[Allure]Narating din namin ang SM Mall sa Quezon City. I was about to turn off my engine nung tumingin ako sa katabi ko. If only you could see her here sleeping on my car, parang ang amo ng mukha niya. She has this long sharp eyelashes, round shape face, hearty lips and her eyes na palagi nalang galit or kung hindi naman ay asar ang nakikita ko sa mga matang yun.
Bruh! Ano ba itong pinag-iisip ko? Allure remember this, you're going to take care of her hanggang sa kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, hindi yung pinu-puna mo ang mukha niya. Para pa naman itong dragon kung magalit. At wag na wag kang mai-inlove sa kanya, sundin mo ang utos ng Daddy mo. Sabi ko sa sarili ko.
Napa-kamot nalang ako sa aking batok at tiningnan siya na mahimbing ang tulog.
Pero...
"Hoy! Senyorita! Gumising ka na jan!!! Tutulog-tulog hindi pa gabi!" sigaw ko, at nagising naman siya na na-yamot ang mukha at tiningnan ako ng masama.
"Ano bang problema mo!? Natutulog yung tao, sinisigawan mo ako! Letse ka!!!" she yelled at me like she wants me to kick out here of my own car!
Hinampas-hampas niya din kasi ako! Umilag ako sa mga hampas niya at saktong tinanggal ko ang seatbelt ay lumabas kaagad ako sa kotse ko.
Lintik na babaeng bratty nato!
Umikot ako sa gawi niya at binuksan ang pinto sa side niya para pababain siya.
"Labas! Ang sakit mong manghampas! Para kang hindi babae ah!" litanya ko, nagawa ko siyang hilahin palabas sa pag-hawak sa braso niya.
"Ouch! Pwede ba wag mo akong hilahin!? May paa naman ako, can't you see!?" hindi ba siya nagsasawa sa pagsigaw?
"Ayaw mo kasing magising kanina, kaya...sumigaw nalang ako. Mabuti ngang ginawa ko yun oh diba! Effective! Hahaha!!!" natatawang usal ko pero ang mukha niya hindi maipinta.
"Ah! ganun? Pwes!" sabi niya, she just smirked looking at me. Lumalapit siya sakin habang ako naman ay umaatras.
Tumingin ako sa kung anong gagawin niya at nanlaki ang mata ko...hinubad niya ang kanyang dalawang flat shoes at hinagis niya sakin yun, sabay sumigaw.
"Langhiya ka! Buti nga sayo! Bleehhh!" parang batang usal niya sakin at saka sinuot ulit ang binato niyang flat shoes, grabe natamaan talaga ang binti ko dun ah!
Nag-park ako ng maayos sa kotse ko at sinundan kaagad yung brat na yun. Ang hilig niyang manigaw ng ibang tao pero kapag tulog parang anghel, anghel na binaba sa langit dahil kapag gising ang lala ng ugali.
Pagpasok ko sa entrance ay hindi ko na siya naabutan.
Asan na kaya yun?
Tssskk!! Anong oras na ba? Nagugutom na ako ah!
Saan din ba pumunta yung brat na yun! Iniwan ba naman ako!? Dahil hindi ko siya mahanap ay pumunta muna akong chowking at nag take-out nang makakain, napa-isip ako. Magla-lunch na rin pero hindi din kumain ang isang yun, pag-labas ko ay bumalik ulit ako para mag take-out na para sa kanya.
Saka ko nalang siguro iku-kwento kung saan ko nakilala ang Miyarain slash brat na yun, ika-kain ko muna to!
Naglakad ako papuntang food court, nasa tapat na ako ng food court nang sa di kalayuan ay natanaw ko si Miyarain. Naka-upo siya sa dulong upuan dito sa loob, hindi sa labas.
Naglakad ako para lapitan siya and to her surprise ay ang sama ng tingin nito sakin. Tss!
"Pasalamat ka pa nga sakin dahil binilhan kita ng makakain at natagpuan kita dito. Pagkatapos nating kumain ay pupunta tayong department store para sa gamit mo sa kitchen and other stuffs. Kumain ka muna." walang ganang sabi ko, hindi niya man lang ako tiningnan pagkatapos kong ilapag yung binili kong pagkain sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Bratty Senyorita (COMPLETED)✔️
Teen FictionHe likes pissing me off! I hate his guts! But only to find out, my family wants me to accept the kind of babysitting. I'm Miyarain Shingella Alcantara, the only brat that i don't want to cross a path with him. But that's what I thought! He makes my...