MBS 15: Party Became Messy

249 13 14
                                    

[Miyarain]

Kinakabukasan, hindi pa ako bumabangon ay narinig ko sa labas ng unit ko ang malakas at sunod-sunod na pagkatok sa pinto ko.

Pabalikwas kong bumangon sa kama at sinuot ang tsinelas ko saka padabog kong binuksan ang pinto ng kwarto at tinungo ang pinaka-pintuan dahil ang ingay na talaga ng katok nito!

Walang pagdadalawang-isip ay binuksan ko ang pinto at bumungad ang nakangising mukha ni Allure.

"Bakit ka ba nambubulabog ha! Alam mong natutulog pa ako eh, asar ka!" untag ko pero ang asungot ay parang hindi narinig ang sinabi ko at agad na pumasok sa loob na walang permiso ko. Hindi ko na pinigilan pa dahil baka mauwi na naman kami sa pagtatalo kapag ginawa ko 'yon. Sumimangot nalang ako na isinara ang pinto at naglakad patungo sa kanya.

Inangat ko ang isang kilay at diretsong tumingin sa kanya na prenting umupo sa couch at naka-cross legs pa talaga!

"Akala ko ba sasama ka sa akin gumala ngayon? Bakit hindi ka pa nakabihis?" asungot talaga!

"Eh malamang, kakagising ko nga lang diba at nabulabog lang iyon dahil ang lakas ng katok mo sa labas! Ang aga pa ah, alas syete pa nga ng umaga at hindi pa ako nag-aalmusal." Sabi ko na naka-cross arms at pinandilatan siya ng mga mata ko.

"Maligo ka na muna at lulutuan kita, don't worry this gonna be quick. Pagkatapos mong maligo tapos narin ako niyan," nakangiti niyang aniya sabay kindat sa akin.

Natigilan ako saglit pero nang nakabawi ay hinampas ko lang siya sa balikat at sinabing, "kapag hindi masarap ang luto mo, ipapakain ko iyan sa 'yo pati na ang plato." Nakita ko siyang lumunok pero nag smirk lang ako.

"Joke lang 'yun! Naniwala ka naman? Hahaha!" natatawa kong untag. Naningkit ang mata niyang iniling-iling ang ulo saka nagpaalam na magluluto siya.

Nagtungo siya sa kusina at ako naman ay bumalik sa kwarto ko para maligo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay narinig ko siya sa labas ng kwarto na tinatawag ako.

"Ready na ang pagkain mo, my bratty senyorita!" sigaw niya, alam kong inaasar na naman niya ako!

"Saglit lang! Hindi pa ako tapos magbihis eh," seryoso kong sabi. I wore an off-shoulder crop top na yellow-orange ang kulay na pinatungan ko ng yellow and black stripes at fitted jeans. Sinuot ko ang adidas na sapatos na nakalagay sa shoe rack sa likod ng pinto.

Naglagay ako ng light make-up sa mukha at  lip tint. Sinuot ko ang match heart necklace at earrings pagkatapos ay sinuklay ko ang hanggang balikat na buhok, tamang-tamang straight at curly kasi ang buhok ko.

Kinuha ko ang purse ko na may metal chain kaya pwede ko itong isabit sa aking balikat.  Eventually, I put there my wallet and cellphone. Paglabas ay hindi ko siya nahanap sa living room pero may naririnig ako na kung anong kaluskos sa kusina.

Naglakad ako papunta sa kusina at naabutan ko siya do'n na nakatalikod, nakasuot ito ng color macaroon apron na may isang cherry sa gitna. Nagpigil ako na matawa dahil kalalaking tao niya pero iyan pa talaga na apron ang sinuot?

Nilabas ko ang aking cellphone at saka siya kinunan ng picture pero bigla din itong lumingon sa akin dahil narinig nito ang pag-click ng camera ko.

Naniningkit ang mata niya nahumarap sa akin at malalaking hakbang na lumapit sa pwesto ko, sa bukana ng kusina. "Miyarain! Burahin mo iyan!" nanggagalaiti niyang sigaw.

"Habulin mo muna ako? Hahaha!" agad akong tumakbo sa living room nang makita ko siyang palapit na sa akin at nagtago sa likod ng couch na nakangiti.

"Huli ka!"

"Ay, kabaw!" bigla siyang sumulpot sa harapan ko pagkatapos niya akong gulatin. Nakangising-aso siyang lumalapit sa akin.

My Bratty Senyorita (COMPLETED)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon