[Miyarain]After several of weeks na panay projects, making assignments and working thesis ang inaatupag ko-namin palang dalawa ni Allure ay parang nabunutan kami ng tinik dahil pagkatapos ng mahabang preparation para tapusin ang mga 'yun ay sa wakas at makakapag-pahinga na ako ng ilang araw nito!
Our pre-final examination are finally over pero hindi pa naman magtatapos ang kalbaryo namin for Finals.
Hindi ko nalang muna 'yun iniisip sa ngayon dahil gusto ko pa munang mag-relax. Pero naisip ko ang pag-imbita ni Timmy sa'kin.
Niyaya ako ni Timmy na sumama papunta sa bahay ni Arcy dahil birthday ngayon ng kapatid niyang lalaki pero ang malaking problema ko, paano ko malulusutan ang isang Allure na panay ang paalala sa akin na hindi niya ako matatakasan kung sakaling hindi man ako makapag-paalam sa kanya, as if naman na susundin ko siya?
Pero anong gagawin ko!? Hindi ko naman pwedeng palampasin ang birthday party mamaya ng kapatid ni Arcy dahil balita ko ay galing pa raw ito sa states, doon ito nag-aaral at mas matanda lang ng dalawang taon sa'kin. He graduated as an Engineering student kaya nung nakahanap na ng trabaho ay madali lang itong nakapasok sa isang kompanya doon and started living there as an independent human being.
Last week lang ito umuwi sa kadahilanang mas gusto raw nitong dito magcelebrate ng kanyang 22nd birthday kasama ang pamilya at mga kaibigan nito, ang bata-bata pa pero ang layo na ng narating niya!
Kinuha ko sa hand bag ang cellphone ko atsaka tinawagan si Timmy, discussing about my little alluring problem!
Pinaikot ko ang aking mata nang maisip ang mokong na'yun! Feeling niya talaga na porque't inutusan siya ng mga magulang ko na magbabantay sa'kin ay may gana na siyang kontrolin ang buhay ko, buhay nga naman parang life!
"Ang bagal mong sagutin ang tawag ko ngayon ah? Where are you?"
"Andito pa sa bar, why?"
"Maka why-why ka diyan? Hindi mo man lang ba ako tutulungan sa problema ko dito?"
"Bakit ano pala ang problema mo ateng, si papa Allure ba? Kung sabihin mo kaya sa kanya para madali lang, malay mo naman at payagan ka eh di wala ka nang pr-problemahin pa, easy as that!"
"Wow! Ang dali mo lang masabi sa'kin ang ganyan ah, palibhasa kasi ikaw walang nagbabantay na isang asungot sa'yo." Pasalampak akong umupo sa aking kama.
"Tiisin mo muna kasi ang ugali niya, siya nga natitiis niya ang ugali mo na parang ugali ng isang bakulaw kung magalit eh, hahahaha!" aba't nakuha pa akong pagtawanan ng baklang 'to! Nang-aasar pa talaga!
"Hindi nga pwede okay! Atsaka magagalit 'yun, gaga ka!"
"Kung makagaga naman 'to? O sige, ano ba ang pwede kong maitulong sa'yo?"
I became silent kasi nag-iisip ako ng magadang idea kung paano ko malulusutan ang asungot na'yun, after five minutes kong hindi pag-imik sa kanya ay nagsalita ako.
"Ganito, pumunta ka dito mamayang alas sinko ng hapon saktong matatapos na ako sa pag-aayos nun. You will be pretending to be me lying down my bed and then kapag narinig mo siyang tinatawag ang pangalan ko ay huwag kang sumagot, okay? Habang ginagawa mo 'yun, hihintayin kita sa labas kung saan mo ipaparada ang kotse mo, gets?"
"At talagang ako pa ang magpapanggap na maging ikaw ah, ang ganda ko naman pala kung ganun! Siguro this is my chance para tsansingan ko si papa Allure!" ang landi talaga ng baklang 'to!
"Huwag mo nang subukan, alam mo naman kung gaano ka iniiwasan ng asungot na'yun diba, tapos ts-tsansingan mo?" napataas ang kilay ko kahit hindi naman niya ako nakikita.
BINABASA MO ANG
My Bratty Senyorita (COMPLETED)✔️
Teen FictionHe likes pissing me off! I hate his guts! But only to find out, my family wants me to accept the kind of babysitting. I'm Miyarain Shingella Alcantara, the only brat that i don't want to cross a path with him. But that's what I thought! He makes my...