Special Chapter 3: Contented

363 3 1
                                    

[Married Life Prt.3]

Habang naghihintay ang lahat sa loob ng simbahan ay lumabas ang mag asawang Miyarain at Allure dahil pinapatahan nila pareho si Lucas nang pumalahaw ito ng iyak, mabuti nalang at hindi pa nagsisimula ang seremonyas para sa kanyang binyag ngayong araw.

"Shhh! Oo, stop crying now our precious baby Lucas okay? Look at your cheeks, namumula na sa kakaiyak mo." Panimula ni Miyarain, napansin niya kasi iyon habang patuloy parin sa pag-iyak si Lucas.

"Baka naiinitan si baby Lucas, senyorita babe...hindi kaya?" wika ni Allure sa kanyang tabi.

Ilang minuto muna silang nakatayo sa labas ng simbahan habang nasa kamay ni Allure ang isang mini-fan na nakatutok sa kanilang anak, huwag lang itong mainitan.

***

Dalawang buwan matapos ang binyag ni Lucas ay unti-unti nang nakakitaan ng pagbabago sa kanya.

Nasa kanilang mansyon sila ngayon ng mga magulang ni Miyarain, inimbitahan silang pumunta sa mansyon dahil gusto ng kanyang ama na makipag-inuman sa kanila kasama na ang mga kaibigan nilang dalawa.

"Dad, spin the bottle tayo? And then the best part of that game will be the truth or dare, siguro naman familiar kayong lahat sa larong iyon diba?" ani Lesley na nakuha pang ma-excite pagkatapos sabihin sa kanila ang naisip na ideya.

Tumatango-tango ang ulo ng kanilang ama na sumisigaw pa habang tinataas sa kanang kamay nito ang baso na may lamang black label na imported pa galing ibang bansa.

Tatlo ang nilabas na gano'ng pangalan ng alak ang ama nila na patuloy parin sa pag-iinuman at hindi pa ito nakuntento nang maubos nilang lahat ang laman ng tatlong laman ng alak na iyon, nagpakuha pa ito ng canned beers sa na nakalagay sa malaking refrigerator nila.

"O anong oras na, hindi pa ba kayo inaantok? Nickery, lasing na ang iba sa kanila lalo na itong si Clinton," sabi ni Erika nang lapitan niya ang mga ito sa kanilang garden na nagkakasiyahan pa kahit halata na ang iba sa pagkakalasing.

"Walang uuwi ngayon, ang uuwi ay magiging pangit at gagawin ko siyang palaka na nakalutang dahil ihuhulog ko siya sa pool na walang damit," wika ni Miyarain sa mga kasama na kahit lasing man ay nagawa niyang sabihin iyon na hindi nauutal at pumipiyok.

"Clinton do'n ka sa kwarto ni..." yumuko ito sa lalaking tinawag niyang Clinton at may binulong siya dito na nakapag-patuwid ng upo ng lalaki.

Humalakhak siya nang makitang nanlalaki ang kanyang mga mata. "You must be kidding me," bulong niya rin na hindi pa makapaniwala sa binulong nito.

Iniling-iling niya ang kanyang ulo pero nagulat nalang siya dahil tinapik ni Miyarain ang braso niya, "Shige na pumunta ka na do'n, lasing ka na rin eh at wala ka nang iba pang matutulugan dahil pagkakasyahin ko ang iba sa tatlong guestroom sa itaas," dugtong niya.

Napaisip naman ang lalaki at hindi na nagdalawang isip pa ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo at nagpaalam sa kanila na mauuna nang pumasok sa loob ng mansyon dahil matutulog na raw siya, maaga pa kasi siyang gigising bukas para magtrabaho.

"Shenyorita bheyb? Aresh you happy?" agad na tanong ni Allure nang sila na lang dalawa ang naiwan sa labas dahil ang ilang kasama nila ay panaka-naka naring pumasok sa loob ng mansyon para matulog, maging ang daddy ni Miyarain na kasama rin nila kanina.

Nakataas ang isang kilay nito bago ito sinagot ang lasing na asawa. "Oo naman ashungot bheyb ko," pero kahit ganun ay nandoon pa rin ang pagmamahal sa asawa kahit na hindi perpekto ang pagsasama ngunit mananatiling sandigan nila pareho ng isa't isa.

Kinabig ni Allure ang asawa paupo sa kaniyang kandungan na muntikan pang ma-out of balance ang huli.

Naiyakap ni Miyarain ang dalawang braso sa batok ng kaniyang asawa at nagkatitigan sila pareho. "I'm so lucky to have you in my life, now that Lucas gave him to us, that both of us can learn into something beyond our expectations. Araw-araw kong ipapadama sa inyong dalawa ni Lucas that my love for the both of you has been bigger more, I coudn't ask for more." Nakangiti at walang humpay ang nakikita ng asawa sa mata nito habang tinititigan ang mukha ni Allure.

"You know what I've been thankful for? I'm thankful even though you accepted me before and after of those accidents had gone through our lives. The sin you've committed before, was already forgivable. Sino ba naman ako para hindi ka patawarin at pakasalan kung alam ko para sa sarili kong pinilit tayo ng tadhanang paglipitin muli ang landas natin at mas makilala ka pa. For me, I feel much contented and happy that finally, the chances had we lost before we can make it a new happy memories, together."

Matapos marinig ni Allure ang sinabing iyon ng kaniyang asawa, ay siniil niya ito ng isang matamis na halik sa mismong labi nito.

Nang dahil sa pinagdaanan nila ay nagawa ng mga ito o tamang sabihin ay mas pinili nilang maging positibo sa kabila ng mga nangyari at dumaang sakit sa kanilang mga buhay.

Magbigay aral sana ito sa mga taong hindi lahat nang nakukuha ng isang tao ay magiging masaya na sa huli.

Ang tao naman ay hindi isang bagay na kailangang maging pagmamay-ari ng iba dahil may sarili silang emosyon na dapat sundin. They can't trade the feelings and emotions because of greedyness, dahil iyon rin mismo ang sisira sa kanilang pagkatao.

Contented can make people feel happiness at the very end of time.

The End of special chapters.

--

A/N: Marahil ay dito na nagtatapos ang kanilang kuwento, ngunit sa pagbubukas ng panibagong kabanata ay tunghayan natin ang kuwento nila Layla at Clinton sa Alcantara Series #2!

Entitled: Taming Layla (The Bad Girl)

Suportahan niyo rin po sana ang iba kong mga on-going and up-coming stories na isusulat ko dito sa wattpad, marami pa kayong matutunghayang kuwento sa mga akda ko. 

Advance thank you sa inyo kung mababasa ninyo ang special chapters😊

Hindi ko pa dapat ipo-post ang special chapters pero, sinisimulan ko na kasi ang Alcantara Series #2 at mababasa niyo pa rin naman sina Allure at Miyarain do'n kaya 'wag po kayong mag-alala(Eheee!)😆✌

Votes and comments are very highly appreciated for me😍

Huwag rin po kayong mag-alala kasi may kasunod pa after nitong update pero hindi na po siya chapters or special chapters but acknowledgement, hintay lang sa announcement ko.

Ang lola niyong tamad, MsSupahlicious18💜

My Bratty Senyorita (COMPLETED)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon