Kabanata XI

2.9K 32 0
                                        


Nagtipon-tipon kaming lahat sa kwarto. Natatawa pa ako kina Tim at Lucas kasi may nga dala silang palakol. Parang namang may sasalakay sa aming killer.

"Hoy! Ano ba kayo. Bat kayo may ganyan?" Tanong ko.

"Buti na to para handa tayo. Tsaka sabi sakin ni Ellie hindi basta basta si Trevor." Sabi ni Lucas.

"Anong hindi basta basta? Guys, kilala natin si Trevor. Hindi tayo sasaktan nun lalo na at nandito ako." Paliwanag ko pa.

Nanatiling tahimik si Tim at halatang may iniisip.

"Tim, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Tumango ito.

"Oo. Hindi lang mawala sa isip ko ang nga gamot na nakita sa mga gamit ni Trevor. Bakit kaya siya magkakaroon ng nga ganun?" Sabi nito.

Kahit ako rin naman, nagtataka. Wala naman kasing nasasabi o nababanggit sa amin si Trevor na may karamdaman siya. Lalo na sakin, wala siyang sinabi. Tsaka okay na okay naman siya. Parang walang mali sa kanya.

"Malaking palaisipan din sa akin kung bakit parang he is acting weird this past days. Parang ang awkward niya." Dagdag pa ni Tim.

"Alam kong may alam si Ellie dito. Sabi niya sa akin may mahalaga siyang sasabihin sa atin pagdating nila." Biglang sabi ni Lucas. Buti nga para maliwanagan na kami kasi sobrang gulong gulo na talaga ako.

"Lucas! Tim! Si Ellie to!" Nagkatitigan kaming lahat ng marinig namin ang sigaw ni Ellie mula sa labas.

"Dito lang kayo, ako na ang magbubukas sa kanya." Wika ni Lucas bago lumabas ng kwarto.

---

Ilang saglit pa, dumating na si Lucas kasama si Ellie.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ellie. Para atang nakalimutan niya na magkaaway pa kami. Hindi ko pa siya napapatawad sa ginagawa niya.

"Thank God you are safe." Sabi niya pagkatapos niya akong yakapin.

"Bakit ikaw lang? Asan si Cobe?" Tanong ni Tim sa kanya.

"Nasa labas pa. Tumawag kasi ang Dad nila ni Lucas kaya pinauna na niya ako dito. Isa pa may kailangan akong sabihin sa inyo. Isang napakalaking sikreto tungkol kay Trevor." Sabi niya.

Napatalon naman ako sa gulat ng biglang kumidlat ng napakalakas. Umuulan pala sa labas?

"A-anong tungkol kay Trevor?" Sabi ko. Inaamin ko, medyo kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Shit!
Lumapit sa akin si Ellie tsaka umupo sa tabi ko.

"You know how much Trevor loves you right? Kahit kami alam namin na mahal na mahal ka niya at gagawin niya ang lahat para hindi ka lang mawala sa kanya." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ellie.

I want to know the truth. The whole truth.

"Anya, may sakit si Trevor. He has a mental disorder and it is getting worse." Sabi ni Ellie. Mental Disorder? Baliw si Trevor? Ano?

"Anong ibig mobg sabihin?" Tanong ko. Mas lalo akong naguguluhan ngayon.

"He can exprience extreme anger and anxiety. He gets too possessive at things at minsan hindi na ito nagiging mabuti para sa kanya to the point na nakakagawa na siya ng mga maling bagay. Anya, he is so obsessed at you kaya nasa panganib ka ngayon lalo na at para sa kanya hindi mo siya mapapatawad dahil sa ginawa namin." Paliwanag pa niya.

"Sasaktan ako ni Trevor? Ganun ba yun?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi lang ikaw, Anya. Pati rin kami kasi alam niya na hanggat nandito kami, hindi ka niya makukuha. Kaya hindi lang ikaw ang nasa panganib dito kundi tayong lahat." Napatingin ako kina Sammy, Tim, at Lucas na halatang nagulat din.

Secret Bad AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon