Kabanata X

3K 35 0
                                    


Bakit kaya may ganung gamot si Trevor? Maysakit ba siya? Kailan pa? Bakit hindi niya sinabi sakin?

Ang daming tanong na pumapasok sa aking isipan. Gulong gulo ako. Ang dami kong natuklasan at lahat ng iyon ay sobrang bigat.

"Guys, what if maysakit si Trevor? What if he is dying?" Napatingin kaming lahat kay Sammy.

Inaamin ko, Oo natatakot din ako. Paano kung tama si Sammy? Pano kung maysakit nga siya?

Napaupo ako sa sofa. Sobrang nast-stress na ako.

"Hindi natin alam hanggat hindi natin makakausap si Trevor." Sabi ni Lucas.

"Ang tanong eh asan si Trevor? Hindi ko pa siya nakikita mula kanina." Wika naman ni Sammy.

Napatingin ako kay Tim na tahimik lang sa gilid. Bestfriend niya si Trevor baka may nalalaman siya.

"Tim, may alam ka ba tungkol dito?" Tanong ko.

"Wala, Anya. Ang buong akala ko Trevor is just cheating on you the whole time pero sa tingin ko may mas mabigat na dahilan pa ito." What? Alam niya noon pa na niloloko ako nina Ellie at Trevor?

"Alam mo na niloloko ako ni Trevor?" Napatingin ako sa kanya.

"Yes." Matipid niyang sagot. Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"Alam na ni Tim noon pa, Anya." Napatingin ako kay Sammy. Pati siya? Pati si Sammy ay may alam dito? Wow!

"Pati ikaw?" Tanong ko pa.

"Sinabi ko sa kanya." Dagdag pa ni Tim.

Napatawa na lamang ako.

"Bakit di niyo sinabi sa akin? Ano to, guys. Nilihim niyo para protektahan sila?" Tanong ko pa. Bakit pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako? All this time ganito na pala ako kamanhid?

"Hindi, Anya. We wanted to protect you." Sabi ni Tim.

"Protect from what? So may alam ka nga tungkol sa mga gamot na to? Ano maysakit ba si Trevor?" Tanong ko sa kanya. I am so confused!

Tumabi sa akin si Tim bago nagsalita ulit.

"Naalala mo ba noong nagkausap tayo sa balkonahe at sinabi mo sakin na nagkausap na kayo ni Ellie? I comforted you right?" Napatango ako.
"And then the next day, you asked me kung bakit ako may pasa diba?" Dagdag pa niya.

"Si Trevor ang may gawa nun. Hindi ko alam na nakita niya pala tayong magkayakap sa balkonahe. Explain ng explain ako sa kanya na I was just comforting you pero hindi siya nakikinig. Ayaw niya akong paniwalaan kaya grabe yung suntok na natamo ko sa kanya noong gabing iyon." Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Trust me, Anya noong gabing iyon, sobrang sama ng tingin ko kay Trevor. Parang ibang tao siya. Parang hindi siya yung Trevor na kilala natin. Sobrang nakatatakot siya kung magalit. He even told me to stay away from you kasi sabi niya baka ano daw ang gawin niya sayo. Kaya sinunod ko yun para sa safety mo kasi sinasabi ko sayo, ibang iba si Trevor kung magalit." Paliwanag niya. Hindi ko pa rin maintindihan.

"Anong ibig mong sabihin? Anong mangyayari sakin pag hindi mo ako nilayuan? Sasaktan ako ni Trevor? Ganun ba yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko. Pero sinunod ko siya kasi natakot din ako. Tulad ng sabi ko, ibang iba siya ng gabing yun." Sabi niya.

Shucks! Ang sakit sa ulo nito. Bakit kasi sabay-sabay itong nangyayari? Hindi pa ako nakakapag move on sa panloloko nila sa akin tapos ito na naman. Ayoko naaaa!

---

Ellie's Point of View

I guess, ito ang tamang gawin. I have to stay away para maging maayos sila. In the first place, tama naman si Anya eh. Kasalanan ko. Kung hindi ko sana hiniling yun kay Trevor, hindi mangyayari to. Hindi sila magkakahiwalay at lalo na hindi iisipin ni Anya na pagtataksil yung ginawa ko. Iyon lang kasi ang naisip kong way para maprotektahan siya. Hindi niya alam ang pwedeng gawin ni Trevor.

And if Anya will just listen to me, sana na explain ko na lahat sa kanya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Kilala ko si Trevor. Gagawin niya ang lahat para hindi mawala sa kanya si Anya. He loves Anya so much. Kahit maling paraan ay gagawin niya bumalik lang ulit si Anya sa kanya.

"Cobe, I want to tell you something." Tumingin ako kay Cobe na nagnamaneho. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa terminal. Nagpasundo na ako kay Kuya at doon na lang ako maghihintay. Nakakahiya kasi pag magpapahatid pa ako sa bahay. Halos 4 hours pa ang biyahe. At tsaka malapit na rin gumabi. Delikado na pag si Cobe lang mag-isa ang babalik.

"Pwede bang protektahan mo si Anya. Protektahan mo siya kay Trevor." Sabi ko pa.

"Bakit? Kung makasabi ka naman ng ganyan parang mamamatay tao si Trevor ah." Napatawa pa siya.

"You don't know Trevor. Kahit sina Lucas hindi pa nila ganun ka kakilala si Trevor. Kaya please pakisabi sa kanila na kahit anong mangyari ay protektahan nila si Anya." Wika ko.

"O-okay." Wala na siyang nagawa kundi umoo na lang sa sinabi ko.

Agad kong kinuha ang phone ko sa bag ko ng tumunog ito.

Message from: Trevor
'Umalis ka na pala? Hindi ka man lang nagpaalam. Sabagay, buti na yun para magawa ko na yung mga plano ko'

Parang binuhusan ako ng napakainit na tubig ng nabasa ko iyon. Hindi pwede!

Napatingin ako kay Cobe.

Kailangan ako ni Anya ngayon. Kailangan ko siyang protektahan.

"Cobe, balik tayo." Napatingin sa akin si Cobe. Naguguluhan ata ito.

"Ano?" Tanong niya.

"Bumalik tayo. Hindi maganda ang kutob ko." Sabi ko pa. I need to protect my bestfriend.

---

Anya's Point of View

"Tapos noong umalis kayo ni Lucas para pumunta sa bayan, nakita ko sila ni Ellie na may ginagawang milagro sa kwarto. Galit na galit ako noon kasi akala ko mahal ka niya pero bakit ka niya niloloko?" Napaiyak na naman ako sa sinabi ni Tim. Napaka walang hiya nila!

"Kinausap ko si Trevor pero ang tanging sinabi lang niya ay manahimik na lang ako. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito." Dagdag pa niya.

"Bakit hindi mo sinabi Tim? Walang hiya sila!" Sigaw ko pa.

"Gusto kitang protektahan kay Trevor kasi tulad ng sabi ko, ibang tao siya pag nagagalit. Tsaka alam nating lahat kung gaano ka niya kamahal. Kaya pa nga niya ako sinapak ng grabe noong gabing yun." Napatawa siya habang sinasabi yun.

"He is very possessive pagdating sayo. Actually, he is already obsessed. Tsaka alam kong may malalim na rason ang lahat ng ito." Dagdag pa niya.

"And that's what we have to find out." Sabi naman ni Sammy.

Bigla naman ako niyakap ni Tim.

"Basta andito lang ako lagi para protektahan kayo. Lalo ka na." Agad naman niyang ginulo ang buhok ko.
Pinahiran ko na ang mga luha ko tsaka pinilit na ngumiti.

"Guys!" Napatingin kami kay Lucas na kakagaling lang sa labas.

"Tumawag si Ellie, pabalik na daw sila ni Cobe." Sabi pa niya.

"Sila? Akala ko uuwi na yung bruhildang yun?" Wika ni Sammy.

"Babalik daw siya kasi may natanggap siyang text galing kay Trevor. Explain niya raw lahat pagdating nila basta ngayon daw maglock daw tayo ng pintuan at wag papasukin si Trevor. Ingatan daw natin si Anya." Napakunot naman ang noo ko.

May alam si Ellie? Tsaka bakit parang naging kontrabida ata bigla si Trevor? Hayyysss!

"Sammy, samahan mo muna si Anya dito. Tim, tulungan mo kong i lock ang mga pintuan." Utos pa ni Lucas.

Secret Bad AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon