bibig ko.
"Pwede ba hinaan mo boses mo. Tska hindi ko sila pinoprotektahan." Pinakawalan niya ang aking bibig.
"Kayo ang gusto kong protektahan. Lalong lalo na si Anya." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Bat ganun? Bakit feeling ko andaming alam ni Tim?
Tumingin muna siya sa paligid bago nagsalita.
"Delikado pag dito pa tayo nag-usap. Dun tayo sa kotse." Agad niya akong hinila.
---
"Talaga? Shit!" Nagulat talaga ako sa nakalap kong impormasyon galing kay Tim. Halos isang oras na kaming naguusap dito sa kotse at tama nga ako andami nga niyang alam. Bilib din ako sa detective skills niya eh.
"Please wag mo munang sabihin sa iba to lalo na kay Anya." Pagmamakaawa niya sa akin.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Hindi ko naisip na ganun pala. Kaya pala.
"Kailan mo pa alam lahat ng ito?" Tanong ko. Masyado kasi akong curious.
"Honestly, matagal na akong may kutob pero lately ko lang din nalaman." Wika niya.
Nag-aalala ako. Nag-aalala ako lalo na kay Anya.
"Nang nalaman ko ito, mas pinili kong manahimik at gagawin ko ang lahat para malayo si Anya sa panganib." Sabi niya.
"Si Ellie. Alam ba ni Ellie?" Tanong ko pa.
"Hindi ko alam. Ewan ko dun sa babaeng yun masyadong martyr pagdating kay Trevor." Paliwanag ni Tim.
Nag-aalala pa rin talaga ako kay Anya. At tulad ni Tim, gagawin ko rin ang lahat para maprotektahan siya.
"Paano mo nalaman lahat ng ito?" Wika ko. Tiningnan ako ni Tim bago nagsalita ulit.
"Siya mismo ang nagsabi sa akin. Noong una, hindi ako makapaniwala pero noong nakita ko na at dahil na rin sa iba't ibang ebidensya at circumstances, iyon ang nagbigay judgement sa akin." Paliwanag ni Tim.
Huminga ako ng malalim.Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ito sa iba. Isa pa, they deserve to know the truth. Lalo na ito, napakalaking sikreto ito. Hindi lang basta malaki, napaka confidential nito.

BINABASA MO ANG
Secret Bad Affair
JugendliteraturAffair. Sa iba mali ito at hindi dapat gawin pero paano kung ito ang natatanging paraan para maprotektahan mo ang isang taong mahalaga saʼyo? Are you willing to take the risk? Are you willing to have a Secret Bad Affair? COMPLETED.