Nasa kwarto na kami ngayon.Naghahanda na si Sammy sa pagtulog. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni Sammy kanina sa bonfire.
Napaka weird talaga ng babaeng yun.
Kakalabas lang ni Ellie galing banyo. Agad siyang napatingin sa akin bago ako nilampasan.I sighed as I started to recall my friendship with Ellie.
We used to be friends.
Best of friends.
Ako ng una niyang naging kaibigan noong high school. Transferee kasi siya galing siya ng province kaya iba ang naging tingin sa kanya ng mga tao sa school namin specifically our classmates. They use to bully her dahil sa pagkakaiba niya sa amin.
Pero hindi ako katulad nila.Kinaibigan ko si Ellie hanggang sa hindi na siya gaanong binubully. Ako rin mismo ang nagpakilala sa kanya sa barkada.
From then, nagbago na si Ellie. Hindi na siya katulad ng dati na inaapi-api lang. She started to fight back and embrace her flaws and imperfections more. I have fully seen a woman who had changed---for the better.
Nalulungkot pa rin talaga ako kapag naalala ko kung paano kami naging close ni Ellie at kung paano rin siya lumayo sa akin.
Oo, magkaibigan pa rin kami. Nasa parehong barkada pa rin kami pero alam niyo yun, parang may wall sa gitna namin na humaharang. I really wanted to talk and reach out to her pero siya mismo ang lumalayo.
Tuluyan na talagang lumayo ang loob ni Ellie sa akin at nagsimula ito noong nagbreak sila ni Trevor and things became more worse ng magkaroon kami ng relasyon ni Trevor.
"Ellie, can we talk?" I found myself standing beside Ellie habang nakaupo ito sa kama habang sinusuklay ang buhok niya.
Yumuko ako at nagbuntong hininga bago nagsalita ulit.
"I know that things between us had already changed but hey, I just wanted to tell you that I really really miss you." Napakagat labi ako para pigilan ang aking sarili na wag umiyak.
"Sorry. Sorry talaga sa lahat. I know na sobra kitang nasaktan and if you think na wala akong kwenta kasi feeling mo pinagtaksilan kita bilang kaibigan mo, sige. Okay lang. I'll take all the blame." Tuluyan na akong napaiyak.
I can feel my knees shaking.
Patuloy pa rin sa pagsuklay ng buhok niya si Ellie. She didn't even bother to look at me.
Hayysss, aasa pa ba ako?
"I know this is non sense." Mahina akong napatawa at pinunasan ang aking luha. "I know na hindi ka naman na makikinig sa akin. Pero Ellie umaasa pa rin ako na one day mapatawad mo ako. Kahit hindi na tayo bumalik sa dati basta kausapin mo lang ulit ako. I miss you so much, Ellie. I really do." Napayuko ako at dun na napaiyak ng malakas.
Naramdaman kong tumayo si Ellie.
Nagkatitigan kaming dalawa. Tama ba tong nakikita ko? Naluluha din siya.
"Sana naisip mo yan bago mo pinatulan si Trevor." Her voice cracked.
May lumabas ng luha sa kanyang mga mata but still she managed to be at poise. I really admire her for being this strong.
"Alam mo naman na ex ko siya diba? At kaibigan kita. Ang hindi ko lang matanggap ay ang ginawa mo akong tanga. You know how much I love Trevor at imbes na tulungan mo ako para makapag-usap o magkabalikan kami, anong ginawa mo? Nilandi mo para maging iyo. Stupid!" Napangisi siya.
Patuloy ako sa paghikbi. I know it's my fault. It's always been my fault.
"Now you're saying sorry at umaasa ka na papatawarin kita? I'm sorry Anya pero ikaw ang rason kung bakit ako naging ganito. Naging bato na ang puso ko dahil sa ginawa mo. I once trusted you. Akala ko totoo kitang kaibigan pero tama nga si Sammy sa sinabi niya kanina. Too bad kasi nagkamali ako na ahas ang inalagaan ko. Kalimutan mo na ang lahat ng memories natin. Kalimutan mo na ako kasi ako?" Napatingin siya sa akin.
Her eyes met mine. "Matagal ko ng kinalimutan na naging kaibigan kita."
Sabi niya bago lumabas ng kwarto.Napaupo ako sa kama at napaiyak.
Napakasakit. Sobra.
---
Nagdesisyon muna ako na lumabas. Hindi ako makatulog eh.
Nadatnan ko si Tim na nasa balkonahe.
Buti na lang at gising pa siya. Ewan ko ba basta pagdating kay Tim hindi ako nahihiya na magshare ng nararamdaman ko.
I know that he is always ready to listen to me and I am forever thankful for that.
"Tim" Nilingon niya ako. He was holding a glass of wine.
I guess, may problema o may pinagdadaanan.
"Hindi ka rin makatulog?" Tanong niya.
"Hindi." Tumabi ako sa kanya.
Ang ganda ng view ng kalangitan. Punong puno ng stars. Napapakalma talaga ako kapag nakakakita ako ng stars. Kung sana pwede na lang ipasa sa bituin ang mga problema no? Para mawala na lang.
"There must be something." Napatingin ako kay Tim. Nakatingin na pala ito sa akin.
"Nagkausap na kami ni Ellie." Mukhang nabigla siya sa sinabi ko.
Umayos siya ng tayo.
"And let me guess, hindi maganda ang pag-uusap niyo no?"
Aish! Bakit ba kilalang kilala niya ako?
Hindi ko pa nga kinukwento sa kanya, alam na agad niya. I love having a friend who is like that. Yung kilalang kilala ka na. You don't have to say anything kasi gets ka na niya.
"I am trying to reach out, Tim pero mukhang wala ng pag-asa. I guess I have to move on na." Sagot ko.
Nilapag niya ang basong hawak niya sa upuan tsaka lumapit sa akin.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"It's okay. Magiging okay rin ang lahat. Magiging okay din kayo. Basta andito lang ako." Bigla na lang niya ako niyakap at kasunod nun ang pagpatak ng mga luha ko.
From that moment, alam ko ang kailangan ko. Kailangan ko lang ng yakap mula sa totoong kaibigan.
---"Anya, halika na. Mag breakfast na tayo." Nagising ako dahil sa sinabi ni Sammy.
I have to be honest, tamad pa akong bumangon pero dahil sa salitang "Breakfast" napagdesisyonan kong tumayo na. Nagugutom na ako eh.
Napatingin ako sa kabilang kama at napabuntong hininga. Wala na dun si Ellie. Siguro nasa baba na.
Haysss, andito pa rin ang sakit at ang bigat. Pero tulad ng sabi ni Tim, magiging okay rin ang lahat.
Inayos ko na ang aking sarili bago lumabas ng kwarto.
Sakto naman kasi paglabas ko nakita kong lumabas din ng kwarto nila si Tim.
Halatang nagulat siya ng makita ako kaya agad siyang umiwas.
"Tim, sandali. Sabay na~" Napatigil ako sa pagsasalita ng mapansing may pasa siya sa may bandang bibig niya.
At base sa pasa parang bago lang ito. At isa pa, bago kami matulog kagabi wala pa naman iyon.
"Anong nangyari diyan?" Hinawakan ko ang mukha niya. Pilit naman siyang lumalayo pero talagang makulit lang ako.
"Aray!" Reklamo niya ng hawakan ko ito. "Wala yan, Anya." Hindi eh. Hindi pwedeng wala lang ito.
Wala pa ito kagabi.
"Anya!" Napalingon ako at nakita si Trevor na seryosong nakatingin sa amin. Biglang lumayo sa akin si Tim.
"Halika na. Baba na tayo." Bigla niya akong hinawakan sa braso tsaka hinatak.Napatingin pa ako kay Tim habang hila-hila ako ni Trevor.
In return, Tim just smiled at me para sabihin sa akin na okay lang siya.

BINABASA MO ANG
Secret Bad Affair
Teen FictionAffair. Sa iba mali ito at hindi dapat gawin pero paano kung ito ang natatanging paraan para maprotektahan mo ang isang taong mahalaga saʼyo? Are you willing to take the risk? Are you willing to have a Secret Bad Affair? COMPLETED.