Kabanata V

3.8K 32 2
                                        


Kinagabihan, napagkasunduan naming lahat na magkwentuhan sa balkonahe. Mula ng pagdating kasi namin dito, hindi pa kami nakakapagusap. I mean, yun naman talaga ang main reason kung bakit kami pumunta dito sa resthouse nina Lucas para mas makilala pa namin ang isa't isa. We have been friends for 8 years but still alam namin na hindi pa namin ganun ka kakilala ang isa't isa.

"Oh bat ang tahimik niyo ata. Nagpunta ba tayo dito para magkatitigan lang?" Biro ni Lucas.

Sa aming lima, siya talaga ang happy go lucky person. Siya yung pinakamatanda kaya parang siya na rin ang tatay slash kuya namin. Pero I know na meron siyang hindi pa sinasabi samin. Behind those laughs and smiles, alam kong may lungkot na nakatago dun.

"Sige, ako na ang magsisimula. May isha-share ako sa inyo. At si Cobe pa lang talaga ang nakakaalam nito, syempre kapatid ko siya eh." Mahina siyang tumawa. Pilyo talaga ito.

"When I was 9, naghiwalay sina mommy at daddy. I even beg na wag silang maghiwalay. I beg dad na wag iwan si mommy at ipagpalit sa ibang babae pero hindi niya yun pinakinggan. She chose another woman instead of my own mother. She chose a woman instead of us." Seryosong sabi niya.

Halatang nagulat kami sa sinabi niya. Akala kasi namin totoong mommy niya talaga si Tita Janice yun pala... Wow! Just wow.

"Lumaki ako na hindi nakakasama si Daddy. I really admire my mom kasi nakita ko kung gaano siya katatag kasi mag-isa lang siya noong pinalaki ako. One time, nakita kong umiiyak si mommy sa kwarto habang yakap-yakap ang wedding picture nila ni Daddy. I smiled as tears escaped my eyes. I really admire my mom kasi biruin niyo kahit sobrang sakit at bigat ng ginawa sa kanya ni Daddy still mahal niya pa rin ito. After a year, muling bumalik si Daddy. And that time kasama na niya si Cobe. Cobe was 5 years old that time while I was 11. Namatay kasi yung mommy niya dahil sa cancer. Then, I couldn't imagine this scene to happen in real life. Nagmakaawa si daddy na tanggapin uli siya ni mommy including Cobe. And I bet alam niyo na ang nangyari." Napangiti ito.

Ahhh kaya pala. Mommy naman pala talaga niya si Tita Janice. Strong woman si Tita Janice ah. I also admire her for that.

"Alam niyo kasi guys, walang perfect family. Kaya swerte talaga yung iba na buo pa rin at magkakasama. For me, dapat araw-araw kayong magpasalamat na may pamilya kayo kasi hindi lahat mayroon ng katulad sa inyo." Dagdag pa ni Lucas.

Kaya pala ganito ka strong si Lucas eh dahil strong din yung mommy niya. Mana sa nanay. And I do believe na mismo ang karanasan niya ang nagpapatibay sa kanya kasi diba "Experience is the best teacher."

"Mas hinahangaan ka pa namin, bro. Ang tatag mo." Sabi ni Tim. Ningitian naman siya ni Lucas.

"Sige ako na sunod." Wika ni Cobe.

Kakakilala ko pa lang kay Cobe and to be honest, nacu-curious ako sa isha-share niya. This is going to be interesting.

"Dudugtungan ko lang yung sinabi ni Kuya." Pagsisimula niya.

"The reason why I chose to stay here and live here alone sa resthouse na kung saan malayo sa lahat lalong lalo na sa pamilya ko ay dahil sa gusto kong hanapin ang totoong ako. I mean, all the time I am being compared to my brother. Para kay Dad si Kuya ang pinakamagaling sa lahat. Kaya naisip ko na baka sa pagtira ko dito, alone maybe mahahanap ko yung self ko at may ipagmamalaki ako kay Dad. I don't want to hide behind Kuya's shadows. All my life, mindset ko na talaga yung dapat maging katulad ako ni kuya, dapat maabot ko yung naabot niya, dapat ganto ako kasi ganto gusto ni Daddy pero nakakalimutan ko na tanungin kung ano ba talaga gusto ko. Kung gusto ko ba yung ginagawa ko. And I am hoping that one day, my family will also be proud of me katulad ng kung gaano sila ka proud kay kuya." Tiningnan niya agad si Lucas pagkatapos niya itong sabihin.

Secret Bad AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon